Nakatutulong Ba Ang Masustansyang Pagkain Laban Sa Dementia?
Karaniwan sa mga taong na-diagnose ng dementia ay madalas na kumakain ng mas kaunti kumpara sa dati. Ito ay maaaring dahil sa mga problemang medikal na nauugnay sa pagnguya, paglunok o pagtunaw ng pagkain. Gayunpaman ang wastong nutrisyon para sa mga taong may dementia ay mahalaga pa rin upang mapanatiling malakas at malusog ang kanilang katawan. Para sa isang taong may dementia, ang mahinang nutrisyon ay pwedeng magpapataas ng kanilang behavioral symptoms at maging sanhi ng pagbaba ng timbang. Ngunit nakatutulong ba ang masustansyang pagkain laban sa dementia?

Ang dementia ay pinaniniwalaang sanhi ng kumbinasyon ng genetic, environmental, at lifestyle factors kabilang ang diet at nutrisyon. Ang mga kondisyong pangkalusugan gaya ng mga sumusunod ay maaari ring mag-ambag sa pagbaba ng cognitive levels ng isang tao:
- Mataas na presyon ng dugo
- Sakit sa puso
- Diabetes
- Labis na katabaan
Ang pagsasagawa ng mabuting nutrisyon at pagkain ng maraming masusustansyang pagkain laban sa dementia ay makakatulong para mabawasan ang iyong panganib ng dementia habang ikaw ay tumatanda.
Narito ang 7 pagkain laban sa dementia na maaaring makatulong sa pagpapanatili ng iyong kalusugan at pagkakaroon ng “cognitive decline” habang tumatanda ka:
1. Cruciferous Vegetables
Ang broccoli, brussels sprouts, cauliflower, at iba pang cruciferous vegetables ay nagtataglay ng mataas na bitamina B at carotenoids, na may kakayahang bawasan ang mga lebel ng homocysteine — isang amino acid na nauugnay sa mga sumusunod:
- Cognitive decline
- Brain atrophy
- Dementia
2. Nuts
Ang mga pecan, almond, walnut, cashews, at mani ay nagtataglay ng mga sumusunod:
- Malulusog na taba
- Magnesium
- Vitamin E
- Vitamin B
Ang mga nabanggit na sustansya at bitamina ng iba’t ibang nuts ay nakakatulong para maitaguyod ang mahusay na cognition ng isang tao — at maiwasan ang mga palatandaan ng dementia.
3. Madahong Mga Gulay
Ang kale, collard greens, spinach, at Swiss chard ay ilan lamang sa mga madahong gulay na nagtataglay folate at B9 na nakakatulong para mabawasan ang depresyon, at mapalakas ang katalinuhan. Maaaring idagdag ang mga madahong gulay sa iba’t ibang putahe na mayroon tayo.
4. Berries
Ang mga raspberry, blueberry, blackberry, at seresa ay naglalaman ng isang flavonoid na tinatawag na “anthocyanin” na tumutulong sa pagpapahinto ng pag-unlad ng mga pinsala sa utak na na-trigger ng free radicals.
Naglalaman din ang mga berries ng antioxidants at mga bitamina na nakakatulong na mabawasan ang pamamaga at magpapanatili ng mabuting kalusugan ng utak.
5. Mga Buto
Ang sunflower seeds, flax seeds, at pumpkin seeds ay nagtataglay ng lahat ng antioxidants at nutrients gaya ng mga sumusunod:
Kung saan ang mga nilalaman ng buto kagaya ng mga nabanggit ay tumutulong sa pagpapababa ng ating cognitive decline.
6. Omega-3s
Ang olive oil, flax seeds, at fatty fish tulad ng tuna, salmon, at mackerel ay mga halimbawa ng mga pagkaing nagtataglay ng mataas na omega-3 fatty acids na may DHA na tumutulong sa iyong utak na manatiling malusog.
Maraming mga pag-aaral ang nagpapatunay na ang mga pagkain na mayroong omega-3 ay epektibo bilang isang pagkain na laban sa dementia.
7. Mga Pampalasa
Ang mga pampalasa tulad ng sage, cumin, at cinnamon ay napakasarap kapag ginagamit sa season meals. Dagdag pa rito, ang mga pampalasa ay nagtataglay rin ng maraming polyphenols — mga compound na nag-aalok ng benepisyo para sa ating memorya at kalusugan ng utak. Mayroon kasing kakayahan ang mga pampalasa tulad ng mga nabanggit na kumain ng brain plaque, at bawasan ang mga pamamaga para maiwasan ang kapansanan sa pag-iisip.
Key Takeaways
Ugaliin rin na ipakonsulta sa doktor ang mga kakilala o kapamilya na mayroong sintomas ng dementia. Maaari ka ring humingi ng medikal na payo sa pagkakaroon ng malusog na diyeta.
Matuto pa tungkol sa Masustansiyang Pagkain dito.