brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Snack para sa may diabetes: Heto ang dapat mong subukan

Gusto ng lahat ng matamis na pagkain paminsan-minsan. Bukod sa masarap na lasa, ang asukal ay naglalabas ng mga kemikal sa ating utak na nagpapasaya sa atin, tulad ng serotonin. Nakahuhumaling din ang mga ito dahil nag-uudyok sila ng paglabas ng dopamine, na naghihikayat sa atin na ulitin ang mga kapaki-pakinabang na pag-uugali. Ang pagkakaroon ng diabetes ay hindi dapat hadlang sa iyo na kumain ng matatamis na pagkain o snack paminsan-minsan. Sa katunayan, may mga tip sa pagluluto na maaaring gamitin upang gumawa ng mga snack para sa may diabetes. Bago natin tingnan ang mga tip na ito, i-refresh natin ang iyong memorya tungkol sa kung ano ang diabetes at kung paano ito nakaaapekto sa katawan.

Snack para sa may diabetes: Heto ang dapat mong subukan

Ano ang diabetes?

Kapag tayo ay kumakain, ito ay nagiging enerhiya dahil natutunaw ang asukal, na tinatawag na glucose. Tumataas ang lebel ng asukal sa dugo kaya nagpapahiwatig ito sa pancreas na maglabas ng insulin, na nagpapahintulot sa glucose na makapasok sa mga selula at magamit bilang enerhiya. Ngunit kapag mayroong diabetes, hindi nakagagawa ng sapat na insulin o hindi nagagamit nang wasto ang insulin .

Ang kakulangan ng insulin o isang problema sa kung paano ginagamit ng mga cell ang insulin ay maaaring magresulta sa sobrang asukal sa daluyan ng dugo. Ito ay maaaring humantong sa sakit sa puso, pagkawala ng paningin, o kahit na sakit sa bato. Wala pang lunas, ngunit may mga paraan upang pamahalaan ang kondisyong ito. Kabilang dito ang pagbabawas o pagpapanatili ng timbang, malusog na pagkain, pisikal na aktibidad, pamamahala sa sarili, suporta, at pagsunod sa mga utos ng doktor. Dahil dito, ang paggawa ng meryenda para sa mga diabetic ay mangangailangan ng kaunti pang paghahanda at pagpaplano.

Uri ng Diabetes

Ang type 1 diabetes ay tumutukoy sa isang autoimmune reaction na pumipigil sa katawan sa pagbuo ng insulin. Ito ay kadalasan sa mga bata, kabataan, at mga young adult. Samantala, ang type 2 diabetes naman ay kapag ang insulin ay hindi nagagamit nang maayos. Nahihirapang panatilihing normal ang mga antas ng asukal sa dugo ang mga taong may ganito. Mas madalas itong nakaaapekto sa mga matatanda.

Paano ako gagawa ng snack para sa may diabetes?

Ang pagsunod sa isang malusog na plano sa pagkain ay mahalaga para sa mga diabetic. Karaniwang kinabibilangan ito ng mga gulay, prutas, butil, protina, nonfat o low-fat dairy, at mga taba na malusog sa puso. Dapat din nilang iwasan ang mga pritong pagkain o ang may trans o saturated fats gayundin ang maaalat na pagkain, matamis na pagkain at matatamis na inumin.

Anong mga alternatibo ang magagamit para sa pagluluto ng mga pagkaing pang-diabetes?

Ilang sa mga recipe ay maaaring iakma upang maging angkop sa mga taong may diabetes.

Harina

Sa halip na plain white, subukang gumamit ng wholemeal flour, na naglalaman ng mas maraming fiber at nakatutulong sa kalusugan ng bituka at cardiovascular. Maaari din itong makatulong sa pagkabusog mo kahit na sa mas maliliit na bahagi, na dahilan upang umangkop na alternatibo sa paggawa ng mga snack para sa mga diabetes. Hindi natutunaw ng katawan ang fiber at kaya hindi ito nakakapagpataas ng asukal sa dugo tulad ng ginagawa ng ibang carbohydrates. Tumutulong din ang fiber na pigilan ang katawan na sumipsip ng taba at kolesterol, sa gayon ay nagpapababa ng mga antas ng triglyceride at kolesterol. Nakatutulong din itong alisin ang iyong digestive tract ng bacteria at buildup. Sa ganitong paraan, binabawasan ng fiber ang iyong panganib na magkaroon ng colon cancer.

Mantikilya

Ang mas mura at malusog na alternatibo ay langis. Para makabawi sa lasa at texture, maaari kang magdagdag ng tubig, skimmed milk, plain Greek yogurt o mashed na saging. Huwag matakot na mag-eksperimento sa dami ng recipe sa pastry. Ito ay partikular na mahalaga sa paggawa ng meryenda para sa mga diabetic, dahil ang mga may diabetes ay dalawang beses na mas malamang na magdusa ng sakit sa puso.

Asukal

Hindi isang sapat na kapalit ang mga sweetener para sa mga recipe tulad ng mga cake. Sa halip, subukan na gawing matamis ang pastry sa pamamagitan ng mga prutas. Nag-aambag din ito sa paggamit ng fiber sa bawat araw. Ang sariwang prutas ay maigi.

Mahalagang Tandaan

Ang paggawa ng matamis na snack para sa may diabetes ay posible; kailangan lang ng kaunting pagpaplano at paghahanda. Ang pamumuhay na may ganitong mahirap na kondisyon ay hindi kailangang maging mahigpit o masalimuot. Gamit ang mga tip sa pagluluto na nabanggit, maaari nilang ma-satisfy ang kanilang craving.

Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.

 

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o panggamot.

expert
Dexter Macalintal, MD
Narebyu ng Eksperto
Internal or General Medicine
Isinulat ni Marenila Bungabong · Na-update noong Kahapon