Hindi na kaila sa mga taong mayroong diabetes na dapat maingat sila sa kanilang kinakain. Madalas ay kailangan bantayan ang kinakain nila na carbohydrates at maging mapili sa prutas. Ngunit ano nga ba ang mga mainam na prutas para sa mga diabetic? Alamin dito ang kasagutan.
https://hellodoctor.com.ph/fil/diabetes-fil/pagkain-para-sa-diabetic/
Bakit Kailangan ang Prutas para sa mga Diabetic?
Ang mga prutas ay maraming carbohydrates, kaya dapat maingat ang mga mayroong diabetes sa pagkain ng mga ito. Ngunit ang mga prutas ay marami ring vitamins, minerals, at iba pang nutrients na mahalaga sa kalusugan. Kaya’t kung ikukumpara sa ibang matamis na pagkain, di hamak na mas mabuti ang prutas para sa mga diabetic.

Anu-Ano ang Prutas para sa mga Diabetic?
Ang katotohanan ay wala naman talagang prutas na ibinabawal sa mga diabetic. Ibig sabihin nito, kahit anong prutas ay maaari nilang kainin, at hindi sila dapat mag-alala sa magiging epekto nito sa kanilang diabetes. Ngunit ang dapat tandaan ay ang dami ng prutas na kinakain.
Halimbawa, kung may 15 grams ng carbohydrates ang isang prutas, at ang iyong carb count ay nasa 45 to 60 grams, mayroon ka na lamang 30-45 grams ng carbohydrates na natitira.
Maaari ring piliin ang mga prutas base sa kanilang glycemic index (GI).
Ang glycemic index ay ang nagsasabi kung gaano kabilis mapapataas ng isang pagkain ang blood sugar. Ang pagkain na may mababang glycemic index (0 to 55) ay mainam sa mga diabetic.
Pero anu-ano ang prutas para sa mga diabetic? Heto ang ilan sa mga ito:
Mansanas
Masustansya ang mga mansanas, at marami silang nutrients tulad ng potassium, vitamin A at C, calcium, fiber, at iron. Ang GI rin nito ay mababa at nasa 36 lamang. Ang ½ ng isang medium na mansanas ay tinatayang mayroong 15 grams ng carbs.
Abokado
Ang abokado ay mayroong healthy fats, fiber, vitamin C, at iron. Tinatayang sa bawat 30 grams ng abokado ay mayroong 3 grams ng carbs. Mababa rin ang glycemic index nito, nasa 15 lamang.













