backup og meta

Pagtatae Ng Bata: Ano Ang Dapat Mong Gawin?

Pagtatae Ng Bata: Ano Ang Dapat Mong Gawin?

Hindi na nakagugulat para sa mga batang makaranas ng diarrhea paminsan-minsan. Ito ang dahilan makatutulong para sa mga magulang na malaman ang mga home remedies para sa pagtatae ng bata. Ito ang dapat na gawin kapag nagkaroon ng diarrhea ang iyong anak.

Ang Gamutan Sa Pagtatae Ng Bata

Naghahanap ka ba ng paraan kung paano matitigil nang mabilis ang diarrhea o pagtatae ng bata? Kung oo, ikunsidera ang mga sumusunod na gawain.

1. Bigyan Ng Fluid Ang Iyong Anak

Kapag may diarrhea ang iyong anak, ang pinakapriyoridad ay maiwasan ang dehydration. Karamihan sa mga kaso nito, maiiwasan ang dehydration sa mga bata sa pamamagitan ng pagtitiyak na mayroon silang sapat na fluid na naiinom.

Ayon sa mga eksperto, okay lang ang tubig. Ngunit pinaalalahanan nila ang mga magulang na huwag magbigay ng sobrang tubig dahil nakasasama ito. Bukod sa tubig, pwede ka ring magbigay sa iyong anak ng watered-down fruit juice, broth, o jelly.

Kung hindi nagpakita ng anumang senyales ng dehydration ang iyong anak at hindi rin nagsusuka, pwede mo siyang bigyan ng fluids o breastmilk gaya ng nakagawian.

Ngayon, kung ang bata ay parang medyo dehydrated, pwede mo siyang bigyan ng oral rehydration solution (ORS). Maraming brand ang available over-the-counter. Gayunpaman, pinakamainam pa ring ibigay ito nang may pahintulot at gabay ng doktor.

2. Gumawa Ng Pagbabago Sa Kanyang Kinakain

Ano ang kailangan mong gawin sa pagkain ng iyong anak kapag nagkaroon siya ng diarrhea? Ayon sa mga doktor, pwede mo pa ring ipagpatuloy ang pagpapakain sa bata. Kung nagpapasuso ka, ipagpatuloy lang ito; kung dumedede siya ng formula milk, huwag itong paghaluin. Sa parehong sitwasyon, bigyan sila ng pagkain na madalas nilang kinakain.

Kung hindi na sila sumususo sa ina o dumedede ng formula milk, tandaan ang tips na ito:

  • Mas mainam ang kaunti ngunit madalas na pagkain kaysa sa tatlong beses na pagkain nang marami
  • Magdagdag ng salty foods sa kanyang pagkain, gaya ng soup at pretzels
  • Kung hindi man, magpokus sa bland foods

Ang mga halimbawa ng bland foods na kayang kainin ng mga bata ay:

  • Baked o broiled meat (isda, manok, baka, o baboy)
  • Lutong itlog
  • Saging, kanin, applesauce, at tinapay (BRAT diet)
  • Pasta, at iba pang produktong tinapay na gawa sa puting harina
  • Lutong gulay, sariwang prutas, pwera na lang kung magdulot ito ng gas
  • Baked potatoes
  • Mga panghimagas gaya ng jelly at cookies

Sa pangkalahatan, okey lang na bigyan sila ng low fat dairy products gaya ng keso, gatas at yogurt. Gayunpaman, kung mapalalala ng mga pagkaing ito ang mga sintomas ng diarrhea, mainam na iwasan ang mga ito.

Ang ilan pa sa dapat iwasan ay caffeine, carbonated drinks, greasy foods, at full-strength fruit juices.

3. Hikayating Magkaroon Ng Sapat Na Pahinga

At syempre, tulungan ang iyong anak na magkaroon ng sapat na pahinga at relaxation. Magbibigay ito sa kanyang katawan ng sapat na lakas upang labanan at anumang sanhi ng kanyang pagtatae.

Note: Habang nagpapagaling ang iyong anak, huwag siyang bibigyan ng mga gamot laban sa diarrhea liban na lang kung pumayag ang doktor.

pagtatae ng bata

Kailan Kailangang Humingi Ng Tulong Na Medikal

Karamihan sa kaso ng pagtatae ng bata, acute diarrhea o LBM na tumatagal nang 7 araw ay hindi na kailangan ng medical treatment. Kapag ang iyong anak ay may diarrhea na nagpatuloy ng higit sa tatlong araw sa kabila ng home remedies, panahon na upang dalhin siya sa doktor upang masuri.

Ang tuloy-tuloy na diarrhea (tumatagal ng higit isang linggo) at chronic diarrhea (tumatagal ng higit isang buwan) ay pwedeng resulta ng nagdaang impeksyon o ng isang pangmatagalang kondisyon gaya ng irritable bowel syndrome o inflammatory bowel disease.

Gaano man katagal ang diarrhea, dalhin agad ang iyong anak sa doktor kapag:

  • May dugo sa kanilang dumi o kulay itim ang kanilang dumi
  • Nagrereklamo sila dahil sa matinding pananakit ng tiyan
  • May lagnat ang iyong anak na hindi nawawala
  • Matamlay sila o hindi na kasing aktibo ng dati
  • Napapansin mo ang mga senyales ng dehydration

Nakadepende sa sanhi ng diarrhea ang paraan ng gamutan. Para sa acute cases, gaya ng mga impeksyon, pwede o pwedeng hindi na nila kailangan ng gamutan.

Sakaling mayroon silang pangmatagalang kondisyon, gaya ng irritable bowel syndrome, maaaring ipayo ng doktor na magkaroon ng pagbabago sa kanyang lifestyle gaya ng “pagsasanay” sa batang dumumi nang regular sa mga tiyak na oras sa bawat araw.

Maaari din silang magreseta ng gamot para sa iba pang sintomas gaya ng pananakit ng tiyan.

Key Takeaways

Maraming mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng diarrhea o pagtatae ng bata. Karamihan sa mga kasong ito, sanhi ng acute infection gaya ng viral gastroenteritis.

Kapag nagkaroon ng diarrhea ang iyong anak sa bahay, magpokus ka sa pag-iwas na ma-dehydrate siya sa pamamagitan ng pagpapainom ng tubig, watered-down juice, broth, jelly, or ORS upang mapalitan ang nawalang fluids sa kanya. Ngunit palaging tandaan na pinakamabuti pa ring kumonsulta sa doktor kung nagpapatuloy pa rin ang diarrhea ng iyong anak nang higit sa 2-3 araw.

Matuto pa tungkol sa Digestive Problems ng mga bata dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

When your child has diarrhea, https://medlineplus.gov/ency/patientinstructions/000693.htm, Accessed February 24, 2021

How to Treat Diarrhea in Infants and Young Children, https://www.fda.gov/consumers/consumer-updates/how-treat-diarrhea-infants-and-young-children, Accessed February 24, 2021

Diarrhea in Children, https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/diarrhea-in-children, Accessed February 24, 2021

First Aid: Diarrhea, https://kidshealth.org/en/parents/diarrhea-sheet.html?WT.ac=p-ra, Accessed February 24, 2021

Dehydration and diarrhea in children: Prevention and treatment, https://www.caringforkids.cps.ca/handouts/health-conditions-and-treatments/dehydration_and_diarrhea, Accessed February 24, 2021

Kasalukuyang Version

11/23/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagkain Para sa Acid Reflux: Mga Tips Para sa Mayroong GERD

GERD Sa Bata: 6 Sintomas Na Dapat Mong Bantayan


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement