


Ang cholesterol ay fatty, waxy na substance na nasa cells ng katawan ng pasyente. Pareho ang nakikita sa ilang mga pagkain, lalo na sa dairy product at karne. Ginagamit ito ng katawan upang gumawa ng cells, ngunit ang sobra nito ay maaaring maging sanhi ng maraming mga problema sa kalusugan ng mga bata at matanda. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ano ang normal cholesterol range, maging ang komplikasyon ng mataas na lebel ng cholesterol.
Alam natin na ang sobrang cholesterol ay masama, ngunit paano natin malalaman kung sobra na? Bago tayo magtungo riyan, mainam na malaman muna ang iba’t ibang uri ng cholesterol:
LDL (Bad Cholesterol). Ang low-density lipoprotein ay ang uri ng cholesterol na namumuo at gumagawa ng harang sa arteries ng pasyente.
HDL (Good Cholesterol). High-density Lipoprotein ay nag-a-absorb at nagpapadala ng cholesterol pabalik sa atay, na nagiging sanhi ng pagtanggal ng nasabing cholesterol mula sa katawan.
Non-HDL. Ang kabuuang cholesterol ng pasyente minus ng kabuuang dami ng HDL cholesterol sa dugo ng pasyente.
Total Cholesterol. Ito ay simpleng tumutukoy sa kabuuang dami ng cholesterol ng pasyente, kabilang ang LDL at HDL.
Ngayon, ano ang normal cholesterol range sa dugo? Ang normal o malusog na cholesterol ay iba-iba base sa kasarian at edad. Gayundin, ang numero ng cholesterol ay nasusukat sa milligrams per deciliter (mg/dL). Sa kabuuan, kahit na sinong pasyente na may lebel ng cholesterol ay maaaring ikonsidera bilang normal kung ang cholesterol numbers ay nasa mga sumusunod na ranges:
Indibidwal na edad 19 pababa, kahit na anong kasarian:
| Total Cholesterol |
|---|
Less than 170mg/dL
Non-HDL
Mas mababa sa 120mg/dL
LDL
Mas mababa 100mg/dL
HDL
Mas higit 45mg/dL
Mga lalaking edad 20 or mas matanda:
| Kabuuang Cholesterol | 125 to 200mg/dL |
|---|---|
| Non-HDL | Mas mababa sa 130mg/dL |
| LDL | Mas mababa sa 100mg/dL |
| HDL | 40mg/dL o mas mataas |
Mga babaeng edad 20 or mas matanda:
| Total Cholesterol | 125 to 200mg/dL |
|---|---|
| Non-HDL | Mas mababa sa 130mg/dL |
| LDL | Mas mababa sa 100mg/dL |
| HDL | 50mg/dL o mas mataas |
Ang pagkakaroon ng sobrang cholesterol o hindi pagkakaroon ng sapat na tiyak na uri ng cholesterol (na HDL) ay maaaring magresulta sa seryosong problema sa kalusugan. Ang pinaka talamak na isyu na nakikilala mula sa hindi malusog na lebel na cholesterol ay kinilala bilang:
Atherosclerosis. Ito ay kondisyon na nangyayari kung ang blood vessels ng katawan ng pasyente ay tumigas, na nasa puntong nakahaharang sa daloy ng dugo. Kilala ang Atherosclerosis bilang tiyak na uri ng atherosclerosis; gayunpaman, tumutukoy ang atherosclerosis sa tiyak na pagdami ng cholesterol at fat (o plaque) sa bahagi ng artery walls. Nagpapataas ito ng banta sa pasyente na magkaroon ng blood clots. Ang kondisyon na ito ay nakaaapekto sa arteries ng pasyente kahit saan sa katawan.
Hypercholesterolemia. Kilala rin ito bilang mataas na cholesterol. Ang mga sintomas ay hindi karaniwang nakikita sa pasyente hanggang ang atherosclerosis ay naging sanhi ng malalang pagkitid ng arteries. Ang karaniwang sintomas ay angina, isang uri ng sakit na sanhi ng pagbawas ng daloy ng dugo sa puso. Kabilang ang ibang sintomas na pagbawas ng supply ng dugo sa utak at ibang organs at ang banta ng pagkakaroon ng coronary artery disease, na sanhi ng harang sa coronary arteries.
Ang pinaka-reliable na paraan upang makaiwas sa problemang kaugnay ng cholesterol ay sundin ang masustansyang diet na mababa sa kabuuang cholesterol at LDL. Kailangang mag-complement ito sa pang-araw-araw na ehersisyo, maging ang regular na check-ups upang tignan ng doktor kung ang iyong lebel ng cholesterol ay nasa normal range. Mainam din na iwasan ang tiyak na pagkain, tulad ng processed foods (lalo na ang mga naglalaman ng saturated fats) at pumili ng sariwang pagkain.
Konsultahin ang iyong doktor para sa cholesterol-managing medication, dahil mahalaga ang payo upang maiwasan ang banta ng stroke at problema sa puso.
Dahil posible sa mga pasyente na magkaroon ng malalang lebel ng cholesterol nang hindi nakararanas ng sintomas, mahalaga na pumunta sa regular na checkups sa iyong doktor. Ano ang normal na cholesterol? Ito ay nasa lebel na 125-170 mg/dL.
Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Puso rito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
High Cholesterol (Hypercholesterolemia), https://www.health.harvard.edu/a_to_z/high-cholesterol-hypercholesterolemia-a-to-z, Accessed December 28, 2020.
Arteriosclerosis / atherosclerosis, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/arteriosclerosis-atherosclerosis/symptoms-causes/syc-20350569#:~:text=Atherosclerosis%20refers%20to%20the%20buildup,arteries%20anywhere%20in%20your%20body., Accessed December 28, 2020.
Cholesterol Levels: What You Need to Know, https://medlineplus.gov/cholesterollevelswhatyouneedtoknow.html, Accessed December 28, 2020.
What is Cholesterol? https://www.heart.org/en/health-topics/cholesterol/about-cholesterol, Accessed December 28, 2020.
Noncommunicable diseases: Risk factors, https://www.who.int/gho/ncd/risk_factors/cholesterol_prevalence/en/, Accessed December 28, 2020.
LDL and HDL Cholesterol: “Bad” and “Good” Cholesterol, https://www.cdc.gov/cholesterol/ldl_hdl.htm#:~:text=HDL%20(high%2Ddensity%20lipoprotein),for%20heart%20disease%20and%20stroke., Accessed December 28, 2020.
Coronary Artery Disease, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16898-coronary-artery-disease#:~:text=Coronary%20artery%20disease%20is%20the,called%20plaques)%20inside%20the%20arteries., Accessed December 28, 2020.
Kasalukuyang Version
08/19/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara