Bagaman ang hindi mapinsalang kagat ng lamok ay humahantong lamang sa kaunting pangangati na nagagamot ng mga magulang sa bahay, hindi natin maikakaila ang katotohanan na ang iba ay nagreresulta ng dengue at malaria. Ito ay marahil kung bakit ang ideya ng maliit na mosquito patches ay nagustuhan ng mga nanay at tatay. Ngunit ang mga mosquito patch sa baby ay ligtas ba? Epektibo ba ito? Alamin dito.
Mosquito Patches, an Overview
Bago natin sagutin ang tanong na: Kung ang mosquito patch sa baby ay ligtas?, klaruhin muna natin ang ilang mga bagay.
Ang unang bagay ay ang panuto sa mosquito patches ay iba-iba.
Maaaring pamilyar ka sa maliit na patches na kailangan mong idikit sa damit ng iyong mga anak. Mayroon din na aktuwal na patches sa balat, na direktang dinidikit sa balat.
Ngunit para sa mga sanggol, kadalasan na idinidikit ang patches sa kanilang kuna, stroller, o kahit na saang sulok na malapit sa kanila.
Huwag ilagay ang kahit na ano sa balat ng iyong sanggol maliban kung inaprubahan ng inyong pediatrician.
Isa pang impormasyon na dapat mapuna ay ang mosquito patches ay naglalaman ng iba’t ibang sangkap. Iyong mga para sa sanggol at mga bata ay maaaring may natural na sangkap tulad ng citronella, kilalang repellent. Sa kabilang banda, ang skin patches ay malamang na naglalaman ng bitamina B1.
Ang mga Mosquito Patches ba ay Ligtas sa mga Sanggol?
Ang pagsagot sa tanong na ito ay medyo nakalilito, dahil makikita na mayroon lamang kakaunting batayan na nakatuon sa mosquito patches para sa mga sanggol (iyong kailangan na idikit ng mga magulang sa kuna o stroller).
Ang baby patches na binebenta ng mga reputable na manufacturers ay malamang na ligtas para sa mga sanggol hangga’t ginagamit ito nang tama; iyon ay kung hindi nila naaabot at aksidenteng mailalagay sa bibig o mga mata.
Tungkol naman sa pagiging epektibo, kinakailangan pa ng maraming pananaliksik.
Ang Mosquito Skin Patches ay Malamang na Hindi Epektibo, Napag-alaman ng Pag-aaral
Ligtas ba ang mosquito patches sa mga sanggol? Oo, gayunpaman, kung ito ba ay epektibo, ito ay isa pang tanong. Ang bitamina B1 patches ay dapat na gumagana sa pamamagitan ng pag-saturate nito sa balat na may B1, na mas nagpapalayo ng mga lamok.
Sa isang pag-aaral, napag-alaman ng mga mananaliksik na ang B1 patches ay walang epekto sa dalawang Aedes mosquito na kilala sa pagkalat ng dengue virus (Aedes aegypti at Aedes albopictus)
Isa pang imbestigasyon na sinubukan din ang skin patch brand laban sa parehong species ng lamok, at pareho na nagpakita na ang patch ay walang repellent na epekto.
Paano mo Maproprotektahan ang Iyong Sanggol mula sa mga Lamok?
Dahil wala pa rin tayong tiyak na sagot sa mga tanong kung ang mosquito patches ba ay ligtas at epektibo, ang mga eksperto ay pinaalalahanan ang mga magulang na ugaliin ang mga sumusunod na preventive measures:
- Suotan ang iyong sanggol ng mga light na kulay ng damit na natatakpan ang kanilang mga pulso at bukong-bukong. Ito ay sa kadahilanan na ang mga lamok ay naaakit sa dark na kulay.
- Linisin ang mga tubig na naiimbak sa labas ng bahay. Ang mga lamok ay nanganganak ng kanilang mga itlog sa tubig.
- Isa pang kapakipakinabang na tip kaugnay nito ay huwag sobrahan ang pagdidilig ng mga halaman.
- Kung mayroon kang mga puno sa loob ng iyong bahay, tignan ang mga butas. Lagyan ito ng mortar o buhangin.
- Gumamit ng screens sa mga pinto at bintana upang maiwasan ang pagpasok ng lamok.
Ligtas na Repellents para sa mga Bata
Kung naniniwala ka na kailangan ng repellents ng iyong sanggol, kausapin ang iyong doktor. Gaya sa nabanggit kanina, huwag maglagay ng kahit na anong produkto sa kanilang balat nang walang pahintulot ng pediatrician.
Sa kasalukuyan, maraming mga ligtas na repellents para sa mga bata. Ang iyong mga pagpipilian ay kabilang ang:
- Chemical repellents na naglalaman ng diethyltoluamide o DEET, na mainam na depensa laban sa kagat ng mga insekto. Gayunpaman, kailangan mong sundin ang precautions para sa produktong ito. Huwag maglalagay ng DEET na produkto sa mga sanggol na mas bata pa sa 2 buwan na edad at laging pumili ng mga may concentration na mas mababa pa sa 30%.
- Repellents na gawa sa essential oils. Gamitin lamang ito matapos ang rekomendasyon ng doktor.
- Chemical repellents na may permethrin, na maaaring ilagay sa damit.
Mahalagang Tandaan
Ligtas ba ang mosquito patch sa baby?
May mga pagkakataon na ligtas, hangga’t ginagamit mo ito batay sa panuto. Ngunit kung itatanong mo kung inirerekomenda ba ito ng eksperto, ang sagot ay hindi. Sa katunayan, karamihan ng institusyon sa kalusugan ay hindi binibilang ito sa listahan ng epektibong repellents.
Ang pinaka mainam na paraan upang maprotektahan ang iyong sanggol mula sa kagat ng lamok ay pangangalaga ng kanilang kapaligiran at kasuotan.
Kung nais mong maglagay ng repellents sa kanila, siguraduhin na kausapin muna ang kanilang mga doktor.
Matuto pa tungkol sa pangangalaga ng sanggol dito.