backup og meta

The Best Way to Treat Heartburn: Stop Acid at the Source

Alam mo ba ‘yung pakiramdam na parang may umaakyat na init o kirot mula sikmura hanggang dibdib? Madalas, ito ay heartburn na dulot ng acid reflux. Maraming tao ang nakakaranas nito—lalo na kapag kakakain lang ng rich, oily, fatty, o spicy foods, o carbonated drinks. Mabuti na lang, maraming paraan at gamot sa acid reflux na puwedeng makatulong.

The Best Way to Treat Heartburn: Stop Acid at the Source

Ang Kirot na Dulot ng Heartburn 

Nagkakaroon ang isang tao ng heartburn tuwing umaakyat ang stomach acid mula tiyan papunta sa esophagus, o acid reflux1. Kapag nangyari ito, puwedeng makaramdam ng heartburn kasama ng iba pang mga sintomas tulad ng2:

  • Nausea o pagkahilo
  • Sakit ng tiyan
  • Masakit o burning sensation na nagsisimula sa itaas na tiyan
  • Maasim o mapait na lasa sa bibig
  • Paulit-ulit na ubo o sinok
  • Paos na boses
  • Gustong i-regurgitate o ilabas ang pagkain na kakakain mo lang

Ang heartburn at acid reflux ay hindi lang nakakairita—maaari rin itong makaapekto sa tulog at overall comfort mo. Isipin mo na lang, mahirap mag-relax o matulog kung parang may apoy na umaakyat sa dibdib mo. Kaya mahalagang hanapan ng epektibong solusyon at gamot sa acid reflux para hindi ito makaistorbo sa araw-araw.

Treatment of Acid Reflux Usually Focuses on Neutralizing Stomach Acid

Isa sa pinaka-karaniwang paraan para ma-manage ang acid reflux ay ang pag-neutralize ng acid sa tiyan gamit ang over-the-counter antacids.

How Antacids Work

Ang antacids ay may mga ingredient tulad ng sodium bicarbonate, aluminum hydroxide, calcium carbonate, at magnesium hydroxide na tumutulong i-neutralize ang hydrochloric acid sa tiyan. Kapag na-neutralize ang acid, bumababa ang hapdi at discomfort na dulot ng heartburn.

Pero tandaan, hindi lahat ng antacids ay pare-pareho. Kahit nakakatulong silang bawasan ang kirot, hindi nito natatanggal ang pinagmumulan ng problema—ang sobra-sobrang acid sa tiyan. Kaya kung madalas kang makaranas ng acid reflux, magandang hanapin ang gamot sa acid reflux na hindi lang tumatagal ang epekto kundi nakakatulong din pigilan ang acid formation sa tiyan.

Help Lessen Stomach Acid Formation With Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance)

Kung madalas kang tamaan ng acid reflux, kailangan mo ng gamot sa acid reflux na hindi lang nag-aalis ng existing acid, kundi pumipigil din sa sobrang acid production. Here’s why this is for you:

Ingredients and Benefits

Ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) ay may kombinasyon ng tatlong active ingredients:

  • Famotidine – Tumutulong bawasan ang acid production sa tiyan.
  • Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide – Helps neutralize existing stomach acid.

Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) does not just address your heartburn symptoms. Pinapababa rin nito ang pag-produce ng acid ng tiyan mo. Kaya kung naghahanap ka ng mabilis at pangmatagalang gamot sa acid reflux, ito ay magandang option.

Ang Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) ay mabilis ang epekto—gumagaan ang pakiramdam mo sa loob ng 3 minutes at tumatagal nang hanggang 12 oras ang ginhawa. Mainam ito kung gusto mong tuloy-tuloy na makagalaw, makatulog, o makapagpahinga nang walang iniisip na kirot sa sikmura.

Kahalagahan ng Acid Reflux Management

Kung pababayaan mo ang acid reflux, puwede itong magdulot ng iba pang komplikasyon tulad ng inflammation ng esophagus o mas malalang kondisyon gaya ng GERD (gastroesophageal reflux disease). Kaya mahalaga ang tamang kaalaman at maagap na pag-inom ng gamot sa acid reflux para hindi lumala ang sitwasyon.

Conclusion

Karaniwang nararanasan ang heartburn o acid reflux, pero hindi ibig sabihin na kailangan mo itong tiisin.

May mga epektibo at mabilis na paraan para mawala ang hapdi o discomfort. Sa tulong ng tamang gamot sa acid reflux tulad ng Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance), makakatulong itong makamit ang mabilis at pangmatagalan na ginhawa at proteksyon laban sa sobrang acid production. Ramdam mo ang epekto in as fast as 3 minutes at tumatagal nang hanggang 12 hours.

Kaya next time na maramdaman mong may umaakyat na hapdi mula sikmura, handa ka na. Magkaroon ng tamang kaalaman at gamot para mas ma-enjoy mo ang buhay nang walang sagabal sa tiyan!

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC No. U0193P100925K

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Cleveland Clinic. (n.d.). Acid reflux & GERD. In Cleveland Clinic. Retrieved September 8, 2025, from https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17019-acid-reflux-gerd

Mayo Clinic Staff. (2023, August 1). Gastroesophageal reflux disease (GERD). In Mayo Clinic. Retrieved September 8, 2025, from https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gerd/symptoms-causes/syc-20361940

National Center for Biotechnology Information. (2018). Antacids. In StatPearls. StatPearls Publishing. Retrieved September 8, 2025 from https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK526049/

MedlinePlus. (n.d.). Famotidine. In U.S. National Library of Medicine. Retrieved September 8, 2025, from https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a687011.html

Wishart, D. S., et al. (2006–2025). Calcium carbonate. In DrugBank Online.  Retrieved September 8, 2025, from https://go.drugbank.com/drugs/DB06724

Wishart, D. S., et al. (2006–2025). Magnesium hydroxide. In DrugBank Online. Retrieved September 8, 20255, from https://go.drugbank.com/drugs/DB09104

Current Version

10/10/2025

Written by Hello Doctor Medical Panel

Medically reviewed by Hello Doctor Medical Panel

Updated by: Fidelis Tan


People Are Also Reading This

How To Cure Heartburn: 11 Ways

12 Tips To Ease Nighttime Heartburn


Reviewed by Hello Doctor Medical Panel · General Practitioner · · Written by Hello Doctor Medical Panel · Updated 10/10/2025

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement