backup og meta

Underarm whitening clinic Philippines: Heto ang mga murang clinic na pwede mong puntahan

Underarm whitening clinic Philippines: Heto ang mga murang clinic na pwede mong puntahan

Ang maitim na kili-kili ay isang common cosmetic issue sa mga kababaihan. Dahil dito, hindi mabilang ang mga over-the-counter na products sa merkado na nagsasabing nagpapaputi ng kili-kili. Pero mahirap din ang pagpili sa iba’t ibang produkto. Kailangan mong “hulaan” kung alin ang gagana. Mabuti kung epektibo kasi kung hindi, maaaring nag-aksaya ka ng oras at pera. Ang malala ay kung nakasama pa sa iyong balat ang produkto at lumilikha ng isa pang bagong problema. Kaya naman, hindi ba mas mabuting bumisita na lang sa underarm whitening clinic Philippines? 

Bakit “Mas Mabuti” ang Pagbisita sa Isang Underarm Whitening Clinic

Ang underarm whitening clinic ay may isang board-certified na dermatologist. Siya ay maaaring magsuri sa iyong mga kilikili, matukoy ang sanhi ng hyperpigmentation, at magrekomenda ng angkop at epektibong treatment

Higit pa rito, ang dermatologist ay magbibigay din sa iyo ng mga instructions at tips sa skincare routine na nababagay sa iyong skin type at lifestyle.

Isang Underarm Whitening Clinic na May Abot-kayang Package? Narito ang isang listahan para sa iyo.

Isang dahilan kung bakit umiiwas ang mga babae sa pagbisita sa underarm whitening clinic Philippines  ay dahil sa gastos. Ang magandang balita ay, maraming mga klinika ang nag-aalok ng abot-kayang whitening packages. Ito ay ang:

Let’s Face It Salon

Underarm whitening sa halagang P500?  Mayroon nito ang Let’s Face It Salon! 

Sa halagang P500 puedeng mag-avail ng kanilang diamond peel para sa kili-kili. Ang diamond peel ay isang uri ng microdermabrasion, isang minimally invasive procedure na nag-e-exfoliate ng balat. Sinasabi ng mga eksperto na ang microdermabrasion ay nag-aalis ng hitsura ng enlarged pores at nakakatulong na mapabuti ang hyperpigmentation.

Skin Station

Ang isa pang underarm whitening clinic Philippines na nag-aalok ng abot-kayang package ay ang Skin Station. 

Ang kanilang Intensive Underarm Whitening service ay binubuo ng “exfoliation by Glycolic Acid, Diamond Peel, pure MaxiLight Whitening Essence mula sa wheat extract at Crystal Collagen Mask.”

Nagsisimula sa P1,200 ang package na ito. Para sa pinakamahusay na mga resulta, puedeng pabalikin ka ng dermatologist tuwing 2 hanggang 3 linggo.

Cocktails MD

Nag-aalok ang Cocktails MD ng laser whitening para sa kili-kili. Ang procedure ay tumatagal lamang ng mga 10 hanggang 20 minuto. Ngunit maaaring kailanganin mo ng humigit-kumulang 4 hanggang 8 session para sa pinakamahusay na mga resulta. Ang presyo ay nagsisimula sa P1499.

Sinasabi ng mga eksperto na ang laser whitening ay gumagana sa pamamagitan ng alinman sa pag-alis sa topmost layer ng balat o pagsira ng mga cell na gumagawa ng melanin. 

YSA Skin and Body Experts

Maaari mong isaalang-alang ang YSA Skin and Body Experts bilang isang underarm whitening clinic Philippines na nag-aalok ng mga abot-kayang packages, kung titingnan ang kanilang peeling at bleaching service na nagsisimula sa humigit-kumulang P800. 

Higit pa dito, mayroon silang mga packages na binubuo ng hair removal and underarm whitening. Ang mga nakaraang packages na may ilang session ay nagkakahalaga lamang ng humigit-kumulang P5,000.

Wink Studio

Kung maaari kang maglabas ng ilang libong piso bawat session, maaari mong i-consider ang Wink Studio. Ang kanilang laser whitening service para sa kili-kili ay nagkakahalaga ng P2,500 kada session, at maaaring kailanganin mong bumalik tuwing 4 na linggo.

Siyempre, Huwag Kalimutan Ang Mga Derma Clinic na Malapit sa Iyo

Finally, huwag kalimutang maghanap ng underarm whitening clinic Philippines na malapit sa iyo. Malamang, nag-aalok din ang mga klinika sa iyong lugar ng mga package para pumuti ang iyong kili-kili. 

Sa halip na mga in-patient session, maaaring imungkahi ng iyong dermatologist na gumamit ka ng mga produktong pampaputi sa bahay. Halimbawa, ang mga retinoid ay maaaring makatulong sa paglilinis ng balat. Maaari rin nilang palitan ang iyong deodorant at mag-recommend ng mga produktong pang-exfoliate.

Alagaan ang Iyong mga Kili-kili Sa Bahay

Bukod sa treatment, mahalaga din ang pangangalaga sa kili-kili sa bahay. Sabi ng mga eksperto, ang mga bagay na dapat mong unahin ay kinabibilangan ng:

  • Iyong piniling deodorant. Ang isang deodorant na hindi angkop sa iyo ay maaaring lalong magpaitim ng iyong kilikili. 
  • Hair removal. Sa halip na mag-ahit, sinasabi ng mga eksperto na pinakamahusay na i-consider ang waxing o laser hair removal. 
  • Exfoliation.  Ang gentle exfoliation ng dalawang beses o tatlong beses sa isang linggo ay mahalaga din. Gayunpaman, dahil sensitibo ang balat sa kili-kili, mag-ingat sa iyong exfoliator. Hangga’t maaari, tanungin ang iyong dermatologist tungkol dito. 
  • Damit. Hangga’t maaari, mangyaring iwasan ang masikip na damit.

Key Takeaways

Naghahanap ng underarm whitening clinic Philippines? Subukan ang Let’s Face It Salon, Skin Station, Cocktails MD, YSA Skin and Body Experts, at Wink Studio. Siyempre, huwag kalimutang tingnan ang mga dermatology clinics sa inyong lugar.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

WHY CHOOSE A BOARD-CERTIFIED DERMATOLOGIST?, https://www.aad.org/public/fad/why-choose-a-derm, Accessed February 16, 2022

Microdermabrasion, https://www.plasticsurgery.org/cosmetic-procedures/microdermabrasion, Accessed February 16, 2022

Price List, http://letsfaceit-spalon.com/pricelist-products-services/, Accessed February 16, 2022

Whitening Treatments, https://skinstation.ph/services/whitening-treatments/, Accessed February 16, 2022

Skin lightening, https://www.nhs.uk/conditions/cosmetic-procedures/skin-lightening/, Accessed February 16, 2022

Menu of Services, https://www.cocktailsmd.com/services, Accessed February 16, 2022

Laser Whitening, https://winkstudio.ph/laser-whitening, Accessed February 16, 2022

Sweating and Body Odor, https://my.clevelandclinic.org/health/symptoms/17865-sweating-and-body-odor, Accessed February 16, 2022

Topical Retinoids for Pigmented Skin, https://jddonline.com/articles/topical-retinoids-for-pigmented-skin-S1545961611P0483X/, Accessed February 16, 2022

Kasalukuyang Version

06/12/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Makaiwas Sa Sunburn, At Paano Ito Gamutin?

Gluta Drip: Para Saan Ito, At Safe Ba Ang Treatment Na Ito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement