backup og meta

Ano ang Postpartum Blues, at Ano ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ano ang Postpartum Blues, at Ano ang Maaaring Gawin Tungkol Dito?

Ang paghawak sa iyong bagong silang na sanggol ay marapat na magbigay sa iyo ng lubos na kasiyahan bilang isang ina. Sa kasamaang palad, may mga inang nakararamdam ng pagkalungkot, pagkabahala, at depresyon matapos ang panganganak. Ang kondisyong ito ay tinatawag na postpartum blues o baby blues syndrome. 

Ngunit ano nga ba ang postpartum blues o baby blues syndrome at ano ang mga sintomas ng kondisyong ito. Matuto ng higit pa rito. 

Ano ang Postpartum Blues? 

Ang Postpartum Blues o Baby Blues Syndrome ay kakikitaan ng matinding mood swings pagkatapos ng panganganak. 

Ang kondisyong ito ay maaaring magdulot para sa mga ina na umikli ang pasensya, maging iritable, at nababahala sa maraming mga bagay— mula sa pagpapadede hanggang sa pagpapanatiling malusog ng kanilang mga anak. 

Maaari ding makaranas ng pagkapagod ngunit makaranas ng kahirapan sa pagtulog at patuloy na pag-iyak nang walang tiyak na dahilan. 

Ang karamdamang ito ay maaaring magsimula 3-10 araw matapos manganak. 

Bagaman magkahawig, ang postpartum blues ay iba sa postpartum depression, dahil ang nahuli ay mas malala. 

Bagaman ang baby blues syndrome ay mas magaang anyo ng postpartum depression, tiyakin na hindi mo babalewalain ang mga sintomas nito. 

Ano-ano ang mga Sintomas ng Postpartum Blues? 

Ang terminong “postpartum blues” ay ginagamit para ilarawan ang pag-aalala, pagkalungkot, at pagkapagod sa loob ng ilang araw matapos ang panganganak. 

Ang karamdaman na ito ay mararanasan lalo na ng mga ina pagkatapos manganak sa unang pagkakataon. 

Ang mga sintomas ng postpartum blues ay kadalasang mas magaan kaysa sa postpartum depression. 

Ang mga ina na nakararanas ng baby blues ay nakararanas ng matinding mood swings, insomnia, o pagkabahala sa pangkalahatan. 

Ang iba’t ibang mga sintomas ng postpartum blues o baby blues syndrome ay ang sumusunod: 

  • Ang ina ay nakararanas ng mabilis na pagbabago ng mood.
  • Ang ina ay nakararanas ng pagkabahala o pagka-overwhelmed sa pag-aalaga ng bata. 
  • Ang ina ay nakararamdam ng pagka-moody at cranky. 
  • Ang ina ay nalulungkot at palaging umiiyak. 
  • Ang ina ay nagkakaroon ng problema sa pagtulog (insomnia).
  • Ang ina ay nawawalan ng gana sa pagkain. 
  • Ang ina ay umiiksi ang pasenya, palaging pagod, at iritable. 
  • Ang ina ay nahihirapang mag-concentrate. 

Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumabas sa panahon ng pagre-recover mula sa panganganak. 

Ano ang Dahilan ng Postpartum Blues? 

Ang eksaktong dahilan ng postpartum/baby blues ay hindi pa alam. Gayunpaman, ang karamdamang ito ay iniisip na kaugnay ng mga pagbabago sa hormones sa kasagsagan ng ilang mga linggo pagkatapos manganak. 

Ang iyong katawan ay sumailalim sa napakaraming pagbabago matapos ang vaginal delivery o ng cesarean section. 

Ang iyong paraan ng pagkain ay magbabago, may mga pisikal na pagbabago ring magaganap, gayundin, mga pagbabagong emosyonal. 

Ito ay maaaring dahil sa pressure na dulot ng pagiging ina, matapos na maisip nila ang realidad na kanilang kahaharapin paglabas sa ospital. 

Bagaman malilibang ka sa pagiging isang ina, ang malaking responsibilidad na ito ay maaaring makapagparamdam sa iyo ng depresyon, pagka-overwhelm, na maaaring magdulot sa kondisyong ito. 

Ang kondisyong ito ay maaari ding ma-trigger ng mga pagbabago sa pisikal na aspekto ng isang nagdadalantao at mga pang-araw-araw na gawain, gaya ng fatigue at kakulangan sa tulog. 

Ano ang Postpartum Blues: Nagtatagal ba Ito? 

Huwag mag-alala, ang iyong sitwasyon ay magiging maayos din sa kabila ng iyong kasalukuyang paghihirap na malampasan ang syndrome na ito. 

Ang baby blues ay hindi isang sakit at kadalasan na tumatagal lamang sa loob ng ilang oras o araw. 

Ang kondisyon na ito ay maaaring mangyari sa loob ng 2-3 araw pagkatapos ng panganganak. 

Mula sa American Pregnancy Association, ang mga sintomas ng syndrome na ito ay kadalasang tumatagal sa loob ng ilang minuto o oras sa isang araw. 

Kung ikukumpara sa postpartum depression, ang baby blues ay mas maikli lamang na panahon nagaganap. 

Sa pangkalahatan, ang kondisyong ito ay maaaring mangyari sa tinatayang dalawang linggo matapos ang panganganak. 

Bagaman ang postpartum depression ay tatagal lamang sa loob ng ilang mga linggo hanggang buwan, maaari pa rin itong makaapekto sa mga gawain ng isang ina kung hindi agarang nagamot. 

Ang kondisyong ito ay kadalasang nawawala sa loob ng ilang mga araw nang hindi kumukunsulta sa doktor. 

Kadalasan, kung may sapat na pahinga at suporta mula sa mga tao sa iyong paligid, magiging maayos din ang iyong pakiramdam. 

Gayunpaman, kung patuloy kang makararanas ng pagkabahala matapos ang panganganak, maaaring mayroon kang postpartum anxiety at depression. 

Agarang kumunsulta sa iyong doktor kung sa palagay mo ay mayroon ka ng ganitong kondisyon. 

Paano Pamamahalaan ang Postpartum Blues? 

Ang syndrome na ito ay pangkalahatang nawawala nang kusa bagaman syempre pa, kailangan ng suporta mula sa iyong kapareha/asawa, pamilya, at mga kaibigan. 

Gayunpaman, kailangan mo pa ring gumawa ng iba’t ibang mga hakbang upang mapagtagumpayan ang baby blues . 

Ang ilang mga paraan para mapagtagumpayan ang baby blues ay ang sumusunod: 

  • Pagkonsumo ng masustansyang mga pagkain para sa self-recovery ng ina at pagpapadede sa sanggol.
  • Pagkonsumo ng mga multivitamins at omega 3 para mapanatili ang kalusugang pang-ina. 
  • Huwag uminom ng alak sapagkat maaaring makapagpalala pa ito sa kondisyon ng ina. 
  • Kapag nakararanas ng pagka-guilty, paalalahanan ang sarili na wala kang kasalanan. 
  • Humingi ng suporta mula sa iyong asawa, pamilya, at mga tao sa iyong paligid para matulungan kang maka-recover. 
  • Sundan ang mga therapy o mga counselling sessions na isahan o bilang pangkat. 
  • Maglaan ng oras para sa iyong sarili (me-time). 
  • Magbahagi ng mga karanasan sa ibang baguhang ina. 
  • Ang pagkakaroon ng sapat na pahinga at napakahalaga para sa recovery ng iyong katawan. 

Kung kinakailangan, maaari mong subukan ang relaxation, meditation, at ang maligamgam na pagligo para pakalmahin ang iyong isip bago matulog. 

Maaari bang Mangyari ang Baby Blues bago ang Panganganak? 

Gaya ng naipaliwanag na, ang baby blues syndrome ay isang mood disorder na nakaaapekto sa mga babae matapos manganak. 

Bagaman ito ay kadalasang nangyayari matapos ang panganganak, hindi lahat ng mga babae ay nararanasan ito sa parehong panahon. 

Ang ilang mga ina ay maaaring makaranas ng mga sintomas ng baby blues nang mas maaga, partikular na bago pa manganak. 

Ang kondisyong ito ay higit na kilala sa tawag na pre-baby blues o antepartum depression. 

Kung ito ay nagaganap bago pa man manganak, ang syndrome na ito ay maaaring maranasan ng mga babaeng nagbubuntis sa unang pagkakataon. 

Ang unang pagbubuntis na ito ay maaaring makapag-trigger ng matinding takot at pagkabahala ukol sa proseso ng panganganak na kanyang mararanasan kalaunan. 

Karagdagan pa, may ilang mga salik na maaaring makapagpataas sa banta ng baby blues sa panahon ng pagbubuntis gaya ng: 

  • Pagkakaroon ng hindi magandang ugnayan sa iyong kapareha nang may kawalan ng sosyal at emosyonal na suporta para sa ina sa panahon ng pagbubuntis. 
  • Pagkakaroon ng karanasan ng domestic violence kaya naman ang kanyang buhay ay nababalot ng hindi komportableng pakiramdam at depresyon. 

Maaari Bang Maiwasan ang Postpartum Blues Syndrome? 

Para maiwasan ang postpartum blues pagkatapos manganak, narito ang mga hakbang na maaari mong subukan: 

1. Makipag-usap ukol sa Iyong mga Alalahanin 

Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa anumang alalahanin o kalungkutan na iyong nararanasan sa kasalukuyan, 

Mangyayari lamang ito kung palagian mong isasaalang-alang ang iyong mga prenatal consultation appointments. Kadalasan, ang mga healthcare professionals ay may kakayahang matukoy ang depresyon na maaaring hindi mo napapansin. 

Sa ganitong paraan, maaari ka nilang matulungan sa iyong mga sintomas upang makontrol mo ito bago pa lumala. 

Gayundin, kailangan mong magkaroon ng masinsinang pag-uusap kasama ang iyong asawa tungkol sa anumang nakapagpapabagabag sa iyong tungkol sa pagiging isang bagong magulang. 

Maaari mong ibuhos ang lahat ng iyong mga alalahanin tungkol sa kung ano ang mangyayari sa hinaharap. 

2. Maglabas ng Stress 

Bilang paraan para maiwasan ang baby blues, kailangan mong maglaan ng oras para sa iyong sarili habang ikaw ay nagbubuntis o maging matapos manganak. 

Maaari kang magkaroon ng “me time” gamit ang iba’t ibang mga positibong gawain. 

Maaari mong subukang mag-meditate, mga malalalim na breathing exercises, pagpapaganda ng iyong sarili sa salon, o kahit ang pagkakape, pakikipagkita at pakikipagkwentuhan sa mga ina at mga magiging bagong ina. 

Sa ganitong paraan, makararamdam ka ng ginhawa na hindi ka nag-iisa sa iyong mga inaalala at iniisip. 

Ang pagiging isang magulang ay isang natatanging karanasan para sa bawat ina. 

3. Matulog kung ang Anak mo ay Natutulog na 

Ang lahat marahil ay nakarinig na ng klasikong payo na sabayan ang pagtulog ng iyong anak, matulog din kapag nakatulog na siya. 

Sa kasamaang palad, maraming mga ina ang nahihirapang isagawa ito. 

Karamihan sa mga ina ay ginagamitan ang baby-free na iras nila para linisin ang bahay o mamili ng mga gamit ng bata bago pa nila ito makalimutan. 

Ngunit hindi mo dapat palagpasin ang natatanging oportunidad na ito na makapahinga. 

Kaya naman, huwag mag-alinlangan na humingi ng tulong sa iba. 

Maaari kang humingi ng tulong sa iyong asawa/kapareha, ina, o kumuha ng isang kasambahay para sa mga gawaing bahay o sa pag-aalaga sa iyong anak. 

Karagdagan pa sa hindi pagpapakapagod nang saobra, maaari mo ring iwasan ang stress. 

Para sa mga asawa, ipakita ang iyong pag-aalaga at pagmamahal sa iyong asawa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanya sa pag-aalaga ng inyong anak gaya ng pagpapalit ng diaper, pagpapaligo sa sanggol, at pagkarga rito. 

Ang asawa ay maaaring magbantay rin sa sanggol kung may ginagawa ang iba. Gayundin, subukang maglaan ng oras para sa pakikinig sa mga kwento ng iyong asawa. 

Ang iyong asawa ay maaaring magnais na magkwento sa iyo para mas mapagaan ang kanyang mga dalahin. 

Minsan, ang mga bagong ina ay nagkakaproblema sa pagpapadede at maaring maging nakaka-stress ito. 

Gayunpaman, sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa ito, magiging mas kalmado ang iyong asawa. 

4. Magkaroon ng Oras para Mag-ehersisyo 

Ang mga inang masipag mag-ehersisyo pagkatapos manganak o kahit bago pa ito ay may tendensiya na makaramdam ng kaginhawaan sa emosyonal na aspekto at maging madali para sa kanya ang pakikisalamuha. 

Kahit pa ganito, huwag pilitin ang iyong sarili na magsagawa ng mga mabibigat na mga ehersisyo. 

Magsagawa ng mga magagaang ehersisyo para sa pagpapaunlad ng daloy ng dugo sa katawan gaya ng paglalakad-lakad o mga postpartum exercises. 

5. Huwag Ipagpilitang Maging Perpektong Magulang 

Maaaring nagpaplano ka nang maging isang perpektong magulang sa iyong anak. 

Maari kang makaramdam ng pagka-guilty kung hindi mo nagagawa nang tama ang lahat. 

Sa katunayan, maaari mong maisip na ang ibang mga magulang ay mas magaling kaysa sa iyo. 

Bilang resulta, maaari kang magtakda ng mga hindi makatotohanang ekspektasyon sa iyong sarili. 

Kaya naman, bukod sa pagbubukas ng iyong puso, ang pinakamainam na paraan para maiwasan ang baby blues ay ang pagtatakda ng mga makatotohanang ekspektasyon. 

Ito ay dahil ang pagiging magulang ay isang hindi madaling trabaho at mahirap makita kung paano ang magiging daloy ng iyong pagtahak sa trabahong ito. 

Ang mga paghihirap ay hindi nangangahulugang hindi ka mabuting magulang. 

Tandaan: Ang pagiging magulang ng bawat isa ay natatangi at sa pamamagitan ng pagtutuon sa pag-aalaga ng iyong sarili, mas mahusay mong maalagaan ang iyong anak. 

[embed-health-tool-ovulation]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Baby Blues After Pregnancy https://www.marchofdimes.org/pregnancy/baby-blues-after-pregnancy.aspx Accessed December 20, 2021

Understanding Motherhood and Mood: Baby Blues and Beyond https://www.healthychildren.org/English/ages-stages/prenatal/delivery-beyond/Pages/Understanding-Motherhood-and-Mood-Baby-Blues-and-Beyond.aspx Accessed December 20, 2021

Baby Blues https://www.pregnancybirthbaby.org.au/baby-bluesAccessed December 20, 2021

Baby Blues https://americanpregnancy.org/first-year-of-life/baby-blues-71032Accessed December 20, 2021

Baby Blues https://www.uofmhealth.org/health-library/tn7417Accessed December 20, 2021

Kasalukuyang Version

12/13/2024

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Dapat Gawin Pagkatapos Manganak: Heto Ang Dapat Tandaan Ng Mga Ina

Dapat Gawin Kung Nakunan: Gabay Para Sa Mga Ina


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement