brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Paano Simulan Ang Pag-Ehersisyo, Anu-Ano Ang Dapat Gawin?

Ang pag-alam sa kung paano simulan ang pag-ehersisyo at pagsasagawa ng fitness program ay isang mahusay na bagay na magagawa mo para sa iyong sarili dahil maaaring bawasan ng pisikal na aktibidad ang iyong panganib na magkaroon ng mga malalang sakit. Nakakatulong din ang pag-ehersisyo sa pagpapabuti ng iyong balanse at koordinasyon, pagbabawas ng timbang, at pagpapahusay ng iyong sleep habits at pagpapahalaga sa sarili. Kaya naman inirerekomenda ang pag-eehersisyo sa lahat ng tao para makuha ang ilang mga benepisyo sa kalusugan na nabanggit.

Paano Simulan Ang Pag-Ehersisyo, Anu-Ano Ang Dapat Gawin?

Pero bago ka magsimula sa pag-eehersisyo, narito ang limang hakbang na pwede mong gawin at dapat mong tandaan.

Paano Simulan Ang Pag-Ehersisyo?

cardio exercise

1. Alamin ang pangunahing dahilan ng pag-eehersisyo

Maganda na alamin mo muna ang pinakasanhi kung bakit gusto mong mag-ehersisyo. Dapat matukoy mo ang dahilan ng iyong pag-eehersisyo upang maging malinaw ang mga bagay na gusto mong makuha.

Ang pag-alam sa pangunahing dahilan ng iyong pag-eehersisyo ay makakatulong din sa’yo na mapanatili ang iyong motibasyon sa pag-eehersisyo.

2. I-assess ang iyong fitness level

Dapat mong i-assess o tingnan ang iyong fitness level para magkaroon ka ng ideya sa kung anong klaseng mga ehersisyo ang bagay sa’yong pangangailangan at katawan. Makakatulong rin ito para maiwasan ang sobra-sobrang fatigue at pagkabigla ng katawan sa pag-eehersisyo.

Maaari kang humingi ng tulong sa mga eksperto at coach sa ehersisyo para masuri ang iyong aerobic at muscular fitness, flexibility, at komposisyon ng katawan. Sa pamamagitan ng paghingi sa kanilang payo malalaman mo rin ang angkop at tamang ehersisyo para sa’yo.

3. Lumikha ng sariling disenyo ng iyong fitness program

Ang pag-eehersisyo ay nangangailangan ng disiplina. Madaling sabihin na mag-eehersisyo ka araw-araw, pero ang totoo ay mahirap itong gawin lalo na kung kulang ka sa motibasyon.

Bukod sa disiplina at motibasyon, kakailanganin mo rin ng isang plano o fitness program para makuha ang iyong layunin sa pagpapaganda ng katawan at kalusugan. Gayunpaman, habang nagdidisenyo ka ng iyong fitness program, tandaan ang mga sumusunod na puntong ito:

  • Ikonsider ang iyong fitness goal.
  • Gumawa ng balanseng routine ng pag-eehersisyo.
  • Magsimula muna sa mga madadali at mababagal na paraan ng pag-eehersisyo hanggang sa dumating ang punto na makaya na rin ang mabibigat na paraan ng pag-eehersisyo.
  • Pumili ng oras ng pag-eehersisyo na angkop sa iyong schedule.
  • Paglalaan ng panahon ang pagpapahinga mula sa pag-eehersisyo.

Para masiguradong angkop ang disenyo ng fitness program na gagawin para sa iyong sarili, huwag kakalimutan na humingi ng tulong sa mga eksperto at coach sa ehersisyo.

4. Pagpili ng angkop na gym equipment o kagamitan sa pag-eehersisyo

Mahalaga na malaman mo ang mga angkop na gamit sa pag-eehersisyo. Kung bibili ka ng athletic shoes siguraduhing pumili ng mga sapatos na idinisenyo para sa aktibidad na nasa isip mo. 

Bukod pa rito, kung nagpaplano kang mamuhunan sa mga gym equipment, pumili ng mga kagamitan na praktikal, kasiya-siya at madaling gamitin. Maaaring gusto mong subukan ang ilang uri ng kagamitan sa fitness center bago mamuhunan sa’yong sariling gym equipment.

Pwede mong isaalang-alang ang paggamit ng mga fitness app para sa mga smart device o iba pang device sa pagsubaybay sa iyong aktibidad.

5. Pagkonsulta sa mga doktor, eksperto, at coach sa ehersisyo

Sa pag-eehersisyo tandaan mo na apektado rin ang iyong diyeta, dahil maaari kang makaranas ng gutom at pagkauhaw pagkatapos mag-ehersisyo. Maganda kung makakahingi ka ng payo sa mga eksperto sa kung ano ang mga bagay na pwede mong kainin bago at pagkatapos ng iyong ehersisyo. 

Hindi naiiwasan sa ilang mga kaso na ang pag-eehersisyo ang nagiging sanhi ng mas lalong pagtaba. Nagaganap ito kapag ang isang tao ay hindi nakontrol ang kanyang pagkain pagkatapos mag-ehersisyo.

Key Takeaways

Lagi mong tandaan na ang pag-eehersisyo ay mabuti sa ating kalusugan, kaya hindi mo ito dapat isawalang-bahala. Mahalaga na malaman kung paano simulan ang pag-ehersisyo para maging handa ang iyong katawan at isip sa mga aktibidad na iyong gagawin na may kaugnayan sa pag-eehersisyo.
Huwag mo ring kalimutan na humingi ng payo sa mga doktor at eksperto. Sa ganitong paraan, mas magiging ligtas ang iyong pag-eehersisyo at mas madaling makukuha ang mga benepisyo nito sa kalusugan.

Matuto pa tungkol sa Health Fitness dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 2 oras na ang nakalipas