Ang paglaban sa pandemya ay masasabi nating “race against time.” Kapag na-achieve na natin ang herd immunity, mas may chance tayong mapagtagumpayan ito. Maiibsan ang pasanin ng ating mga healthcare workers, magre-recover ang ating economy, at siyempre, mababawasan o matatapos na ang pagdami ng bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19. Pero kailan nga ba tayo mananalo laban sa pandemyang ito kung ang Delta variant ay narito na at tila mas delikado ito.
Ano ang Delta Variant?
Totoo nga ba na ang sintomas ng Delta variant ay mas malubha? Ano ang delta variant? Alamin dito.
1. Ang Delta Variant ay nagmula sa India.
Marahil ay naalala niyo pa na ang COVID cases sa India ay humigit sa 400,000 cases bawat araw, napuno ang kanilang mga ospital, at nahirapan sila sa supply ng oxygen tanks.
Naniniwala ang mga eksperto na ang sitwasyon ay dulot ng Delta variant, o kilala rin sa tawag na B.1.617.2 variant. Sa kabila nang pagtawag dito na “new Delta variant,” una itong naitala sa India noong December 2020 pa.
2. Ito ay kumalat na sa halos 100 na bansa.
Maliban sa pangamba na mas malala ang sintomas ng Delta, nag-aalala rin ang mga eksperto sa paglaganap nito. Sa ngayon, halos 100 na bansa na ang may Delta cases, kasama na dito ang Pilipinas.
Para pigilan ang pagkalat ng Delta variant, nag-impose na ng travel ban ang Pilipinas sa mga incoming flights mula sa ibang bansa, tulad ng India, Bangladesh, and United Arab Emirates, maliban sa mga returning Filipinos.
3. Mas nakakabahala ang Delta kaysa sa orihinal na COVID.
Ayon sa mga awtoridad mas nakakahawa ang Delta variant laban sa mga variant na nauna. Sa ngayon, mas nakakahawa ang Omicron variant.
Para mas maintindihan, isipin ang isang mahinang populasyong wala pang bakunado. Ang isang taong may orihinal na variant ay maaaring makahawa ng 2.5 people. Sa kabilang banda, ang isang taong may Delta variant ay maaaring magkalat nito sa 3.5 to 4 na tao.
Isa pa sa mga nakakabahala sa mga tao ang ang posibilidad na ang sintomas nito ay mas malubha. Kailangan pa natin ng dagdag na pagsusuri upang maikumpara ang pagkakaiba, pero may data na nagsasabi na ang sipon (runny nose) ay kadalasang sintomas ng Delta variant.
Tandaan na, ayon sa listahan ng WHO, ang sipon ay hindi pangunahing sintomas ng COVID-19, at ang sore throat naman ay less common na sintomas.
Ayon sa research, ang Delta variant ay mabilis na tumubo at kumalat sa katawan. Ito marahil ang dahilan kung bakit mas mabilis itong maikalat ng mga may impeksyon. Maaari ring ibig sabihin nito na kailangan ilagay ang COVID-positive patients sa quarantine o isolation nang mas maaga.
4. Ano ang Delta Plus Variant?
Kilala rin sa tawag na B.1.617.2.1, ang Delta plus variant ay maihahalintulad sa naunang Delta variant. Kahit na kaunti lang ang natagpuan na kaso nito ng WHO, may characteristics of concern rin ito, tulad ng:
- Mataas na transmissibility (o abilidad na makahawa)
- Mas madaling makapasok sa cells
- Mas aggressive. Ibig sabihin ang immune system ay less effective laban dito o less responsive sa antibody treatments.
5. Ang vaccination ay magandang paraan para ma-proteksiyunan.
Sa ngayon, ang best way na ma-protektahan natin ang ating mga sarili ay magpa-vaccinate. Sabi ng WHO, ang approved vaccines ay inaasahang magbibigay ng proteksiyon laban sa mga bagong variant.
Halimbawa: Ang Pfizer vaccine ay tila nagpoprovide ng 79% na proteksyon laban sa Delta variant.
Isa pa, ang pagpa-pabakuna ay isa sa mga paraan upang pigilan ang future mutations ng COVID-19 virus na siyang sanhi ng mga variants.
Key Takeaways
Ang Delta variant ay nagmula sa India kung saan ang daily cases ay umabot sa 400,000 noong May 2021. Kailangan natin ng karagdagang impormasyon kung ang sintomas ng Delta variant ay mas malubha. Pero sa ngayon, sabi ng mga reports ay mas nakakahawa ito, mas mabilis kumalat kapag nasa loob ng katawan, at mas mabilis itong kumalat sa komunidad.
Alamin ang lahat ng COVID-19 news and updates dito.