Ano ang arthritis?
Kapag narinig ng mga tao ang salitang arthritis o rayuma, kadalasang iniisip nila ang isang sakit na karaniwan sa mga matatanda. Bagama’t totoo na maraming matatanda ang may ganitong kondisyon at sumasailalim sa paggamot sa arthritis, maaari rin itong mangyari sa mga kabataan. Ngunit ano nga ba ang arthritis?
Ang arthritis ay ang pamamaga ng mga kasukasuan, o ang mga bahagi ng iyong skeletal system kung saan nag-uugnay ang mga buto. Hindi ito tumutukoy sa isang partikular na sakit, ngunit kadalasan ito ay sintomas ng isa pang kondisyon. Ito ay kadalasang ginagamit upang tukuyin ang pananakit ng kasukasuan, pamamaga ng kasukasuan, o isang sakit sa mga kasukasuan ng isang tao.
Dahil ito ay nakakaapekto sa mga kasukasuan, ang arthritis ay maaaring makaapekto sa iyong mga kamay, paa, tuhod, siko, binti, balakang, at iba pa. Anumang bahagi ng iyong katawan na may kasukasuan ay posibleng magkaroon ng arthritis. Ngunit kadalasan ang arthritis ay nagpapakita sa mga kamay, pulso, siko, at tuhod ng isang tao.
Osteoarthritis vs. Rheumatoid arthritis
Ang tanong kung ano ang arthritis ay maaaring sagutin sa pamamagitan ng pagsasalarawan sa dalawang uri nito. Habang pareho silang nagdudulot ng pinsala sa mga kasukasuan ng isang tao, ito ay makikita sa iba’t ibang paraan.
Osteoarthritis
Ang Osteoarthritis ay nagreresulta mula sa pagkasira ng cartilage sa loob ng iyong mga kasukasuan. Ang cartilage ay gumaganap bilang isang shock absorber na parang unan na sumasalo sa iyong mga buto. Pinipigilan nito ang pag giling ng mga buto sa isa’t isa. Sa paglipas ng panahon, ang cartilage ay maaaring masira. Dahil dito, ang mga buto sa kasukasuan ay magsisimulang gumiling sa isa’t isa, na maaaring magdulot ng mga sintomas ng arthritis.
Rheumatoid Arthritis
Ano ang arthritis, partikular na ang Rheumatoid arthritis? Ito ay nagdudulot din ng pinsala sa iyong kasukasuan. Subalit ito ay nagreresulta mula sa iyong sariling immune system na umaatake sa lining ng mga kasukasuan na tinatawag na synovial membrane. Sa paglipas ng panahon, ang lining ay maaaring masira, at ang cartilage ay mawawasak kasama nito.
Pangkaraniwan ba ang arthritis?
Hindi madaling malaman kung gaano karaming tao sa mundo ang nagdurusa sa arthritis. Karamihan ay di alam kung ano ang arthritis. Marami din sa kanila ay hindi nakakakuha ng karampatang gamot sa arthritis, o walang access dito. Gayunpaman, ang mga konserbatibong pagtataya ay nagsasabi na isa sa bawat tatlong tao na may edad 18 hanggang 64 ay may ilang uri ng arthritis.
Ang artritis ay isang kilalang kondisyon, at maraming tao ang mayroon nito. Ngunit hanggang ngayon ay marami hindi naiintindihan kung ano ang arthritis.. Ito ay dahil sa katunayan na maraming bagay ang maaaring maging sanhi ng arthritis, at hindi laging madaling malaman ang ugat na sanhi nito.
Ano ang sintomas ng arthritis?
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga sintomas ng arthritis na maaaring maka apekto sa kasukasuan:
- Masakit na kasukasuan
- Paninigas ng kasukasuan
- Kabawasan sa saklaw ng paggalaw
- Pamumula at pamamaga ng kasukasuan
Kailan dapat kumunsulta sa doktor?
Kung nakakaranas ka ng alinman sa mga sintomas na naglalarawan kung ano ang arthritis, magandang ideya na makipag-ugnayan sa iyong doktor. Tandaan, ang arthritis ay isang kondisyon na lumalala sa paglipas ng panahon. Kaya matagal bago ka magamot, mas malala ang mga sintomas na maaaring makuha. Ang maagang paggamot sa arthritis ay maaaring makatulong sa iyo na magkaroon ng isang mas mahusay na kalidad ng buhay. Maiiwasan mo rin ang pagdurusa sa mga masakit na sintomas at komplikasyon ng arthritis.
Sanhi at risk factors
Ang sumusunod ay maaaring maging sanhi ng arthritis:
- Wear and tear ng kasukasuan
- Pagkakaroon ng kondisyon gaya ng lupus na maaaring magresulta sa autoimmune response na nakakasira ng kasukasuan
- Gout, o sobrang uric acid sa katawan
- Fibromyalgia,o isang kondisyon na nagreresulta sa pananakit ng kalamnan at buto
- Ankylosing spondylitis, isang inflammatory disease na sanhi ng pagdikit-dikit ng maliliit na buto sa gulugod
Ano ang arthritis at risk factors nito?
Ang sumusunod ay mga risk factors ng arthritis:
- Mataas ang tsansa na magkaroon ka ng arthritis kung ikaw ay may kapamilya na mayroong arthritis.
- Malaki rin ang papel ng edad sa pagkakaroon ng arthritis. Habang tumatanda, tumataas ang panganib na magkaroon ng arthritis.
- Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng arthritis ang mga babae. Gayunpaman, mas malaki naman ang tsansa ng mga lalake na magkaroon ng gout.
- Ang pinsala sa kasukasuan ay maaaring magdagdag ng panganib na magkaroon ng arthritis.
- Ang sobrang timbang ay naglalagay ng dagdag na strain sa kasukasuan. Ibig sabihin nito, mas mataas ang panganib na magkaroon ng arthritis ang mga taong napakataba o sobra sa timbang ay mas
Diagnosis
Paano nasusuri ang arthritis?
Ano ang arthritis at paano ito nasusuri? Ito ay depende sa uri ng arthritis na meron ka. Para sa rheumatoid arthritis, susuriin muna ng doktor ang kasaysayan ng iyong pamilya upang malaman kung meron kang mas mataas na tsansa na magkaroon ng arthritis.
Maaaring suriin ang iyong dugo para makita ang isang antibody na tinatawag na rheumatoid factor. Ito ay karaniwang matatagpuan sa dugo ng mga taong may rheumatoid arthritis. Ang isa pang antibody na tinatawag na anti-cyclic citrullinated peptide o anti-CCP ay maaaring maging tagapag pahiwatig ng rheumatoid arthritis.
Para sa osteoarthritis, susuriin ng iyong doktor ang iyong mga sintomas, at ang iyong mga kasukasuan. Ang mga taong may edad na 45 at mas matanda, na may pananakit ng kasukasuan, at nagdurusa sa paninigas nito ay karaniwang nasusuri na may osteoarthritis.
Kapag nasuri na ng doktor, mabibigyan ka na ng payo kung ano ang arthritis mo at ang pinakamabisang lunas para dito.
Pag gamot
Bukod sa kaalaman tungkol sa kung ano ang arthritis, mahalaga ring malaman kung paano ito ginagamot.
Ang pag gamot sa arthritis ay kadalasang nagsasangkot ng pamamahala ng mga sintomas. Ano ang arthritis at kung bakit ang kondisyon na ito mismo ay hindi nagagamot? Sa kabila nito, may mga paraan upang maibsan ang sakit na dulot nito pati ang degenerative effects ng kondisyon na ito.
Here are some forms of arthritis treatment that are available:
Narito ang ilan sa mga ginagamit na pang gamot para sa arthritis:
- Mga non-steroidal at anti-inflammatory na gamot na maaaring ireseta ng iyong doktor. Matutulungan nitong maibsan ang sakit at pamamaga na resulta ng pagkuskos ng kasukasuan.
- Maaring mag reseta ng pang alis ng sakit ang iyong doktor kapag matindi ang sakit.
- Papayuhan ka ng doktor na magbawas ng timbang upang mabawasan ang strain sa mga buto mo.
- Makakatulong din ang regular na ehersisyo upang mapanatiling malakas ang kalamnan at buto
- Ang physical therapy ay pwedeng subukan kung limitado ang pagkilos mo
Prevention
One thing to remember about arthritis is you can take steps to lower your risk before it even starts. Arthritis usually develops in old age, so making sure that your joints are healthy while you are still young can help lower your risk.
Ang isang bagay na dapat tandaan kung ano ang arthritis ay ito. Maaari kang gumawa ng mga hakbang upang mapababa ang panganib na naidudulot nito bago pa man ito magsimula. Karaniwang nabubuo ang arthritis sa katandaan. Kung kaya ang pagtiyak na malusog ang iyong mga kasukasuan habang bata ka pa ay makakatulong na mapababa ang panganib na ito.
Narito ang mga natural na paraan upang maiwasan ang osteoarthritis:
- Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto sa isang araw.
- Kumain ng mas maraming prutas at gulay.
- Magbawas ng timbang kung ikaw ay sobrang taba.
- Panatilihin ang magandang postura
- Iwasan ang ehersisyo na naglalagay ng sobrang strain sa mga kasukasuan.
Key Takeaways
It is also a good idea to always take not of any abnormal symptoms, especially in your joints, as this might indicate that there is something wrong. Do not hesitate to consult your doctor if you feel that you might have arthritis.
Maaaring isang pangkaraniwang kondisyon ang artritis, ngunit hindi ito nangangahulugan na magkakaroon ka agad nito pagtanda mo. Panatilihing malusog ang iyong katawan at tiyaking na malakas ang iyong mga kasukasuan. Maaari itong makatulong na maiwasan mo ang pagdurusa mula sa mga sintomas ng arthritis sa hinaharap.
Palaging maging mapag bantay at mapanuri kung ikaw ay may mga abnormal na mga sintomas, lalo na sa iyong mga kasukasuan. Itanong sa iyong sarili kung ano ang arthritis at kung ang mga sintomas ba na ito ay nagpapahiwatig ng kondisyon na ito. Huwag mag-atubiling kumunsulta sa iyong doktor kung sa tingin mo ay maaaring mayroon kang arthritis.