backup og meta

Namamagang Gilagid, Ano Ba Ang Mainam Na Gamot Para Dito?

Namamagang Gilagid, Ano Ba Ang Mainam Na Gamot Para Dito?

Maraming tao ang dumaranas ng namamagang gilagid. Madalas itong sanhi ng gingivitis. Bagama’t karaniwang maiiwasan ang gingivitis sa tamang pangangalaga sa ngipin, nakakatulong pa rin ang paggamit ng tamang gamot sa namamagang gilagid para mapabilis ang paggaling.

Magbasa pa para malaman kung alin sa mga treatment ang pinakamainam, at kung paano mo pinakamahusay na haharapin ang namamagang gilagid.

Alin ang pinakamahusay na gamot sa namamagang giladid?

Maraming iba’t ibang epektibong gamot sa namamagang gums. Gayunpaman, ang main goal ay hindi lamang gamutin ang pamamaga. Dapat harapin ang ugat ng problema nito, na karaniwang gingivitis. 

Narito ang mga bagay na maaari mong gawin.

Regular na flossing at brushing 

Una, ang regular na flossing at brushing ay ang the best na gamot sa namamagang gilagid. Ang flossing at brushing ay nakakatulong na panatilihing malinis ang iyong mga ngipin. Dapat walang bacteria na maaaring makapasok sa iyong gilagid at humantong sa gingivitis at namamagang gilagid.

Hangga’t maaari subukang magsipilyo at mag-floss pagkatapos kumain. Ito ay para alisin ang anumang natitirang particle ng pagkain. Siguraduhing i-brush ang lahat ng sulok ng iyong ngipin, sa harap, likod, gilid, at huwag kalimutang ang iyong mga molar.

Mahalaga rin na mag-floss dahil naaabot ng dental floss ang lahat ng lugar na hindi maabot ng regular na brush. Nakakatulong ito na masiguro na ang lahat ng sulok ng ngipin ay malinis at walang bacteria. 

Tandaan na kapag nag-floss ka, iwasang i-floss pababa sa iyong gilagid. Ang floss ay dapat lamang linisin ang mga gilid ng iyong mga ngipin. Ang pagkuskos ng floss sa iyong gilagid ay maaaring makapinsala sa kanila at magpapalala ng mga bagay kung may namamagang gilagid.

Gumamit ng malambot na toothbrush

Ang uri ng brush na iyong ginagamit ay kasinghalaga ng kung gaano kadalas ka magsipilyo ng iyong ngipin. Sa katunayan, ang paggamit ng mas malambot na sipilyo ay maaaring maging mabisang gamot sa namamagang gilagid.

Kung may namamagang gilagid, ang paggamit ng toothbrush na may matigas na bristles ay hindi maganda. Ito ay dahil ang matigas na bristles ay maaaring makapinsala sa iyong mga gilagid, at posibleng magpalala ng mga bagay. Ang paggamit ng matigas na toothbrush ay maaari ding maging sanhi ng namamaga na gilagid. Mahalaga rin na huwag magsipilyo ng iyong ngipin ng masyadong matigas, at hayaan ang brush at toothpaste na gawin ang trabaho. 

Dagdagan ang pag-inom ng bitamina

Ang bitamina C ay mahalaga sa pagpapanatiling malusog ang iyong gilagid, kaya siguraduhing magkaroon ng sapat na bitamina C araw-araw. Ito ang isa sa pinakamabisang gamot sa namamagang gilagid. 

Makakakuha ka ng sapat na bitamina C sa pamamagitan ng pagkain ng mga sariwang prutas, partikular na sa mga prutas na sitrus, gayundin sa pag-inom ng sariwang katas ng prutas.

Kung mahirap makakuha ng sariwang prutas kung nasaan ka, maaari ka ring pumili ng mga suplementong bitamina C. Ang mga ito ay napaka-convenient at mayroong higit sa sapat na iyong pang-araw-araw na pangangailangan para sa bitamina C. 

Tumigil sa paninigarilyo 

Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng sakit sa gilagid ng mga tao. Kapag naninigarilyo ka, humihina ang immune system ng iyong katawan, kaya mas mahirap labanan ang mga impeksyon, lalo na sa iyong bibig

Bilang karagdagan, ang usok ng sigarilyo ay nakakaapekto sa malusog na paggana ng cells sa iyong gilagid. Nangangahulugan ito na hindi lamang ang iyong mga gilagid ay mas madaling kapitan ng impeksyon dahil sa paninigarilyo, ang kanilang kakayahang gumaling at gumana nang normal ay apektado din.

Karaniwan din sa mga matagal ng naninigarilyo na matanggal ang kanilang mga ngipin dahil sa mga malalang impeksyon. Kaya’t kung ikaw ay naninigarilyo, isa sa pinakamahusay na gamot sa namamagang gilagid ay ang pagtigil sa paninigarilyo sa lalong madaling panahon.

Pumunta sa dentista

Lastly, ang pinaka-epektibong gamot sa namamagang gilagid ay ang pagpunta sa dentista. Makakatulong ang iyong dentista sa paggamot sa anumang dental problems na maaaring mayroon ka. Maaari rin silang magbigay sa iyo ng payo kung paano mas mahusay na pangalagaan ang iyong mga ngipin. Pinakamainam na magkaroon ng regular na paglilinis ng bibig ng isang dental professional tuwing 6 na buwan. 

Kung nagkakaroon ng malubhang problema sa gilagid mo, huwag mag-home remedy. Pinakamabuting bisitahin ang iyong dentista at humingi ng tulong.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Gingivitis – American Dental Association, https://www.mouthhealthy.org/en/az-topics/g/gingivitis, Accessed March 12, 2021

Taking Care of Your Teeth (for Teens) – Nemours KidsHealth, https://kidshealth.org/en/teens/teeth.html, Accessed March 12, 2021

Toothache and Gum Problems | Michigan Medicine, https://www.uofmhealth.org/health-library/tooth, Accessed March 12, 2021

Gums – swollen Information | Mount Sinai – New York, https://www.mountsinai.org/health-library/symptoms/gums-swollen, Accessed March 12, 2021

Gingivitis – Symptoms and causes – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/gingivitis/symptoms-causes/syc-20354453, Accessed March 12, 2021

Kasalukuyang Version

06/20/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Mga Pambihirang Sakit Sa Dila

Bulok na Ngipin: Ano ito, Saan Galing, at Paano ito Nabubuo?


Narebyung medikal ni

Grazielle Millo-Paderes, DDM, MSc

Dentistry · Unihealth-Parañaque Hospital and Medical Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement