brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Safety Tips Kapag May Bagyo, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na madalas makaranas ng bagyo. Hindi rin maitatanggi na kilala ang mga Pilipino sa karaniwang nakakaranas ng iba’t ibang trahedyang dulot ng bagyo gaya ng pagkawala ng ari-arian, at pagkawala ng mahal sa buhay. Ipinapayo sa lahat ng mga Pilipino na alamin ang safety tips kapag may bagyo upang maiwasan ang mga kapahamakan na dala ng kalamidad.

Safety Tips Kapag May Bagyo, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Basahin ang artikulong ito para sa mga mahahalagang impormasyon tungkol sa tips para maging ligtas sa panahon ng bagyo.

Safety Tips Kapag May Bagyo

Tip #1: Manood ng mga napapanahong balita at sikaping maging updated

Mahalaga na maging informed tayo sa panahon ng kalamidad para malaman natin ang kasalukuyang sitwasyon ng ating bansa at lugar na tinutuluyan. Maaari kang makinig sa radyo o kaya manood sa telebisyon para sa mga babala at anunsyo tungkol sa bagyo.

Habang kayo ay may kuryente pa sikapin na i-charge ang lahat ng gadgets gaya ng cellphone upang magamit ito sa pagkontak at pakikibalita. Gayunpaman, iwasan na maniwala sa mga maling balita na mula sa mga hindi lehitimong sites at tao para maiwasan ang pagkalito at pagkakalat ng fake news na pwedeng ikapahamak ng tao.

https://hellodoctor.com.ph/fil/healthy-habits-fil/pangunang-lunas/first-aid-tips/

Tip #2: Paghahanda ng emergency kit

Dapat laging mayroong emergency kit sa bahay upang maging handa sa kalamidad at sa mga aksidente at sakit na pwedeng maranasan. Kilala ang Pilipinas na isa sa mga bansa na napakadalas makaranas ng pagbaha dahil sa bagyo, kaya ang pagkakaroon ng emergency kit ay isang malaking tulong para matugunan ang mga problema na maaaring kaharapin dahil sa bagyo.

Sa paghahanda ng emergency kit maaaring buuin ito nang pangongolekta ng mga sumusunod na kagamitan. Narito ang mga sumusunod:

Tip #3: Pag-alam sa kasalukuyang signal at lokasyon ng bagyo

Mahalaga na malaman ang lokasyon ng bagyo upang mas makapag-ingat. Dahil ang mata ng bagyo ay maituturing na delekado, lalo na kung super typhoon ito. Ang mga lugar kung nasaan ang mata ng bagyo ay karaniwang nakakaranas ng biglang pagtigil ng hangin at ulan, at pagkakaroon ng kalmadong paligid. Subalit, ang pangyayari na ito ay hudyat na pagkaraan ng halos 2 oras ay babalik ang mas malalakas na ulan at hangin.

Tip #4: Paglikas sa tahanan lalo na kung kinakailangan na

Sa panahon ng bagyo madalas ay nakakabalita tayo ng mga ulat ng mga namatay dahil sa pagkalunod at iba’t ibang paraan ng pagkamatay na resulta ng kalamidad. Huwag maging matigas ulo kapag sinabi ng mga awtoridad na lumikas na sa iyong tahanan lalo’t mapanganib na para sa inyo ang pananatili sa lugar na ito. 

Huwag mong kalimutan na bitbitin ang iyong emergency kit at i-secure ang bahay habang may pagkakataon pa. Patayin ang kuryente ng tahanan at hugutin ang lahat ng mga nakasaksak para maiwasan ang pagkakaroon ng kuryente ng tubig-baha.

Tip #5: Pananatili sa tahanan kung hindi kailangan ng iyong pamilya na lumikas

Ipinapayo ang pananatili sa inyong tahanan lalo na kung ligtas naman ang iyong bahay mula sa bagyo. Ang pananatili sa tahanan ay makakatulong para makaiwas ka sa mga sakit at ma-stranded sa mga lugar na maaaring tamaan ng malakas na bagyo.

Key Takeaways

Tandaan na hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangangahulugang wala nang panganib sa isang bansa kapag lumabas na ang bagyo sa ating hangganan. Kinakailangan na manatili kang alerto sa aftermath ng bagyo para maiwasan ang trahedya at pagkakasakit.
Sikapin din na bago pa man magkaroon ng bagyo ay may listahan ka ng emergency numbers para makahingi ka ng tulong sa panahon na kailangan mo at ng iyong pamilya. Isa itong mabuting hakbang para makapagligtas ng tao sa panahon ng kalamidad at trahedya.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong 3 araw na ang nakalipas