backup og meta

Masama Ba Ang Kape Sa Puso At Kalusugan Ng Tao?

Marami sa atin ang coffee lover at mahilig sa pag-inom ng kape bilang bahagi ng kanilang pampagana sa buhay. Maituturing ang kape bilang isa sa pinaka-popular na inumin sa buong mundo, at milyon-milyong mga tao ang nangangailangan ng kape upang gawing mas masigla ang kanilang araw. Bagamat maraming benepisyo sa kalusugan ang pag-inom ng kape, hindi pa rin maitatanggi na maraming tao ang hindi aware sa kung paano pwedeng makasama sa isang tao ang sobra-sobrang pag-inom ng coffee. Kaya naman para sa tanong na “Masama ba ang kape sa puso at kalusugan?” ang sagot dito ay “Oo.” Maaaring makasama ito sa kalusugan kapag naging sobra-sobra ang pagkonsumo ng kape ng isang tao at wala sa moderasyon ang pag-inom nito.

Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga posibleng masamang epekto ng labis na pag-inom ng kape.

Paano Naging Masama Ang Kape Sa Kalusugan Ng Puso?

Masama ba ang kape sa puso? Bagamat ang ang pag-inom ng kape ay pwedeng makapagpababa ng banta na dulot ng cardiovascular disease, huwag mo pa ring kakalimutan na ang sobrang pag-inom nito ay pwedeng makapagpataas ng tsansa mo na magkaroon ng sakit sa puso. Ang mahalagang tanong ngayon ay paano nga ba ito nagiging posible?

Ang sobra-sobrang pag-inom ng kape ay nakakatulong para maging posible ang pagkakaroon mo ng sakit sa puso, dahil ang caffeine ay may kakayahan na pataasin ang presyon ng dugo ng ating dugo. Pwede rin ito maging dahilan upang bumilis ang pagtibok ng ating puso, o magkaroon tayo ng abnormal na bilis ng pagtibok nito. 

Bukod pa rito, ayon na rin kay Dr. Rodney Jimenez, director ng Philippine Heart Association, delikado ang sobrang pag-inom ng kape dahil pwede itong humantong sa “caffeine poisoning” at “toxicity.”

Mayroon Pa Bang Ibang Masamang Epekto Ang Kape?

Ayon nga sa kasabihan ang anumang sobra ay nakakasama, gayundin sa labis na pag-inom ng kape. Bukod sa pagkakaroon ng cardiovascular disease narito pa ang ilan sa mga masamang epekto ng sobrang pag-inom ng coffee:

  • Pagtaas ng pagkakaroon mo ng banta ng heartburn at anxiety
  • Madalas na pag-ihi
  • Palpitation
  • Kahirapan sa pagtulog
  • Insomnia

Ilang Tasa Ng Kape Ang Dapat Inumin?

Batay sa isang pag-aaral na pinondohan ng British Heart Foundation, nakita na ang pag-inom kape ay pwedeng isama sa malusog na pamumuhay ng isang tao. Napag-alaman din na ang pag-inom ng 5 tasang kape ay walang masyadong pagbabago sa tigas ng ating mga ugat sa puso. 

Gayunpaman, ipinapayo pa rin na magpakonsulta sa doktor para malaman ang wastong dami ng kape na dapat mong ikonsumo. Dahil maaaring mag-iba ang dami ng kapeng dapat mong inumin sa iyong kasalukuyang health condition. 

Key Takeaways

Napakahalagang maunawaan mo ang sagot sa tanong na “Masama ba ang kape sa puso?” upang maiwasan ang confusion tungkol sa pag-inom nito. Maganda kung magiging maalam ka tungkol sa mga masamang epekto ng kape sa ating kalusugan. Isa itong mahusay na hakbang para mapangalagaan ang ating sarili. Maganda rin na magkaroon tayo ng disiplina sa dami ng kape na dapat lamang natin inumin para maiwasan ang anumang problemang medikal. Sa oras rin na may alalahanin ka sa dami ng kape na iniinom mo sa isang araw, maaari kang magpakonsulta sa doktor para sa angkop na medikal na payo. Pwede mo ring bawasan ang dalas at dami ng pagkonsumo mo ng kape, lalo na kung nakikita mo sa iyong sarili na hindi na tama ang paraan ng iyong pag-inom.
Huwag mo ring kakalimutan na kapag uminom ka ng kape sa moderate na paraan, pwede mong makuha ang mga magagandang benepisyo nito sa kalusugan tulad ng pagpapababa ng risk ng sakit sa puso, diabetes, Alzheimer’s, at Parkinson’s disease.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan sa Puso dito.

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

Coffee and health: What does the research say? – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/expert-answers/coffee-and-health/faq-20058339, Accessed October 18, 2022

The latest scoop on the health benefits of coffee – Harvard Health Blog – Harvard Health Publishing, https://www.health.harvard.edu/blog/the-latest-scoop-on-the-health-benefits-of-coffee-2017092512429, Accessed October 18, 2022

Coffee | The Nutrition Source | Harvard T.H. Chan School of Public Health, https://www.hsph.harvard.edu/nutritionsource/food-features/coffee/, Accessed October 18, 2022

Coffee for Health – Positive and Negative Effects of Caffeine, https://www.aarp.org/health/healthy-living/info-10-2013/coffee-for-health.html, Accessed October 18, 2022

Good News for Coffee Drinkers: The Health Benefits Outweigh the Risks for Most People | National Center for Health Research, https://www.center4research.org/coffee-health-benefits-outweigh-risks/, Accessed October 18, 2022

Health Benefits of Coffee – Discover Health – Rush University Medical Center, https://www.rush.edu/health-wellness/discover-health/health-benefits-coffee, Accessed October 18, 2022

The Health Benefits (and Risks) of Drinking Caffeine | AltaMed, https://www.altamed.org/articles/health-benefits-and-risks-drinking-caffeine, Accessed October 18, 2022

Is coffee good for you or not? | American Heart Association, https://www.heart.org/en/news/2018/09/28/is-coffee-good-for-you-or-not, Accessed October 18, 2022

Current Version

05/26/2026

Written by Lornalyn Austria

Fact-checked by Vincent Sales


People Are Also Reading This

Heart-Healthy Lifestyle: 8 Weeks To A Healthy Heart

What Is The Normal Blood Oxygen Level?


Fact-checked by

Vincent Sales


Written by Lornalyn Austria · Updated 19 min ago

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement