backup og meta

Pabalik-Balik Na Hemorrhoids: Paano Mapamahalaan

Pabalik-Balik Na Hemorrhoids: Paano Mapamahalaan

Ang hemorrhoids o almoranas ay problemang nakakaapekto sa milyun-milyong tao sa buong mundo. Kahit ginagamot ito, maraming tao ang nakakaranas ng pabalik-balik na hemorrhoids. Bakit nangyayari ito, at ano ang magagawa ng mga tao upang matiyak na hindi na babalik ang kanilang mga almoranas?

Ano Ang Nagdudulot Ng Pabalik-Balik Na Hemorrhoids?

Sa kabila na ang hemorrhoids ay nagagamot at kadalasang nawawala pagkaraan ng ilang panahon, medyo karaniwan para sa kanila na bumalik. Nangyayari ito dahil sa dalawang dahilan: 

Constipation

Ang constipation o paninigas ng dumi ay isa sa mga pangunahing sanhi ng almoranas. Ang taong constipated ay kailangan ng extra effort para makadumi. Dahil dito, may dagdag na pressure sa mga ugat ng tumbong, na nauuwi sa hemorrhoids.

Kung ang almoranas ay nawala pagkaraan ng ilang panahon, ngunit ang tao ay constipated pa rin, malaki ang posibilidad ng pabalik-balik na hemorrhoids.   

Pinipilit ang Pagdumi

Ang ilang mga tao, kahit na hindi constipated ay may ugali na pinipilit ang pagdumi. Maaaring harmless ito, pero pwede itong magdagdag ng risk na magkaroon ng almoranas, gayundin ng pabalik-balik na hemorrhoids.

Matagal na nakaupo sa toilet 

Sa panahong ito, karaniwan na sa mga tao ang magtagal sa pag-upo sa banyo. Ito ay lalo na kung gamit nila ang kanilang smartphone. Kung minsan, ito ay nakakatulong na magpalipas ng oras, at ang ilang mga tao ay gustong may tinitingnan kung nasa toilet sila.

Gayumpaman, kung masyado kang matagal na nakaupo, kahit na hindi ka nadudumi, maaaring dinadagdagan mo ang tyansa ng pabalik-balik na hemorrhoids.

Ang dahilan ay nagdudulot ng dagdag na pressure sa tumbong ang matagal na pag-upo sa toilet. Kaya kahit na hindi mo pinipilit kapag dumudumi, ngunit nakaupo ka nang matagal sa banyo, maaari itong maging sanhi ng pabalik-balik na hemorrhoids.

Pabalik-balik na Hemorrhoids: Ano Ang Maaari Mong Gawin?

Upang maiwasan ang pabalik-balik na hemorrhoids, heto ang mga dapat tandaan:

Kumain ng fiber-rich diet

Siguruhin na may sapat na fiber ang iyong diet. Nakatutulong ang fiber upang madali kang makadumi, at maiwasan ang constipation. Piliin ang mga pagkain tulad ng oats, grains, sariwang mga prutas at berdeng madahong gulay. Bawasan ang pagkain ng mga naprosesong pagkain.

Mag-ehersisyo araw-araw

Ang ehersisyo ay maaaring makatulong sa constipation at sa pabalik-balik na hemorrhoids. Ito ay dahil ang physical activity ay nakatutulong na mag-stimulate ng pagdumi. Kasama rin ang maraming fiber sa diet mo, dapat ay wala ng problema sa constipation at almoranas.

Mag-ehersisyo nang hindi bababa sa 30 minuto bawat araw upang makuha ang buong benepisyo para sa iyong kalusugan.

Gumamit ng squat toilet

Ang squat toilets ay maaaring mukhang hindi komportable sa una, ngunit ang mga ito ay talagang makakatulong sa iyo na makadumi nang mas mabilis at nang hindi pinipilit. Ito ay dahil ang katawan ay naaayon sa squatting position. Nakatutulong ito sa madaling pagdumi.

Kung hindi ka pa handa na palitan ang regular toilet mo ng squat toilet, maaari kang bumili ng iba’t ibang mga platform. Nagbibigay-daan ito sa iyong mag-squat sa isang sitting toilet. Ang mga ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang at medyo mura at sa pag-iwas sa pabalik-balik na hemorrhoids. 

Magpa-opera

Panghuli, maaari kang magpasyang magpaopera para maalis ang iyong almoranas. Ang hemorrhoidectomy ay may napakababang panganib ng pag-balik. Kaya maaaring mainam ito kumpara sa alternatibo tulad ng rubber band ligation.

Gaya ng nakasanayan, pinakamahusay na makipag-usap sa iyong doktor tungkol dito dahil matutulungan ka nilang malaman kung ano ang pinakamainam para sa iyong sitwasyon.

Matuto pa tungkol sa Almoranas dito.

[embed-health-tool-bmr]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Haemorrhoids: an update on management, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC5624348/#:~:text=In%20most%20studies%2C%20recurrence%20is,banding%20or%20by%20surgical%20intervention., Accessed January 7, 2021

Hemorrhoids and what to do about them – Harvard Health, https://www.health.harvard.edu/diseases-and-conditions/hemorrhoids_and_what_to_do_about_them, Accessed January 7, 2021

Hemorrhoids Treatment, Symptoms, Causes, Prevention, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/15120-hemorrhoids, Accessed January 7, 2021

Hemorrhoids: Expanded Version | ASCRS, https://fascrs.org/patients/diseases-and-conditions/a-z/hemorrhoids-expanded-version, Accessed January 7, 2021

Hemorrhoids | Patient Education | UCSF Health, https://www.ucsfhealth.org/education/hemorrhoids, Accessed January 7, 2021

Piles (haemorrhoids) – NHS, https://www.nhs.uk/conditions/piles-haemorrhoids/, Accessed January 7, 2021

Kasalukuyang Version

02/13/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Gamot sa almoranas: Heto ang mga dapat mong subukan

Anu-Anong Mga Pagkain Ang Bawal Sa Almoranas?


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement