Ang puso ng tao ay isang misteryo gaya ng lahat ng iba pang bahagi ng katawan. Marami pang mga gamot para sa mga kondisyon ng puso ang hindi pa naiimbento ng mga siyentista. Marami pa ring tech-advanced treatment ang hindi pa nagagawa. Marahil, may mga sakit din sa puso na naghihintay pang matuklasan. Mula sa mga bagay na ito na hindi pa natin alam, pag-usapan naman natin ang ilan sa mga nakagugulat na kaalaman tungkol sa puso ng tao na maaaring hindi mo pa alam.
Nakagugulat at Kawili-wiling Kaalaman Tungkol sa Puso ng Tao
1. Ang open-heart surgery ay unang naisagawa noong 1893.
Ang unang open-heart surgery ay nangyari noong 1893. Isinagawa ito ni Dr. Daniel Hale Williams, isa sa mga pinakakilalang cardiologists sa Estados Unidos sa panahong iyon.
2. Ang unang taong nakatanggap ng pacemaker ay nabuhay nang hanggang 86 taong gulang
Ang unang pacemaker ay nai-implant noong 1958 sa isang taong nagngangalang Arne Larsson. Nabuhay siya hanggang edad 86, na mas matagal pa sa buhay ng kanyang surgeon. Namatay siya sa isang medikal na kondisyong walang kinalaman sa puso.
3. Ang “Broken Heart” ay hindi lamang isang parirala mula sa isang love song
Isang lehitimong medikal na kondisyon ang broken heart syndrome. Ang mga sintomas nito tulad ng hindi makahinga at pananakit ng dibdib ay halos pareho sa mga nakaranas na ng cardiac arrest.
Gayunpaman, may isang malinaw na pagkakaiba ang dalawang ito. Ang atake sa puso ay dulot ng sakit sa puso. Sa kabaliktaran, ang broken heart syndrome ay dulot ng pagdagsa ng stress-related hormones sa daluyan ng dugo, dulot ng pisikal at emosyonal na pressure.
Ito ang gumagawa ng shock effect sa puso, na nauuwi sa temporary heart attack. Kapag may broken heart, maaaring gumaling ang isang tao sa loob ng isang araw na may pahinga at pag-aalaga. Samantala, may pangmatagalang epekto sa lifestyle at diet ang atake sa puso.
4. Ang pagtawa nga ang pinakamabisang gamot sa puso ng tao.
Isa sa pinakamagandang kaalaman tungkol sa puso ng tao ay kung paano nakatutulong ang kagalakan sa ating puso.
Ang pagtawa – kapag hinahawakan mo na ang tiyan mo habang tumatawa, ay pinaniniwalaang sanhi ng mabilis na pagdaloy ng dugo sa buong katawan.
Hindi na nakagugulat kung bakit mas maganda ang sirkulasyon ng ating dugo kapag nanonood tayo ng comedy o stand up comic show. Bukod sa nakokontrol ang stress, nare-relax at napaluluwag ng pagtawa ang wall lining ng mga blood vessel, na nagpapaganda ng daloy ng dugo. Kaya’t tumawa nang tumawa nang mas madalas!
5. Nagpa-pump ang ating puso ng 2,000 galon ng dugo sa halos 100,000 na tibok kada araw
Hindi tumitigil sa pagtatrabaho ang ating puso sa buong araw upang mag-pump ng 2,000 galon ng dugong mayaman sa oxygen sa halos 100,000 na tibok araw-araw.
Dagdag pa, kaya nitong mag-pump ng dugo sa bawat cell sa ating katawan sa loob ng isang minuto. Ibig sabihin, sakop nito ang 60,000 milya ng malalaki at makikipot na blood vessel sa loob lamang ng isang minuto. Ang mga blood vessel na ito ang nag-uugnay sa puso sa mga cell sa buong katawan.
6. Ilabas ang baso ng wine para sa malusog na puso
Ang isang baso ng wine araw-araw ay pinaniniwalaang may magandang dulot sa puso. Ngayon, napag-alamang ang white wine ay may kaparehong benepisyo sa puso ng tao. Ang purple na balat ng ubas, na ginagamit sa paggawa ng red wine, ay mayaman sa antioxidants.
Tinatanggal ang balat ng ubas habang ginagawa ang white wine, kaya’t naniwala ang mga siyentista at mananaliksik na ang red wine lamang ang may taglay ng mga benepisyo sa puso. May cardio-protective compounds ang pulp ng grapefruit na isang sikretong sangkap sa mga white wine. Ngayong naisiwalat na ang maling paniniwala, uminom na ng nais mong wine at hayaang ma-relax ang iyong puso.
7. Sa medical terms, ang “big heart” ay kaiba sa ating pagkakaunawa dito
Ang malaki o lumaking puso ay indikasyon ng isang underlying medical condition ng puso. Halimbawa, nangyayari ang cardiomyopathy kapag ang mga chamber ng puso ay na-stretch nang higit sa karaniwan.
Nagdudulot ito ng masamang epekto sa kakayahang mag-pump ng puso. Nagbibigay ito ng sobrang pressure upang magpadaloy ng dugo sa lumaking mga bahagi ng puso. Hindi lang ‘yan. Inaalisan nito ang iba pang organ ng katawan na makatanggap ng sapat na suplay ng dugo. Kapag nagkulang sa tamang gamutan, maaaring magdulot ito ng pagpalya ng puso.
8. Naka-align ang tibok ng puso ng tao sa tibok ng puso ng kabayong hinawakan nito
Nalaman ng mga mananaliksik na kapag hinawakan ng tao ang isang kabayo, nagiging magkasabay ang tibok ng puso ng kabayo sa tibok ng puso ng taong humawak dito. Iniisip pa ng mga siyentista kung magagamit ba ito sa pagsukat ng stress hormones ng mga tao na may mga sakit sa puso.
Papunta na rin sila sa pag-uulit ng parehong pananaliksik sa mga service dogs. Sunod, pag-aaralan ng mga mananaliksik ang mga service dog upang mas magtugma ang mga ito sa mga tao.
9. May kaunting pagkakaiba ang mga sintomas ng atake sa puso sa pagitan ng mga babae at lalaki
Kaiba sa paniniwala ng marami na sakit ng mga lalaki ang sakit sa puso, dumaranas din nito ang mga babae. Gayunpaman, may ilang pagkakaiba ang mga sintomas bago ang atake sa puso sa mga lalaki kumpara sa mga babae.
Ang mga karaniwang sintomas sa babae at lalaki ay pagduduwal, pagkahilo, tightness, kakapusan sa paghinga, at pananakit ng dibdib. Mayroon ding iba pang senyales na mayroon lamang sa mga babae. Ito ang pagsusuka, hindi matunawan, hindi makahinga, pananakit ng dibdib na may naiibang intensidad, at pananakit ng panga, balikat, at likod.
Ang dahilan ng pagkakaiba ng mga sintomas na ito ay dahil sa magkakaibang laki ng puso ng mga lalaki at babae. Kung tumitimbang ng average na 10 ounces ang puso ng lalaki, 8 ounces naman ang mga babae. Kaya naman hindi masyadong halata ang mga sintomas.
10. Nakababawas ng coronary heart disease ang orgasm
Sa isang British-based na pag-aaral sa 2,500 na ang mga healthy na lalaki sa pagitan ng edad 49 at 54 ay nalamang ang pagkakaroon ng orgasm nang hindi bababa sa 3 beses kada linggo ay nakababawas ng panganib ng pagkamatay mula sa coronary heart disease nang napakalaking 50%.
Higit pa dyan, isang kamangha-manghang pantanggal ng stress ang sex acts bilang magandang workout na nakasusunog ng calories. Ang isang aktibong sesyon ay maaaring magpadoble ng heart rate at maglusaw ng hanggang 200 calories.
May pareho itong bisa sa 15-minutong pagtakbo, na nakababawas ng panganib ng mga sakit sa puso sa mga lalaki. Gayunpaman, hindi pa rin tiyak ang epekto ng orgasm at sex sa puso ng mga babae hanggang sa kasalukuyan. Ang mga kondisyong pangkalusugan na indikasyon ng kakulangan sa sexual health tulad ng erectile dysfunction ay maaaring maging senyales ng atake sa puso ng mga 5 taon in advance.
May mga nais ka bang ibahaging kaalaman tungkol sa puso ng tao? Ipaalam sa amin sa comment section!
Matuto pa tungkol sa Pangkalahatang Kaalamang Pangkalusugan dito.