backup og meta

Alamin: Anu-ano ang benepisyo ng pinya sa kalusugan?

Alamin: Anu-ano ang benepisyo ng pinya sa kalusugan?

Ano ang benepisyo ng pinya sa kalusugan? Ang pinya ay masarap, maraming pwedeng gawin, at puno ng mga sustansya at antioxidants. Ang mga nutrients at compound nito ay maiuugnay sa mga kahanga hangang health benefits. Kabilang dito ang mas maayos na digestion, mas mababang risk ng cancer, at osteoarthritis relief. Pero kinakailangan pa ang mas maraming research para kumpirmahin ito.

Isa sa mga pangunahing benepisyo ng pinya ay Bromelain, ang digestive enzyme na may mga anti-inflammatory at pain-relieving properties. Nakakatulong ito kung mayroon kang impeksyon tulad ng sinusitis, o injury gaya ng pilay o paso. Ang vitamin C sa pineapple juice ay nagpapababa rin ng pamamaga.

Mga benepisyo ng pinya sa kalusugan

  1. Masustansya

Ang pagkain ng pinya ay mabuti para sa mga kababaihan dahil sa taglay nitong vitamin C. Mahalaga ang vitamin C sa pagkakaroon ng malusog na buto at nakakabawas ito ng risk para sa osteoporosis.

Bukod pa rito, ang pinya ay nagbibigay ng mga sustansya, tulad ng copper at ilang vitamin B na mahalaga sa panahon ng pagbubuntis.

Ang isang cup ng pineapple chunks (165 grams) ay may high concentration ng mga bitamina at mineral at mababa sa calories. Ito ay may vitamin C na tumutulong sa tissue growth at repair. Makakatulong din ang vitamin C sa paglaban sa cancer, sakit sa puso, at arthritis. Nagbibigay din ang pinya ng trace levels ng calcium, zinc, phosphorus, at vitamins A at K. Mataas din ito sa manganese. Parehong kailangan ang manganese at vitamin C para sa growth at development, iron absorption, at kalusugan ng immune system. Ang Manganese ay mayroon ding mga antioxidant at nagtataguyod ng metabolismo at paglaki.  

Taglay ng pinya ang iba pang micronutrients na kailangan para sa healthy metabolism, tulad ng copper, thiamine, at vitamin B6.

  1. Naglalaman ng antioxidants

Benepisyo ng pinya sa kalusugan: Mas maraming research pa ang kailangan, pero ang bromelain bromelain ay naiiugnay din sa mas mababang risk ng cancer. Ang mga pinya ay hindi lamang mayaman sa mga sustansya, puno rin ito ng antioxidants. Ito ay may molecules na tumutulong sa katawan mo na maalis ang oxidative stress. Ang flavonoids at phenolic acids ay dalawang antioxidants na nagpoprotekta sa iyo mula sa free radicals na pwedeng magdulot ng malalang sakit.

Ang free radicals ay mga unstable chemical na sumisira sa mga cell at pangunahing kontribyutor sa oxidative stress. Responsable rin sila sa malalang pamamaga, panghihina ng immune system, sakit sa puso, diabetes, at ilang uri ng cancer.

  1. Nagpo-promote ng digestion

Mahusay sa digestion, ang bromelain, isang grupo ng enzymes nagpapababa ng protina, ay matatagpuan lamang sa pinya. Ito ang dahilan kung bakit ang mga pinya ay mabisang pampalambot ng karne. Sa Brazil, ang pinya ay madalas inihahain kasama ng mga karne at manok. Ito ay dahil ang bromelain ay tumutulong sa katawan mo na matunaw at ma-absorb ang mga pagkain sa pamamagitan ng pagpipiraso ng protina sa pagkain.

Maaaring mas madaling masipsip ng iyong maliit na bituka ang protein molecules kapag sila ay pira-piraso na. Ito ay beneficial para sa mga may pancreatic insufficiency, isang kondisyon na ang pancreas ay gumagawa ng hindi sapat na digestive enzymes.  

Bukod pa rito ang fiber ng pinya ay mabuti para mapanatili ang kalusugan ng bituka.  

  1. Nagpapababa ng panganib para sa cancer

Higit pang pananaliksik ang kinakailangan, ngunit ang bromelain ay naiuugnay din sa pagbaba ng panganib para sa cancer. Malalang sakit ang cancer. Ito ay nailalarawan sa pamamagitan ng hindi makontrol na paglaki ng cell, at ang development nito ay madalas na nauugnay sa oxidative stress at chronic inflammation. Ang pinya ay mayaman sa flavonoids at phenolic acid, dalawang antioxidant na nagpoprotekta sa cells mula sa free radicals na maaaring magdulot ng malalang sakit.

Ayon sa maraming pag-aaral, ang bromelain at iba pang mga sangkap na taglay ng pinya, kasama ang oxidative stress at inflammation, ay maaaring magpababa ng tyansa na magkaroon ng cancer. Ayon din sa ilang research, ang bromelain ay maaari ring makatulong sa paggamot ng dati nang existing cancer. Ngunit kailangan pa ng mas maraming pag-aaral para kumpirmahin ang mga resulta. 

  1. Nagpapalakas ng immunity at binabawasan ang pamamaga

May isa pang benepisyo ng pinya sa kalusugan. Ang bromelain na taglay ng pinya ay tumutulong sa paglaban sa sakit at bawasan ang pamamaga. Ginagamit ito para gamutin ang pamamaga at sports injuries. Ito rin ay maaaring makatulong sa pagpapagaan ng mga sintomas ng osteoarthritis.  Ang mga pinya ay matagal nang ginagamit sa traditional medicine para sa pagpapalakas ng immunity at pagbabawas ng pamamaga.

Sa isang nine-day trial, 98 na malulusog na mga bata ang kumain ng alinman sa walang pinya, humigit-kumulang isang tasa (140 grams), o humigit-kumulang dalawang tasa (280 grams) ng pinya bawat araw. Ang parehong bacterial at viral na sakit ay hindi masyado sa mga mga indibidwal na kumain ng pinya. At ang mga kumain ng karamihan sa prutas na ito ay may halos apat na beses na mas maraming disease-fighting white blood cells kaysa sa iba pang mga grupo. Sa isa pang pag-aaral, 40 katao na may chronic sinusitis ang sumali sa 30-day trial. Natuklasan na ang mga umiinom ng 500-mg bromelain supplement ay naka-recover nang mas mabilis kaysa sa mga nasa control group.

Bilang karagdagan, ipinakita ng pananaliksik na ang bromelain ay nakakatulong sa pagpapababa ng inflammatory indicators, na sumusuporta sa immunological health. 

  1. Binabawasan ang arthritic symptoms

Ang Bromelain ay kapaki-pakinabang para sa paggamot sa pananakit ng mga taong may osteoarthritis. Maaari ring bawasan ang pamamaga na nauugnay sa rheumatoid arthritis. Ang arthritis, na nakakaapekto sa higit sa 54 milyong matatanda sa Estados Unidos lamang, ay may iba’t ibang anyo, ngunit ang karamihan ay joint inflammation. 

Natuklasan ng isang pag-aaral na ang bromelain supplements ay kasing husay sa pagbabawas ng osteoarthritis sa lower back tulad ng conventional pain medication. Ibig sabihin nito na ang anti-inflammatory qualities ng bromelain ay pwedeng makatulong sa mga taong may inflammatory arthritis.  

Ano ang benepisyo ng pinya sa kalusugan? Kapag ito ay kinain–sariwa, luto, de-lata, juice, o dried-ang pinya ay makapagbibigay ng essential nutrients. Mahusay na source ito ng vitamin C at manganese. Taglay din nito ang ilang vitamins at fiber. Ang mga pinya ay masarap, at puno ng mga sustansya at antioxidant. Ang pineapple core ay isang mayamang pinagmumulan ng fiber at pinapanatiling malusog ang iyong digestive system.  
Bukod sa key nutrients, ang pinya ay may bromelain, isang proteolytic enzyme na may anticoagulant properties na tumutulong sa pamumuo ng dugo. Mayroon din itong mga anti-inflammatory properties at tumutulong sa pagpapagaling ng mga sugat o pasa at iba pang impeksyon sa balat.   

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Benefits of pineapple, https://health.clevelandclinic.org/benefits-of-pineapple/, Accessed September 25, 2022

26 benefits of pineapple for healthy skin and hair, https://pharmeasy.in/blog/26-benefits-of-pineapple-for-health-skin-and-hair/, Accessed September 25, 2022

Bromelain, https://www.nccih.nih.gov/health/bromelain, Accessed September 25, 2022

Bromelain, https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/bromelain, Accessed September 25, 2022

9 diet tips to help you fight inflammation, https://health.clevelandclinic.org/9-diet-tips-to-help-you-fight-inflammation/, Accessed September 25, 2022

Kasalukuyang Version

04/17/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyu ng Eksperto Chris Icamen

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

8 Baking Ingredients Para Sa Mga Mayroong Allergy Sa Itlog , Alamin!

Ayos Lang Bang Kumain Ng Maaanghang Ang Mga Bata?


Narebyu ng Eksperto

Chris Icamen

Dietetics and Nutrition


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement