Paano Basahin ang Resulta ng Urinalysis Test?
Sa pag-ihi, sakit, o kakaibang kulay, o mabahong amoy na hindi makikita noon at maging ang dalas ng pag-ihi na hindi kaugnay ng pag-inom ng mas maraming tubig ay ilan sa mga senyales na oras na humingi ng medikal na atensyon. Ito ay karaniwan na humahantong sa urinalysis o urine test. Ito ay tumutukoy sa kasalukuyang sanhi ng pagbabago. Paano basahin ang urinalysis test? Alamin dito.

Ano ang urinalysis?
Ang nilalaman ng ihi ay nakapagsasabi tungkol sa iyong katawan at kung mayroong pagbabago sa loob na kailangan na matignan ng medikal na propesyonal. Ito ang dahilan bakit naging pangunahin ang procedure na ito sa pagtukoy ng iba’t ibang kondisyon.
Ang urinalysis ay pagkuha ng ihi at inilalagay ito sa tiyak na testing methods upang matukoy ang kahit na anong abnormal parameters sa sample.
Ang tested na sample ay susuriin ng medikal na propesyonal na alam kung paano basahin ang resulta ng urinalysis para sa UTI, karaniwang impeksyon, maging ang hindi karaniwang impeksyon at ibang mga karamdaman.
Kailangan ko bang magpa-urinalysis?
Bilang bahagi ng pang-araw-araw na routine, kahit na anong dagliang pagbabago sa iyong ihi ay mas madalas na kapansin-pansin.
Kung nakaranas ng sintomas tulad ng pagbabago ng kulay at/o ng amoy ng ihi, pagkakaroon ng dugo sa ihi, hapdi habang umiihi, at pagdalas ng pag-ihi, o sakit sa tiyan o likod, magpatingin sa medikal na propesyonal.
Kadalasan kaysa hindi, magsasagawa ang doktor ng urinalysis sa iyo.
Para saan ang urinalysis test?
Ang mga kondisyon at substances na nagpapabago ng tiyak na nabibilang na aspekto ng ihi ay maaaring matukoy mula sa urinalysis. Kabilang dito ang:
- UTI
- Diabetes at ibang metabolic disorders
- Kidney stones o kidney disease
- Pagbubuntis
- Bladder cancer
- Sexually transmitted infections (STIs)
- Libangan na paggamit ng droga
Paano isinasagawa ang urinalysis?
Kailangan na makakuha muna ng sample ng ihi at maaaring gawin sa pamamagitan ng “clean-catch” na pamamaraan ng pag-ihi sa sterilized specimen container.
Sa pagkolekta ng sample, kailangan na siguraduhin mo na hugasan ang iyong mga kamay bago at matapos ang pagkolekta upang maiwasan ang kontaminasyon at pagkalat ng germs.
Matapos ito, kung handa nang umihi, huwag agad na kolektahin ang ihi; kunin ang sample ng ihi sa kalagitnaan sa pamamagitan ng pag-ihi at paghinto sa kalagitnaan upang isahod sa container. Nakaiiwas ito sa bacteria mula sa ibabaw ng iyong ari na makontamina ang specimen.
Ang baryasyon ng karaniwang koleksyon ng sample ay pagagawin sa pasyente upang mangolekta ng ihi sa buong araw nang higit sa isang beses. Ito ay upang mas maiging pag-aralan ang kalusugan ng kidney.
Susuriin ng mga healthcare professionals ang sample base sa mga parameters na ito:
- Kulay o itsura
- Amoy at/o acidity
- Abnormal na presensya ng dugo, cells, crystals, protina, glucose o sugar, at microbes
Anong ibig sabihin ng aking resulta?
Sa pagkukumpara ng iyong resulta sa normal ranges at kondisyon ng iyong ihi, at paglilinaw ng mga bagay sa iyong doktor, malalaman mo kung paano bumasa ng resulta ng urinalysis para sa UTI, diabetes, kidney stones, at ibang mga sakit na kailangan ng gamutan.
Ilan sa findings na makikita ay ang mga sumusunod:
- Kung mayroong dugo sa ihi, maaaring indikasyon ito na may mali sa iyong kidneys, urinary system o bladder. Maaari din itong mayroon kang impeksyon. Bago mag-urinalysis, mahalaga na tandaan na maaaring mayroong dugo mula sa regla sa iyong ihi.
- Kung nakakitaan ng sugar, maaari itong tumukoy sa diabetes
- Kung may protina sa ihi maaaring mayroon kang kidney disease o pinsala nito
- Ang calcium sa iyong ihi ay maaaring indikasyon ng kidney stones
- Ang presensya ng cells sa iyong ihi, partikular na mula sa bladder ay maaaring indikasyon ng bladder cancer
- Maaaring indikasyon ng malalang dehydration o pinsala sa atay ang maitim na kulay na ihi
- Ang cloudy at mabahong ihi ay indikasyon ng UTI
- Maaari ding senyales ng UTI ang madalas na pag-ihi ay
Ang pag-alam paano basahin ang resulta ng urinalysis para sa UTI, karaniwang pangyayari hanggang sa bihirang mga kaso tulad ng bladder cancer o pinsala sa atay ay nakatutulong upang maayos na matugunan ang kasalukuyang sanhi sa likod ng pagbabago ng ihi.
Hinahayaan nito ang pagtalakay sa mga hakbang na dapat gawin upang gamutin ito kasama ng iyong doktor. Maayos itong maisasagawa at mababawasan ang pag-aalala tungkol sa kung paano magpapatuloy matapos na bigyang kahulugan ang iyong resulta. Laging konsultahin ang iyong doktor tungkol sa resulta.
Matuto pa tungkol sa Medical Tests dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.