Ang pagkain ay isang okasyon na hindi natin maiiwasan, hamon para sa karamihan ang pag-iwas sa carbohydrates (lalo na ang kanin na pangunahing pagkain ng mga bansa sa Asia). Paano nakatutulong ang pagbawas ng carbs upang magpapayat?
Ang pagkain ay isang okasyon na hindi natin maiiwasan, hamon para sa karamihan ang pag-iwas sa carbohydrates (lalo na ang kanin na pangunahing pagkain ng mga bansa sa Asia). Paano nakatutulong ang pagbawas ng carbs upang magpapayat?

Maaaring mahirap ang pag-iwas sa carbohydrates. Kaya paano natin masisira ang cycle na ito at maging malusog ang katawan na siyang pinagsisikapan ng lahat? Nakababawas nga ba ng taba sa katawan ang pagkain ng kaunting carbs?
Karamihan sa mga bansang Asyano, ang ating calorie intake ay nagmumula sa kanin.
Bagaman walang masama sa kanin bilang kasama sa hapag kainan, puno pa rin ito ng carbohydrates.
Kaya nakatutulong ba ang pagkain ng kaunting carbs para mawala ang taba sa katawan? Oo, ngunit hindi mo kailangang ganap na alisin ito mula sa iyong diet para sa pagbaba ng timbang.
Kung sisirain natin ang cycle ng ating pananabik para sa carbohydrates – lalo na ang kanin – kakailanganin na palitan ito ng iba pang mas masustansiyang pagkain na pinagmumulan ng calories.
Ang pag-iwas sa isang partikular na grupo ng pagkain ay maaaring magresulta sa kakulangan ng ilang sustansya sa iyong katawan. Kaya ang pagkakaroon ng angkop na alternatibo sa iyong diet ay maaaring makatulong.
Sa pamamagitan ng pagsusunog ng higit pang mga kaloriya kaysa sa ating kinakain, tayo ay makakapagbawas ng timbang
Ang ilan sa maaring kapalit ay manggagaling sa pagkain na may mataas na protina, mga prutas at gulay
Isang simpleng pagkain ng inihaw na manok na may ilang mga steamed vegetables sa gilid ay isang mainam na tanghalian, habang ang pagkakaroon ng ilang isda, prutas, at ilang madahong gulay ay maaaring gawin para sa isang malusog na hapunan.
Ang katawan ng bawat tao ay iba-iba Ang iyong metabolismo ay iba sa taong katabi mo.
Ang pagbawas sa mga matamis na pagkain ay isa sa mga pinakamainam na paraan ng pagbabawas ng timbang. Maaaring mas madaling sabihin ito kaysa gawin lalo na kapag mayroong mga katrabaho o kaibigan na nag-aalok ng tsokolate at kendi sa oras ng pahinga.
Ang mga simpleng pagbabago, tulad ng pagbabawas ng asukal sa iyong milk tea, ay maaari nang maging panimula ng malaking pagbabago.
Taliwas sa sinasabi ng karamihan, ang ilang mga pagkaing high fats ay hindi nagti-trigger ng paglabas ng insulin, na nagiging dahilan ng pagiging stable ng asukal sa dugo.
Gayunpaman, ang kaunting fats ay mahalaga sa ating dietary needs upang hindi na magsagawa ng pagbubukod. Ang mga halimbawa ng healthy fats ay avocado, olive oil, o fatty fish, tulad ng salmon.
Ang pagsisimula sa mga diet ay maaaring isa sa pinakamahirap na bahagi ng proseso, ngunit kailangan din nating isaisip ang pangmatagalang pagpapanatili ng ating diet.
Ano ang ilang pangunahing gawi na kailangan nating sanayin araw-araw?
Hindi lang natin kailangang alisin ang starch sa ating pagkain, ngunit kailangan din nating alisin ang anumang breading at gravy sa ating karne/isda. Ang pinaka epektibong paraan ng pagkilos ay palitan ang mababang kalidad ng starchy carbs ng may low-carb na gulay.
Isinalin sa Filipino ni Dr. Nina Christina Zamora
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
1 Food Exchange Lists, https://www.nhlbi.nih.gov/health/educational/lose_wt/eat/fd_exch.htm, Accessed 14 September 2020
2 Carbohydrates: How carbs fit into a healthy diet, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/carbohydrates/art-20045705, Accessed 14 September 2020
3 Low-carb diet: Can it help you lose weight?, https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/low-carb-diet/art-20045831, Accessed 14 September 2020
Low-carb diet: Can it help you lose weight? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/weight-loss/in-depth/low-carb-diet/art-20045831 Accessed 17 May 2020
Carbohydrates: How carbs fit into a healthy diet? https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/nutrition-and-healthy-eating/in-depth/carbohydrates/art-20045705 Accessed 17 May 2020
Food Exchange Lists https://www.nhlbi.nih.gov/health/educational/lose_wt/eat/fd_exch.htm Accessed 17 May 2020
How to break carb cravings, once and for all https://edition.cnn.com/2017/10/17/health/carbohydrates-cravings-food-drayer/index.html Accessed 17 May 2020
Kasalukuyang Version
11/21/2022
Isinulat ni Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni Mike Kenneth Go Doratan, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara