backup og meta

6th to 12th Month ni Baby: Mga Importanteng Vitamins at Nutrients

6th to 12th Month ni Baby: Mga Importanteng Vitamins at Nutrients

Ang unang taon ng baby ay isa sa mga pinaka-crucial na stages ng growth ng isang bata. Maliban sa pagbigay ng karampatang nutrients mula sa gatas at pagkain, importante rin ang pagbigay ng tamang vitamins para sa baby ayon sa edad nila. Narito ang mga essential vitamins para sa babies 6-12 months upang patibayin ang kanilang immunity at development.

Vitamins Para sa Baby: Paano Nakakatulong sa Development ni Baby ang Tamang Nutrisyon?

Ang tamang nutrisyon ay kinakailangan upang siguraduhin ang mga developmental milestones ng baby. Nag-uumpisa ito sa sinapupunan pa lamang. Ang sustansiya ay nakukuha ng mga baby sa kung ano man ang kinakain ng kanilang ina.

Matapos silang ipanganak, ang mga baby ay makakakuha ng nourishment mula sa breast milk, na nakukuha rin nila sa kanilang mga ina.

Pero kapag nakakapag-solid foods na sila, ang importanteng nutrients na kailangan nila upang mapanatiling healthy sila ay manggagaling na sa pagkain nila.

Ang iba’t ibang pagkain ay may samut saring minerals at vitamins para sa baby na kailangan nila para sa kanilang paglaki at pag-develop. Responsibilidad na ng magulang na siguraduhing humanap at mag-prepare ng healthy food choices na makabubuti sa babies nila.

Importanteng Minerals at Vitamins Para sa Baby

Ang best minerals and vitamins para sa baby na edad 6-12 months ay karaniwang nakukuha sa pagkain nila. Para malaman kung ano ang healthy choices, narito ang key minerals at vitamins para sa baby na kailangan nila para sa kanilang growth at development.

Vitamin A 

Kailangan ng babies ang vitamin A upang ma-maintain ang health ng kanilang ngipin, mata, buhok, balat, at ang kanilang immune system.

B Vitamins

Ang B Vitamins ay kasama rin sa listahan ng vitamins para sa baby. May walong klase ng B vitamins na importante sa mga sanggol, tulad ng:

  • Thiamine (vitamin B1)
  • Riboflavin (vitamin B2)
  • Niacin (vitamin B3)
  • Pantothenic acid (vitamin B5)
  • Pyridoxine (vitamin B6)
  • Biotin (vitamin B7)
  • Folate (vitamin B9)
  • Cyanocobalamin (vitamin B12)

Ang B vitamins na ito ay responsable para sa pag-manage ng bodily functions, tulad ng pag-improve ng cell health at metabolism. Nakakatulong rin sila sa brain function at development.

Vitamin C

Ang ascorbic acid o vitamin C ay may importanteng role sa pagpapanatili ng kalusugan ng ating immune system. Kapag ang mga baby ay matibay ang immunity, mas maiiwasan ang impeksyon at iba pang karamdaman.

Ang vitamin C ay isa sa key vitamins para sa baby edad 6 hanggang 12 months dahil nakakatulong ito sa pagbuo ng protein na collagen.

Ang collagen ay nagbibigay ng structure at elasticity sa balat, muscles, tendons, ligaments, connective tissues, at blood vessels.

Nakakatulong rin ito sa pag-develop ng strong bones at nagpopromote ng tissues growth para sa mabilisang paggaling ng mga sugat at iba pa.

Vitamin D

Minerals

Calcium 

Maliban sa vitamins para sa baby na edad 6-12 months, ang mga baby ay nangangailangan rin ng minerals upang healthy silang lumaki. Isa sa mga ito ay ang calcium.

Ang calcium ang siyang naniniguro na healthy ang development ng buto at ngipin. Ito rin ang nag-e-enable ng blood clotting pati na rin ang maintenance ng nerves at muscles.

Ang mga taong nakakatanggap ng sapat na calcium simula pagka-baby hanggang pagtanda ay malamang may low risk na magkaroon ng mahinang buto at mas mataas ang chance na hindi sila makaka-experience ng bone loss.

Iron 

Nangangailangan ang babies ng iron dahil importanteng nutritient ito na tumutulong na siguraduhing tama ang growth at formation ng healthy cells, tulad ng red blood cells. Importante rin ang iron upang maiwasan ang iron-deficiency anemia.

Zinc

Kailangan rin ng babies ang zinc, isa pang essential nutrient, na nagtutulong sa pag-form ng protein na tumutulong sa pag-repair ng body tissues, muscles, at balat. Ang zinc ay nag-bu-boost rin ng immune system, na importanteng panlaban sa mga virus at bacteria.

Sodium

Kailangan ng baby ang sodium para sa sustansiya dahil mini-maintain nito ang balance ng tubig sa katawan at kino-control rin nito ang blood volume. Ang sodium ay naniniguro na ang cell membrane at iba pang body tissues ay maayos na nag-fa-function.

Kung nagsimula nang kumain ang baby mo ng solid foods, hindi na kailangang mag-add ng salt sa kanilang diet dahil sapat naman na ang sodium na nakukuha nila sa breast milk o infant formula upang suportahan ang kanilang paglaki.

Iba pang Essential Nutrients

Carbohydrates

Kailangan ng mga bata ang carbohydrates dahil nagbibigay ito ng energy na kailangan nila para sa kanilang growth at development. Ang carbohydrates ang nag-a-allow na magamit ng lubos ang protein at fats sa katawan.

Fat 

Isa pang essential nutrient na importante para sa brain development at overall growth ni baby ay ang fats. Ang mga baby na edad 6-12 months ay nakakakuha rin ng ibang benefits mula sa fat, tulad ng pag-absorb ng fat-soluble vitamins, A, D, E, and K, pati na rin ang pag-supply ng energy sa katawan.

Protina

Maliban sa carbohydrates at fats, ang protein o protina ay essential nutrient rin na importante sa pag-build, maintain, at repair ng tissues ng balat, mata, muscles, puso, baga, utak, at iba pang organs.

Ang protein ay gumagawa rin ng importanteng enzymes, hormones, antibodies, at iba pang properties na napaka-importante sa growth at development ng baby. Maliban pa dito, ang protina ay ang “building blocks of bones, muscles, cartilage, skin, and blood.”

Tubig

Kadalasan, nakukuha ng babies ang water mula sa breast milk hanggang 6 months of age. Pero kapag nagsimula na silang mag-solid foods, kailangan na silang bigyan sila ng tubig upang suportahan ang kanilang developmental needs.

Ang tubig ay essential dahil tumutulong itong i-regulate ang body temperature at cell metabolism. Tumutulong rin itong i-transport ang nutrients at metabolic products pati na rin i-maintain ang normal functioning ng kidneys.

Mga Dapat Tandaan

Dapat maging aware ang mga parents tungkol sa lahat ng essential nutrients, minerals at vitamins para sa baby edad 6-12 months old upang makapag-provide sila ng mas healthy na diet para sa kanilang babies, lalo na kapag nagsisimula na silang kunin ang nutrients mula sa iba’t ibang pagkain maliban sa breast milk o formula.

Bilang magulang, importantent tandaan na kung ang baby mo ay hindi nutrient-, vitamin-, or mineral-deficient, hindi mo kailangang bigyan sila ng additional na supplements tulad ng vitamin drops.

Parating kumunsulta sa pediatrician ng iyong baby para sa mga concerns ukol sa nutrisyon at para sa karagdagang kaalaman.

Alamin ang latest news and updates sa Child Health Issues dito

[embed-health-tool-vaccination-tool]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Current Version

05/15/2022

Written by Bianchi Mendoza, R.N.

Medically reviewed by Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

Updated by: Kristel Lagorza


People Are Also Reading This

When Is Bedwetting In Kids A Concern?

Does Screen Time Cause Speech Delay In Children?


Medically reviewed by

Janie-Vi Villamor Ismael-Gorospe, MD

General Practitioner


Written by Bianchi Mendoza, R.N. · Updated May 15, 2022

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement