backup og meta

Sakit Na Makukuha Sa Maruming Pagkain, Alamin Dito!

Sakit Na Makukuha Sa Maruming Pagkain, Alamin Dito!

Madalas binabalaan ang mga tao na huwag basta-basta kumain ng mga pagkaing nakikita lamang kung saan-saan. Karaniwang halimbawa nito ay ang mga turo-turong mga pagkain. Ito ay marahil maaaring hindi ito naihanda nang malinis at maayos, na maaaring maging dahilan pa ng pagkakaroon ng sakit. Sa artikulong ito, ating alamin at unawain kung ano ang posibleng mga salik ng panganib ng sakit na makukuha sa maruming pagkain. 

Pag-Unawa Sa Sakit Na Makukuha Sa Maruming Pagkain

Ang mga tinatawag na foodborne diseases ay tumutukoy sa sakit na dulot ng kontaminasyon ng pagkain. Ito ay maaaring mangyari anumang yugto ng food production at ng delivery at consumption chain. Bilang karagdagan, maaari rin itong maging resulta ng ilang mga uri ng kontaminasyon sa kapaligiran. Kabilang na rito ang mga sumusunod:

  • Water pollution
  • Air pollution
  • Land pollution
  • Hindi ligtas na food pag-iimbak at pagproseso ng pagkain 

Maraming iba’t ibang mikrobyo, tulad ng mga bacteria, viruses, parasites, maging ang mga chemical substances ang nakapagdudulot ng mga sakit. Ang mga ito ang karaniwang dahilan kung marami ring katumbas na mga impeksyon na maaaring sangkot sa pagkakaroon ng food poisoning.

Karamihan sa mga sakit na ito ay maaaring magpakita bilang mga gastrointestinal issues, bagaman maaari ring magdulot ng neurological, gynecological at immunological symptoms. 

Iba’t Ibang Sanhi Ng Sakit Na Makukuha Sa Maruming Pagkain

Ayon sa World Health Organization (WHO) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC), mayroong mahigit sa 200 na uri ng naturang foodborne diseases. At ilan sa mga karaniwang sanhi ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Salmonella

Isa sa pinakakilalang grupo ng bacteria na nagdudulot ng sakit na makukuha sa maruming pagkain ang salmonella. Ito ay kadalasang nakukuha sa pamamagitan ng pagkain ng hilaw at hindi pa lutong mga itlog. Bukod pa rito, maaari mo rin itong makuha mula sa mga sumusunod:

  • Karne (tulad ng baka at baboy) 
  • Contaminated fruits at vegetables 
  • Raw milk at iba pang mga dairy products na gawa sa unpasteurized milk

Dahil ang naturang bacteria ay maaaring magtagal sa intestinal tract ng mga tao at mga hayop, mabilis itong kumalat sa ibang mga tao. 

Staphylococcus aureus (Staph infection)

Ang Staphylococcus aureus ay karaniwang natatagpuan sa balat, lalamunan, maging nostrils ng mga malulusog na indibidwal. Sinuman ay maaaring magkaroon ng staph infection kapag nailipat ang naturang bacteria mula sa mga kamay patungo sa mga pagkain. Ang mga pagkain na kadalasang nagkakaroon nito ay ang mga karne, manok, salad, at gatas o mga dairy products. 

Escherichia coli (E. coli)

Kabilang sa listahan na ito ng mga sanhi ng sakit na makukuha sa maruming pagkain ang tinutukoy na E. coli. Karaniwan itong nakikita sa mga undercooked meat at hilaw na mga gulay. Ito ay gumagawa ng lason, na tinatawag na Shiga toxin, na siyang nakaiirita ng iyong small intestine. 

Clostridium perfringens (C. perfringens)

Karaniwang natatagpuan ang C. perfringens sa kapaligiran. Dahil dito, maaari itong mabilis na dumami sa ilalim ng mga partikular na kondisyon. Ito ay kinikilala rin sa katawagang “buffet germ” dahil mabilis itong lumaki at lumago sa mga malalaking bahagi ng pagkain.

Campylobacter

Karamihan sa mga kaso ng campylobacteriosis, o ang impeksyon na dulot ng Campylobacter, ay nauugnay sa pagkonsumo ng hilaw o hindi pa lutong manok o karne. 

Ilan sa mga karaniwang sintomas ng mga sakit na makukuha sa maruming pagkain ay kinabibilangan ng pagduduwal at pagsusuka, stomach cramps, at diarrhea (pagtatae). Bagaman sinuman ay maaaring magkaroon ng naturang klase ng kondisyon, mayroon ilang mga tao na mas malaking panganib para rito. Kabilang dito ang mga bata, matatanda, mga taong mahina ang immune system, maging ang mga buntis. 

Key Takeaways

Lahat ng mga pagkain ay posibleng naglalaman ng maliit na bilang ng bacteria. Ngunit, dumadami ang mga ito kapag hindi wasto ang pangangasiwa at pag-iimbak sa mga ito, dahilan para humatong sa sakit. Upang maiwasan ang mga sakit na makukuha sa maruming pagkain, mahalaga ang wasto at ligtas na pangangasiwa, pagluluto, at paghahain, maging ang pagtatago ng mga pagkain. 

Alamin ang iba pa tungkol sa Foodborne Infections dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Foodborne diseases, https://www.who.int/health-topics/foodborne-diseases#tab=tab_1, Accessed August 26, 2022

Foodborne Germs and Illnesses, https://www.cdc.gov/foodsafety/foodborne-germs.html, Accessed August 26, 2022

Food Poisoning, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/21167-food-poisoning, Accessed August 26, 2022

Most Common Foodborne Pathogens, https://www.eatright.org/homefoodsafety/safety-tips/food-poisoning/most-common-foodborne-pathogens, Accessed August 26, 2022

What You Need to Know about Foodborne Illnesses, https://www.fda.gov/food/consumers/what-you-need-know-about-foodborne-illnesses, Accessed August 26, 2022

Kasalukuyang Version

10/03/2024

Isinulat ni Fiel Tugade

Narebyung medikal ni Hello Doctor Medical Panel

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Uri Ng Gastroenteritis: Ano Ang Pinagkaiba Ng Viral Sa Bacterial Gastroenteritis?

Gamot sa Diarrhea: Alamin Dito!


Narebyung medikal ni

Hello Doctor Medical Panel

General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement