Malaki ang ginagampanang papel ng nutrisyon pagdating sa ating kalusugan. Kapag wasto ang nutrisyon, mas makakaiwas tayo sa iba’t-ibang mga karamdaman. Bagamat walang pagkain ang tiyak na makakapigil sa cancer, meron namang mga maaaring kainin upang mapababa ang ating risk. Anu-ano ang mga pagkain laban sa cancer? Alamin dito.
Anu-ano Ang Mga Pagkain Laban Sa Cancer?
Kapag pinag-uusapan ang mga pagkain kontra cancer, madalas lumilitaw ang salitang phytochemicals. Ang phytochemicals o phytonutrients ay mga compunds sa mga halaman na pinaniniwalaang nakakapagpababa ng cancer risk.
Ito ang dahilan kung kaya’t karamihan sa mga pagkain laban sa cancer ay plant-based foods.
Paalala: Hindi man maikakaila ang mga benepisyong hatid ng mga pagkaing ating ililista, mahalaga pa din na ang variety sa diet. Ibig sabihin nito, importanteng sundin pa din ang kaukulang portion sizes ng bawat pagkain.
Narito ang mga pagkain laban sa cancer:
1. Cruciferous Vegetables
Una sa ating listahan ay ang mga cruciferous vegetables. Kabilang dito ang bok choy, broccoli, cauliflower, cabbage, at arugula.
Ang mga cruciferous vegetables ay may mataas na fiber content na pinaniniwalaang nakakabawas sa risk ng colon cancer. Ang broccoli naman ay nalaman na may sulforaphane, isang compound na maaaring makatulong para pababain ang risk ng prostate cancer.
Bukod dito, ang mga cruciferous vegetables ay maraming mga vitamins at minerals na makakatulong upang maiwasan ang iba pang mga sakit. Ugaliing kumain ng mga cruciferous vegetables at iba pang gulay para mapalakas ang resistensya.
2. Carrots
Madalas nating naririnig na ang carrots ay nakakabuti sa ating paningin. Ngunit alam nyo ba na isa ito sa mga pagkain laban sa cancer?
Ayon sa mga pag-aaral, ang beta-carotene sa carrots ay nakakapagpababa ng risk ng breast cancer at prostate cancer. Maliban dito, maiuugnay din ang carrots sa mababang risk ng cancer sa bibig, baga, tiyan, esophagus, at colon.
3. Berries
Ang mga berries, tulad ng strawberries, cherries, blueberries, at cranberries ay mainam na merienda dahil mababa sila sa sugar at nagtataglay sila ng mga masustansyang bitamina.
Ang berries ay nasa listahan din ng mga pagkain laban sa cancer. Meron itong ellagic acid na lumalaban sa mga carcinogens. Meron din itong pterostilbene, isang uri ng antioxidant na makakatulong upang mapigilan ang cancer sa dibdib, malaking bituka, cervix, at baga.
4. Bawang at Sibuyas
Madalas gamitin ang bawang at sibuyas bilang pampalasa sa mga hinahaing pagkain. Alam nyo ba na maituturing din sila na mga pagkain laban sa cancer?
Ayon sa National Cancer Institute sa Estados Unidos, ang bawang at sibuyas na nakakabawas ng risk ng cancer sa esophagus, dibdib, tiyan, at malaking bituka. Iniuugnay nila ito sa anti-inflammatory properties ng bawang at sibuyas. Bukod dito, meron din silang sulfur-containing compounds laban sa mga carcinogens.
6. Walnuts at Iba pang Uri ng mga Mani
Ang mga walnuts at iba pang uri ng mani ay mainam din na isama sa mga pagkain laban sa cancer. Nagtataglay ito ng polyphenol, isang uri ng antioxidant. Meron din itong omega 3 fatty acids na nakakabawas sa inflammation sa katawan.
Ang iba pang mga halimbawa ng masustansyang mga mani ay hazelnut, almond, cashews, and pecans.
Iginigiit ng mga eksperto na ang pagkain ng mga mani ay mas mainam kumpara sa pagkain ng mga chips or junk foods. Bukod kasi sa mas masustansya ang mga mani, wala pa itong karagdagang asin, asukal, taba, at mga preservatives.
Key Takeaways
Hindi man nagbibigay ang mga pagkaing ito ng kasiguraduhang hindi ka magkakaroon ng kanser, maaari nitong mapapaba ang iyong risk. Ugaliing kumain ng maraming prutas at gulay, whole grains, at mga lean meat mula sa seafood at poultry. Bawasan ang pagkain ng processed foods o iyong mga pagkain na nagtataglay ng maraming asin, asukal, taba, at preservatives.
Kung may mga katanungan sa tamang nutrisiyon, huwag mag-atubiling sumangguni sa inyong doktor.
Isinalin mula sa Ingles ni Lorraine Bunag, R.N.
Learn more about Healthy Eating here.
[embed-health-tool-bmr]