Sa kabila ng nakakaapekto sa daan-daang libong tao, hindi alam ng maraming tao ang tungkol sa tic disorders. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng mga tao kung ano ang mga karamdamang ito, anu-ano ang tic disorders, at kung ano ang maaaring gawin tungkol dito.
Anu-ano ang Tic Disorders?
Ang tics ay tumutukoy sa involuntary twitches, movement, o kahit na mga tunog na paulit-ulit na nangyayari. Maaaring magpakita ang mga ito sa iba’t ibang paraan. Ang ilang mga tao ay maaaring paulit-ulit na kumikindat ang isang mata habang ang iba naman ay maaaring gumawa ng ingay o umungol. Mayroon din namang ilan na pumipitik o nanginginig ang kanilang mga braso. Ang mga pagkilos na ito ay hindi sinasadya, at ang mga taong may mga tic disorder ay hindi maaaring pigilan ang kanilang katawan kapag nangyari ito.
Sa ilang mga kaso, maaaring mangyari ang mga tics sa panahon ng matinding stress, o emosyon.
Nangyayari ito dahil sa problema sa mga nerves na siyang nagpapadala ng mga signal papunta at mula sa utak ng isang tao. Karaniwan itong nagpapakita sa pagkabata, mga 5 taong gulang. Habang lumalaki ang isang tao, ang tics ay maaaring mangyari nang paunti-unti. Ngunit sa ilang mga kaso, lumalala ito kapag naging tinedyer, at nagsisimula itong bumuti pagtanda.
Iba ang epekto ng mga tic disorder sa mga tao. Ang mga tics ng ilang tao ay may posibilidad na mawala, o nangyayari nang mas madalas sa paglipas ng panahon. Para sa iba, ang kanilang tics ay maaaring makagambala sa kanilang pang-araw-araw na gawain, at maging sanhi ng kahihiyan o social isolation.
Sa partikular na mga seryosong kaso, maaari pa itong humantong sa taong magkaroon ng severe depression, o masangkot sa self-harm dahil sa kanilang kondisyon.
Anu-ano ang Tic Disorders: 3 Pangunahing Uri
Nakapaloob sa Diagnostic and Statistical Manual of Mental Disorders Fifth Edition (DSM-5), kung anu-ano ang tic disorders:
Anu-ano ang Tic Disorders: Tourette’s Disorder o Tourette Syndrome
Ang Tourette’s disorder ay isang uri ng tic disorder na mailalarawan sa pamamagitan ng biglaang, maalog na paggalaw, at vocal tics. Kabilang sa mga pinakakaraniwang tics ang pagpikit, leeg, balikat, panga, at limb movements, pati na rin ang pagsinghot, pag-ungol, o throat clearing.
Mayroon ding mga mas malubhang tics kung saan ang mga tao ay maaaring saktan o kahit na suntukin ang kanilang sarili nang paulit-ulit. Ang ilang mga taong may Tourette’s disorder ay dumaranas pa ng coprolalia, na nagiging sanhi ng kanilang pagbigkas ng malalaswa o bastos na pananalita na hindi nila kontrolado.
Ang mga tics na ito ay karaniwang sumusunod sa isang pattern kung saan ito ay tumataas sa kalubhaan, pagkatapos ay unti-unting humihina.
Ilan sa mga taong may Tourette ay maaari ring makaranas ng isang bagay na tinatawag na premonitory urge. Ito ay tumutukoy sa mga damdamin o sensasyon na nauuna sa mga tics na maaari lamang mapawi sa pamamagitan ng isang tiyak na tic o paggalaw. Mayroon ding mga kaso kung saan nararamdaman ng mga pasyente na kailangan nilang gawin ang mga paggalaw na ito nang ilang beses upang mabawasan ang sensasyon.
Anu-ano ang Tic Disorders: Persistent Motor o Vocal Tic Disorder
Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, ang ganitong uri ng tic disorder ay nagsasangkot ng persistent motor o vocal tic. Nangangahulugan ito na ang isang taong may ganitong kondisyon ay karaniwang may isa o higit pang mga motor o vocal tics, ngunit hindi pareho sa iisang oras. Ang isang tic disorder ay masasabing persistent kung ito ay nagsisimula bago ang isang tao ay naging 18, at nangyayari nang higit sa isang taon.
Ang pangunahing pagkakaiba dito at ng Tourette ay ang mga taong may Tourette ay may hindi bababa sa dalawang motor tics at isang vocal tic.
Anu-ano ang Tic Disorders: Provisional Tic Disorder
Ang isang provisional tic disorder ay katulad ng isang persistent motor o vocal tic disorder. Gayunpaman, ang pangunahing pagkakaiba ay ang mga taong may provisional tic disorder ay nakararanas lamang nito nang wala pang isang taon.
Nangangahulugan ito na posible para sa isang provisional tic disorder na tuluyang umunlad sa persistent motor o vocal tic disorder.
Paano Gumagaling ang Tic Disorders?
Kadalasan, ang mga tic disorder ay hindi nangangailangan ng anumang uri ng gamot. Ito ang dahilan kung bakit ang pangunahing paraan ng paggamot para sa mga sakit tulad nito ay sa pamamagitan ng therapy.
Sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng therapy, natututo ang mga pasyente na magkaroon ng kamalayan kung kailan nangyari ang kanilang mga tic, at kung paano ito pamahalaan nang mas maayos. Tinutulungan din ng therapy ang mga pasyente na harapin ang mga problemang panlipunan at emosyonal na maaaring maranasan nila.
Ang mga doktor ay maaari ring magreseta ng mga gamot sa mas malalang kaso. Maaaring makatulong na mabawasan, ngunit hindi ganap na maalis ang mga tics ng isang tao.
Key Takeaway
Ang pag-unawa sa mga tic disorder at kung anu-ano ang tic disorders ay nakatutulong sa pagtanggal ng maraming kalituhan at maling impormasyon tungkol sa naturang kondisyon. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kamalayan, ang mga tao ay maaaring maging mas pang-unawa sa iba na may ganitong uri ng kondisyon. Nakatutulong ito na maiwasan ang anumang kahihiyan o panlipunan at emosyonal na mga problema na maaaring magmula sa nasabing kondisyon.
Alamin ang iba pa tungkol sa Peripheral Nervous System dito.