Madalas nating makita sa palengke, supermarket, at kahit sa kanto ng inyong kalsada ang orange. Kamakailan nga ay nag-viral ulit ang prutas na ito sa isang video na kung saan ay tinawag itong Sharmaine ng isang bata! Ganun ka-popular ang mga orange.
Madalas nating makita sa palengke, supermarket, at kahit sa kanto ng inyong kalsada ang orange. Kamakailan nga ay nag-viral ulit ang prutas na ito sa isang video na kung saan ay tinawag itong Sharmaine ng isang bata! Ganun ka-popular ang mga orange.

Pero alam mo ba na bukod sa sarap nito, ang orange ay puno rin ng nutrients na may kakayahang protektahan ang ating kalusugan mula ulo hanggang paa?
Ang orange ay citrus fruit na nanggaling sa Southeast Asia pero ngayon ay kilala na sa buong mundo. Maraming uri nito; may Valencia orange na matamis, Navel orange na walang buto, at blood orange na may kulay pulang laman. Sa Pilipinas, madalas nating makita ang mga local variety na affordable at sariwa.
Pero bakit espesyal ang orange? Una, madali lang itong kainin. Hindi mo kailangan ng kutsilyo dahil babalatan mo lang ito at puwede mo nang kainin. Pangalawa, maraming paraan ng pagkain ng orangeg. Pwede kainin ang prutas mismo, gawing juice, isama sa salad, o kahit sa dessert. At pangatlo, may tamis na ito kaya hindi mo na kailangan ng dagdag na asukal para maging masarap. Perfect rin itong healthy snack para sa mga busy at on-the-go!
Napansin mo ba na kahit bata o matanda, maraming gustong kumain ng orange? May dahilan ‘yan. Para sa mga bata, ang tamis at kulay nito ay nakakaengganyo. Para naman sa mga health-conscious adults, alam nila na low-calorie siya pero punong-puno ng vitamins at minerals.
Okay din ang orange sa halos lahat ng diet types. Kung vegetarian ka, vegan, o sumusunod sa Mediterranean diet, walang problema ang orange. Diabetic-friendly rin siya when eaten in moderation dahil may natural fiber na tumutulong sa control ng blood sugar. Kaya nga, mula sa mga athlete hanggang sa mga seniors, lahat ay pwedeng mag-enjoy ng benepisyo nito.

Alam mo ba na isang medium-sized orange ay may halos 70 milligrams ng vitamin C? That’s more than what most adults need in a day! Ang vitamin C ay essential para sa immune system, wound healing, at production ng collagen sa balat .
Bukod sa vitamin C, ang orange ay may vitamin A din na importante para sa mata at healthy skin 5. Mayroon din itong potassium; isang mineral na tumutulong sa proper muscle function at blood pressure regulation. At syempre, hindi mawawala ang dietary fiber na nasa 3 grams per orange. Ang fiber na ito ay crucial para sa digestive health at nagbibigay ng feeling of fullness na makakatulong sa weight management.
But wait, there’s more! Ang orange ay loaded din ng antioxidants gaya ng flavonoids, carotenoids, at ascorbic acid. Ano ba ang ginagawa ng mga antioxidants? Simple lang; sila ay parang bodyguards ng cells mo, protecting them from damage caused by free radicals.
Ang free radicals ay unstable molecules na maaaring mag-cause ng oxidative stress, na linked sa various chronic diseases tulad ng heart disease, cancer, at premature aging. Kaya by eating oranges regularly, binibigyan mo ang katawan mo ng natural defense mechanism against these harmful substances. Hindi ba ang galing?
Siguro narinig mo na sa lola mo: “Kumain ka ng orange para hindi ka magkasipon.” Well, may scientific basis ‘yan! Ang vitamin C sa orange ay crucial para sa proper functioning ng immune system 5. Tumutulong ito sa production at function ng white blood cells, na mga sundalo ng katawan natin laban sa infections.
Regular intake ng vitamin C ay maaaring magpaikli ng duration ng common cold symptoms, though hindi siya totally preventive measure 5. Pero still, mas mabuti nang prepared ang immune system mo, especially during rainy season dito sa Pilipinas when flu and colds are rampant. Ang maganda pa, ang vitamin C ay water-soluble, meaning hindi nag-accumulate sa body at kailangan ng regular replenishment through diet.
Aside from vitamin C, ang iba pang antioxidants sa orange; like hesperidin at naringenin; ay may anti-inflammatory properties din. Ibig sabihin, tumutulong sila na bawasan ang inflammation sa katawan, which is often associated with infections at chronic diseases.
May studies pa nga na nagpapakita na ang regular consumption ng citrus fruits ay linked sa lower risk ng certain infections. Parang nag-invest ka sa health insurance, pero natural at masarap pa. Kaya next time na may binat ka or pakiramdam mong papasok na sakit, grab an orange!
Ang potassium sa orange ay may important role sa heart health, particularly sa regulation ng blood pressure. How? Ang potassium ay tumutulong na counterbalance ang negative effects ng sodium (salt) sa katawan. Kung mataas ang sodium intake mo, ang potassium ay tumutulong na i-flush out ang excess salt through urine, which then helps lower blood pressure.
Para sa mga Pilipino na mahilig sa maalat na pagkain tulad ng daing at tuyo, ang orange ay pwedeng makatulong upang makontrol ang iyong blood pressure. Pero syempre, hindi pa rin dapat sumobra ang pagkain ng maalat; moderation is key ika nga nila.
Ang antioxidants sa orange, especially flavonoids, ay nakakatulong din sa heart health by improving blood vessel function at reducing inflammation. May research na nagpapakita na ang regular consumption ng citrus fruits ay associated with reduced risk ng cardiovascular disease.
Ang flavonoids ay tumutulong na relax ang blood vessels, which improves blood flow at reduces strain sa heart. Plus, ang fiber content ng orange ay nakakatulong din na lower ang LDL kolesterol (yung “bad” cholesterol) na maaaring mag-cause ng plaque buildup sa arteries. So parang double protection for your heart!
Constipation ba ang problema? Orange might be your solution! Ang 3 grams ng fiber per orange ay tumutulong sa digestive tract na mag-function smoothly. May dalawang type ng fiber ang orange—soluble at insoluble.
Ang soluble fiber ay tumutulong na soften ang stool, making it easier to pass. Ang insoluble fiber naman ay nagdadagdag ng bulk sa stool at tumutulong sa faster movement through the intestines. Combination ng dalawa ay perfect formula para sa regular bowel movements. No more suffering sa banyo, guaranteed!
But fiber doesn’t just help with pooping (though that’s super important). Ang fiber ay tumutulong din sa growth ng beneficial gut bacteria sa digestive system natin. Mahalaga ang good bacteria na ito sa nutrient absorption, immune function, at kahit sa mental health natin.
Plus, ang presence ng fiber ay tumutulong na slow down ang digestion, which means mas stable ang blood sugar levels mo throughout the day. Walang sudden spikes and crashes na nagdudulot ng hunger pangs at mood swings. Steady lang!
Generally safe ang 1-2 medium oranges per day para sa karamihan ng tao 2. Sapat na yan para makuha mo ang vitamin C na kailangan mo without overdoing it. Pero kung may specific health conditions ka like kidney problems, better consult your doctor first dahil ang sobrang potassium ay maaaring problematic.
Yes! Ang buong orange ay mas recommended kasi kasama mo nakukuha ang fiber, which is lost kapag nag-juice 2. Ang juice ay concentrated source ng sugars din, so mas mabilis ang absorption nito, potentially causing blood sugar spikes. Kung gusto mo talaga ng juice, okay lang occasionally, pero prioritize eating the whole fruit.
Kung may GERD (acid reflux) ka or sensitive stomach, ang citrus fruits like orange ay maaaring mag-trigger ng symptoms 5. Start with small amounts muna. For people taking certain medications, particularly some blood pressure or cholesterol drugs, consult your doctor kasi pwedeng may interaction. At kung allergic ka sa citrus, pasensya na at kailangan mong umiwas sa pagkain nito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Kasalukuyang Version
06/02/2026
Isinulat ni Jan Alwyn Batara
Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara