backup og meta

Menstrual Cycle At Menopause: Ano Ang Kinalaman Nila Sa Isa't-Isa?

Menstrual Cycle At Menopause: Ano Ang Kinalaman Nila Sa Isa't-Isa?

Ano ang koneksyon ng menstrual cycle at menopause. Kadalasan, ang menopause ay nangyayari bilang bahagi ng natural na proseso ng pagtanda. Ang isang babae ay menopause na kapag wala na siyang regla (kabilang ang pagkakaroon ng spotting ) sa loob ng 12 buwan. Dahil sa shift ng mga antas ng hormones, maraming mga pagbabago ang nangyayari sa isang babae sa sandaling naabot niya ang yugtong ito, tulad ng hindi na magkaroon ng kakayahang mabuntis. Ngunit, bakit tumigil siklo ng regla sa panahon ng menopause?

Ang mga itlog ng isang babae ay bilang

Upang sagutin ang tanong na “Bakit ang menstrual cycle ay huminto sa panahon ng menopause at ano connectin ng menstrual cycle at menopause?”, kailangan nating isaalang-alang ang katotohanan na ang mga egg cell ay bilang lamang.

Habang ang mga lalaki ay maaaring gumawa ng mga sperm cell bilang bahagi ng kanilang buhay, ang kalidad at dami ay bumababa dahil sa edad, sa mga kababaihan ay iba.

Tuwing kapanganakan, mayroong mga 1-2 milyong mga selula ng egg cell. Kapag ang isang babae ay umaabot sa puberty, halos 300,000-400,000 lamang ang nananatili. Gayunpaman, hindi lahat ng mga ito ay ovulated. Ang mga follicle ay bumababa ang rate sa paligid ng 1000 follicles bawat buwan sa edad 35.

Sa katunayan, sa reproductive lifetime ng isang babae, 300 lamang sa 400 na egg cell ay mag-mature at ilalabas .

Limitado ang bilang ng mga egg cell na nagiging dahilan ng pagbawas ng produksyon ng hormone estrogen na nagiging sanhi ng menopause.

Ang menopause ay nagtatakda sa pagtatapos ng mga taon ng pagbubuntis ng mga babae.

Bawat buwan, ang katawan ng isang babae ay naghahanda para sa pagbubuntis. Upang mapaunlakan ang fertilized egg, ang lining ng matris ay kumakapal.

Gayunpaman, kapag ang fertlization ay hindi mangyayari, ang katawan ay hindi na nangangailangan ng pagkapal ng lining. At kaya, nawawala ito sa dugo at iba pang mga tissue.

Dahil wala ng mga egg cell upang ma-fertilize sa panahon ng menopause, ang katawan ay hindi na nangangailangan ng paghahanda. Samakatuwid, ang pagdurugo ay hindi na mangyayari.

Ang perimenopause ay nangyayari bago ang menopause

Ngayong nasagot namin ang tanong na bakit tumigil ang menstrual cycle sa panahon ng menopause, maaari na nating pag-usapan ang tungkol sa perimenopause.

Ito ang panahon na patungo sa huling panahon ng pagreregla ay tinatawag na perimenopause, na literal ay nangangahulugang “sa panahon ng menopause.”

Ito ay isang mahabang transisyon na kung saan ang isang babae ay maaaring makaranas ng sumusunod:

  • Paglipat ng antas hormone; ang paglipat ay maaaring gumawa ng masyadong marami o kaunti
  • Mas mahaba o mas maikling panahon ng pagregla.
  • Paglaktaw ng panahon ng pagregla, dahil sa perimenopause, ang isang babae ay hindi palaging nag-ovulate.
  • Mas magaan o mas mabigat ang daloy.
  • Sintomas ng menopause tulad ng mainit na pakiramdam, panunuyo ng puki at pagpapawis sa gabi.

Ang perimenopause ay nagbibigay sa babae ng pagkakataong magkaroon ng hudyat ukol sa menopause.

Ang ilang mga kababaihan ay nakararanas ng perimenopause nang maaga

Ang perimenopause ay maaaring tumagal ng taon; mula sa 4 hanggang 8 taon. Nangangahulugan ito na habang ang karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas nito sa kanilang 40s, ang ilan ay nakakaranas ng mga sintomas sa kanilang 30s.

Gayunpaman, tandaan na ang mga hindi pagkakaroon ng regla ay maaari ring maging palatandaan ng pagbubuntis. Para sa kadahilanang ito, ang mga kababaihan ay hindi dapat mabilis na magbigay ng konklusyon ukol sa perimenopause, kahit na sila ay nasa kanilang 40s.

Ang maagang menopause ay posible rin

Dahil ang maagang perimenopause ay isang posibilidad, ang maagang menopause ay maaari ring mangyari. Maraming kababaihan ang nakakaranas ng menopause kapag sila ay 48 hanggang 52 taong gulang, ngunit maaaring mangyari ito nang mas maaga kaysa sa inaasahan.

Sa ngayon, walang malinaw na dahilan ang Agham kung bakit ang regla ay tumitigil nang maaga, ngunit ang ilang mga ulat ay nagpapahiwatig ng dalawang posibleng dahilan para sa maagang menopause.

Ito ay:

  • Hindi nagkakaroon ng mga anak. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang pagbubuntis, lalo na ang pagkakaroon ng higit sa isang bata ay maaaring maantala ang menopause.
  • Paninigarilyo. Ang pananaliksik ay nagsasabi na ang paninigarilyo ay maaaring magdulot sa mga kababaihan ng maagang menopause, 2 taon nang mas maaga kaysa sa mga di-naninigarilyo.

Bukod pa rito, ang mga kababaihan na may ilang mga kondisyon sa kalusugan, at ang mga sumasailalim sa chemotherapy ay maaaring mag-menopause nang mas maaga kaysa sa normal.

Ang menopause ay may ilang mga sintomas

Ang mga sintomas ng perimenopause ay madalas na nagpapatuloy kapag humihinto ang menstrual cycle, ngunit may mga karagdagang sintomas. Ito ay:

  • Mabilis na pag-Ihi
  • Insomnia o ang kahirapan sa pagtulog
  • Pagkatuyo ng balat, mata, at bibig
  • Pagbabago sa emosyon, tulad ng mood swings, banayad na depression, at pagkamayamutin
  • Nabawasan ang sex drive o libido
  • Sakit ng ulo
  • Palpitations
  • Sajit at kirot sa joints kasama ang pagkakaroon ng stiffness

    paulit-ulit na impeksyon sa ihi (UTIs)

Ang mga kababaihan ay maaaring gamutin dahil sa menopause

Kahit ang siklo ng pagregla ay karaniwang tumitigil dahil sa normal na proseso ng pagkakaroon ng edad, ang ilang mga kababaihan ay nakakakuha ng paggamot para sa menopause. Ang paggamot ay madalas na nakatuon sa pamamahala ng mga palatandaan at sintomas, upang ipagpatuloy ng babae ang kanyang pang-araw-araw na gawain nang walang pagkagambala.

Ang dalawang pagpipilian sa paggamot ay :

  • Hormonal therapy
  • Non-hormonal therapy

Hormonal therapy

Ang layunin ng hormonal therapy ay upang madagdagan ang estrogen at progesterone ng hormones. Maaraing ang estrogen hormone ang bigyang pansin ng babae nang nag-iisa, o ang kombinasyon ng dalawang therapy kung saan siya ay tumatanggap ng parehong estrogen at progesterone.

Ang hormone therapy ay maaaring makatulong sa paginhawahin ang mga sintomas tulad ng panunuyo ng puki, nakaramdan ng init, pagpapawis sa gabi, at pag-iiba-iba ng damdamin. Kung minsan, ginagamit din ito upang ihinto ang pagkawala ng buhok at maiwasan ang osteoporosis.

Ang non-hormonal therapy

Ang hormonal therapy ay maaaring maging epektibo para sa ilan, ngunit ang iba ay mas komportable sa non -hormonal therapy. Sa pamamahala nito, ang isang babae ay gumagawa ng mga pagbabago sa kanyang diet tulad ng paglilimita sa kanyang caffeine intake at pag-iwas sa mga maanghang na pagkain. Iba pang mga bagay na kasama sa non-hormonal therapy:

  • Pag-iwas sa mga nag-trigger ng mga hot flashes, tulad ng makapal na damit, mainit na silid-tulugan, at paninigarilyo

    ehersisyo

  • Pagsali sa mga grupo na sumusuporta o pagpapanatili sa pamilya at mga kaibigan

Ang mga kababaihan na may mga kondisyon o ang mga nakakuha ng paggamot para sa kanser sa suso ay maaaring non-hormonal na therapy ang gamitin kaysa sa hormonal therapy.

Mayroon ding surgical menopause

Karamihan sa mga kababaihan ay nakakaranas ng menopause, ngunit para sa iba, ito ay resulta ng surgery

Ang isang mabuting halimbawa ay kapag ang isang babae ay sumasailalim sa oophorectomy o ang operasyon na nag-aalis ng mga ovary. Pagkatapos alisin ang parehong mga ovary, ang mga sintomas ng menopause ay kinakaharap.

Sa kabilang banda, kung ang isang babae ay sumasailalim sa isang hysterectomy o ang operasyon na nag-aalis ng matris habang pinapanatili ang kanyang mga ovary, ang buwanang pagdurugo ay titigil, ngunit ang iba pang mga sintomas ng menopause ay hindi maaaring makita agad.

Kung paano pamahalaan ang malubhang sakit tuwing may regla at mabigat na pagdurugo.

Pangunahing Konklusyon

Bakit tumigil ang siklo ng regla sa menopause? Ang sagot ay medyo simpleng hormonal shifts at isang limitadong bilang ng mga egg cell.

Gayunpaman, ang menopause ay higit pa sa isang kondisyong medikal. Ito ay isang yugto na nagmamarka sa pagtatapos ng mga taon ng reproduction ng babae; Samakatuwid, kailangan niya ng oras at suporta upang matanggap ito nang maayos

Matuto nang higit pa tungkol sa menopause dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Why Does Menopause Happen?
https://www.healthxchange.sg/women/menopause/why-does-menopause-happen
Accessed July 21, 2020

Female Reproductive System
https://my.clevelandclinic.org/health/articles/9118-female-reproductive-system#:~:text=At%20birth%2C%20there%20are%20approximately,quality%20of%20the%20remaining%20eggs.
Accessed July 21, 2020

Menopause basics
https://www.womenshealth.gov/menopause/menopause-basics#1
Accessed July 21, 2020

Menopause, Perimenopause and Postmenopause
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15224-menopause-perimenopause-and-postmenopause
Accessed July 21, 2020

Menopause
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/menopause/diagnosis-treatment/drc-20353401
Accessed July 21, 2020

Menopause
https://www.nhs.uk/conditions/menopause/treatment/
Accessed July 21, 2020

Kasalukuyang Version

03/29/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD

In-update ni: Kristel Lagorza


Mga Kaugnay na Post

Nakakatulong ba ang Ehersisyo para sa mga Sintomas ng Menopause

Bakit Nagkakaroon ng Vaginal Dryness? Alamin Dito ang Kasagutan!


Narebyung medikal ni

Mary Rani Cadiz, MD

Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement