You may be familiar with the feeling of heartburn – yung pangangasim sa sikmura, acid reflux, at yung burning sensation sa dibdib o lalamunan. Maraming Pinoy ang nakakaranas nito, lalo na kapag busog o mahilig sa oily food. Good news: may gamot sa acid reflux na puwedeng makatulong. Basahin ang FAQ na ito para mas malinawan ka!
#1 Pareho lang ba ang heartburn at acid reflux?
Maraming tao ang nag-iisip na pareho lang ang “heartburn” at “acid reflux,” pero magkaiba sila. Acid reflux ang tawag kapag umaakyat ang stomach acid mula sa tiyan papunta sa esophagus (ang tubo na nagdudugtong ng lalamunan at tiyan)1, 2. Ang pakiramdam ng kirot at init na dala nito ang tinatawag na heartburn.
Bukod sa heartburn, puwede ka ring makaranas ng:
- Mapait o maasim na lasa sa bibig
- Pangangasim o parang may kabigatan sa sikmura
- Paminsan-minsang ubo o pamamaos
Tuwing nagkakaroon ka ng heartburn, maaaring gumamit ng gamot sa acid reflux para guminhawa ang iyong pakiramdam.
#2 Hindi naman ako nagkaka-heartburn dati, why am I getting it now?
Kung dati ay hindi ka naman nagkakaroon ng heartburn, tapos bigla ka na lang nagkakaroon, normal lang ‘yan! Maraming factors na nakakaapekto dito3, 4.
Edad. Habang tumatanda tayo, humihina ang muscle na pumipigil sa acid na umakyat sa esophagus (ang tinatawag na LES o lower esophageal sphincter). Dahil dito, mas madali kang makakaranas ng acid reflux at heartburn.
Lifestyle. Kung mahilig ka sa pag-inom ng maraming alak o malakas sa paninigarilyo, mas mataas din ang chance mo na magkaroon ng acid reflux.
Pagkain. Mahilig ka ba sa oily, spicy at fatty food? Ang mga uri ng pagkain na kinakain mo ay isa sa mga dahilan kung bakit maaari kang magkaroon ng heartburn.
Humihiga pagkatapos kumain. Kung madalas kang humiga kaagad, lalo na kung wala pang tatlong oras mula huling kain, mas malaki rin ang chance ng acid reflux.
Ang magandang balita? Mayroong mga gamot sa acid reflux tulad ng mga antacid. Kinakailangan lamang uminom ng tamang gamot kapag nakakaranas ng heartburn.
#3 Do specific foods trigger acid reflux?
Oo, may mga pagkain at inumin na puwedeng mag-trigger ng acid reflux. Hindi sila mismo ang dahilan ng acid reflux, pero nakaka-relax sila ng LES (lower esophageal sphincter), kaya mas madaling makalabas ang acid.
Mga pagkain at inumin na dapat bantayan5:
- Chocolate
- Mint
- Bawang at sibuyas
- Kape at alak
- Oily at rich na pagkain
Ang matatabang pagkain ay matagal din tunawin ng tiyan, kaya mas matagal din nananatili ang stomach acids.
#4 Ano ang gamot sa heartburn at acid reflux?
Kapag umatake ang heartburn, huwag kabahan! May mga gamot sa acid reflux tulad ng over-the-counter antacids. Ang mga ito ay nakakatulong para ma-neutralize ang acid at mawala ang sakit.
But not all antacids are made equal! Here’s why Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance) and Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief) can help give you relief for heartburn symptoms.
Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S Advance)
- Unlike other antacids, hindi lang nito nina-neutralize ang acid. With its famotidine ingredient, binabawasan din nito ang paggawa ng gastric acids sa tiyan6.
- Meron din itong calcium carbonate at magnesium hydroxide para ma-neutralize ang existing acid7, 8.
- Resulta: mabilis na ginhawa at all-day relief mula sa heartburn. Acts in as fast as 3 minutes and relief lasts up to 12 hours
- Comes in chewable tablet format
Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S Cool Relief)
- May Sodium Alginate na bumabalot sa loob ng tiyan para pigilan ang pag-akyat ng acid.
- May sodium bicarbonate at calcium carbonate to neutralize stomach acid
- Acts in as fast as 1 minute
- Available in peppermint flavor
- Comes in liquid format
Conclusion
Heartburn is a common condition na puwedeng maranasan ng kahit sino. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mo itong tiisin. Maraming acid reflux remedy na simple at makakatulong makapagpawala ng kirot—gaya ng Famotidine + Calcium Carbonate + Magnesium Hydroxide (Kremil-S® Advance) at Sodium Alginate + Sodium Bicarbonate + Calcium Carbonate (Kremil-S® Cool Relief)
Laging mag-baon na gamot at mag-practice ng healthy habits para kahit umatake ang heartburn, handa ka. Tandaan, kaunting pag-iingat at tamang gamot ay sapat para ma-enjoy mo ang araw mo nang walang sagabal sa sikmura!
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC No. U0214P100825K
[embed-health-tool-bmr]