Ano ang atherosclerosis? Ito ang paninigas at pagkitid ng arteries dulot ng cholesterol plaques na lumilinya sa artery sa paglipas ng panahon. Ang kondisyong ito ay naglalagay sa panganib ng daloy ng dugo pati na rin ang pangkalahatang kalusugan ng puso. Ang mga atake sa puso, stroke, at peripheral vascular disease ay kadalasang sanhi ng arteriosclerosis o atherosclerotic cardiovascular disease. Gayunpaman, maaari mo itong mapigilan at baliktarin ang proseso.
Ano ang atherosclerosis?
Ang arteries sa katawan ay blood vessels na nagdadala ng dugo mula sa puso papunta sa bawat bahagi ng iyong katawan. Ang endothelium, isang manipis na layer ng mga cell na nakalinya sa loob ng iyong arteries, ay nagpapanatili sa kanila na makinis at nasa mabuting kondisyon upang ang dugo ay dumaloy sa kanila.
Ano ang atherosclerosis? Isang napaka complex na sakit ang atherosclerosis. Ito ay may maraming mekanismo at ang mga karaniwang sanhi nito ay:
- Mataas na cholesterol
- High blood pressure
- Pamamaga, tulad ng sanhi ng lupus o arthritis
- Diabetes o obesity
- Paninigarilyo
- Naipong plaque sa artery walls na resulta ng pinsalang iyon
- Bad cholesterol, o LDL, ay pumapasok sa wall ng artery kapag dumaan ito sa damaged endothelium. Ang white cells mo ay dadaloy para masira ang LDL. Pagtagal, ang cholesterol at cells at nagiging plaque sa wall ng artery mo.
Habang lumalala ang atherosclerosis, ang plaque ay nagdudulot ng lump sa arterial wall. Kapag lumaki pa ang umbok sa arterial wall, maaari itong maging sanhi ng pagbara. Apektado ang buong katawan ng prosesong ito, na naglalagay ng iyong panganib sa stroke at iba pang mga sakit na karagdagan sa sakit sa puso.
Noon, ang atherosclerosis ay karaniwang hindi nakikita hanggang sa ikaw ay nasa middle age na o mas matanda. Pero ngayon, nakikita ng mga doktor ang atherosclerosis sa young adults dahil sa kanilang lifestyle. Habang lumalala ang pagkitid ng arteries mo, Maaaring putulin ng atherosclerosis ang daloy ng dugo at lumikha ng sakit. Ang mga blockage ay maaari ding biglang pumutok, na nagreresulta sa blood clot sa lokasyon ng pagkalagot sa artery.
Anong mga Senyales at Sintomas na Kasama sa Atherosclerosis?
Depende sa kung aling artery ang kumitid o naharangan, ang mga sintomas ay maaaring hindi lumitaw hanggang ang artery ay halos sarado na o hanggang sa heart attack o stroke. Ang mga karaniwang palatandaan at sintomas ng atherosclerosis ay: pananakit ng dibdib, palpitations, pananakit kapag naglalakad (claudication), burning o prickling sensation, pamamanhid, at pananakit ng tiyan.
Ang arrhythmia, isang kakaibang tibok ng puso, angina, o pananakit o pressure sa itaas na bahagi ng katawan, tulad ng dibdib, braso, leeg, o panga. Lahat ng ito ay mga palatandaan na iyong coronary arteries ay kailangang suriin.
Ang arteries na nagsusuplay ng dugo sa utak ay maaaring maging sanhi ng kinakapos na hininga, pamamanhid, o panghihina ng mga braso at binti mo. Kasama din ang hirap sa pagsasalita o pag-unawa sa iba, paglaylay ng facial muscles, paralysis, matinding pananakit ng ulo, at problema sa paningin sa isa o magkabilang mata. Ang pananakit ng binti kapag naglalakad at pamamanhid ay mga senyales na ang iyong mga braso, binti, at arteries ay nasira.
Ano ang Atherosclerosis Risk Factors?
Ang mga kabataan ay maaaring magkaroon ng atherosclerosis. At ipinakikita ng mga pag-aaral na kahit na ang mga teenager ay maaaring magpakita ng mga sintomas.
Tumataas ang risk sa edad. Karamihan sa mga taong higit sa 60 ay may ilang atherosclerosis, pero karamihan ay walang malinaw na sintomas. Kung sa pangkalahatan ay nasa mabuti kang kondisyon sa edad na 40, may 50% na posibilidad ka na magkaroon ng atherosclerosis.
Higit sa 90% ng mga atake sa puso ay sanhi ng risk factors na ito:
- Taba sa tiyan
- Diabetes
- Labis na pag-inom ng alak ( higit sa isang drink sa mga babae, isa o dalawang drink para sa mga lalaki, bawat araw)
- Mataas na blood pressure
- Mataas na cholesterol
- Hindi kumakain ng sapat na prutas at gulay
- Hindi tuloy-tuloy na pagwo-work out
- Paninigarilyo
- Stress
Dahil sa pinahusay na lifestyles at mga therapy, ang death rates ng atherosclerosis ay bumaba ng 25% sa nakalipas na tatlong dekada.
Atherosclerosis at Cardiovascular Disease
Ang tatlong pangunahing uri ng cardiovascular disease ay dahil sa plaques ng atherosclerosis:
- Ang stable plaques sa mga artery ng puso mo ay maaaring magdulot ng angina (pananakit ng dibdib). Nangyayari ang atake sa puso kapag biglaang pumutok ang plaque at ang namuong dugo ay nakakaapekto sa heart muscle mo.
- Cerebrovascular disease: Ang transient ischemic attacks (tias), na warning signs ng stroke ngunit maaaring hindi magresulta sa anumang brain damage, maaari ding sanhi ng pansamantalang arterial blockages. Ang mga stroke na dulot ng burst plaques sa mga arterya ng iyong utak ay may potensyal na magdulot ng pangmatagalang brain damage.
- Peripheral artery disease: Kung ang arteries sa mga binti mo ay nagiging makitid, maaari itong magdulot ng mahinang sirkulasyon, na nagpapahirap sa paglalakad at ang mga sugat sa binti at paa ay mas matagal na gumaling. Kung malubha ang sakit, maaaring kailanganin na putulin ang isang paa.
Paano Pinangangasiwaan/ Ginagamot ang Atherosclerosis?
Sa sandaling magkaroon ka ng bara, kadalasan ay hindi ito mawawala. Ngunit maaari mong pabagalin o pigilan ang plaques sa gamot at lifestyle. Sa mabisang therapy, ang plaque ay maaaring bahagyang lumiit.
Mga Pagbabago sa Lifestyle
Sa pamamagitan ng pagharap sa mga risk factor, tulad ng mahusay na diet, regular na ehersisyo, at pagtigil sa paninigarilyo, maaari mong pabagalin o ihinto ang atherosclerosis. Bagama’t hindi nalulunasan ng mga ito ang mga blockage, ipinapakita na binabawasan ang insidente ng heart attacks at strokes.
Gamot
Ang mga gamot para sa mataas na cholesterol at high blood pressure ay makakabawas. Posibleng mapahinto nito ang pagkakaroon ng atherosclerosis. Ito ay nagpapababa sa iyo ng risk sa atake sa puso at stroke.
Mga Pamamaraan
Ang iyong doktor ay maaaring gumamit ng less invasive o mas invasive na paraan upang ma-bypass ang mga atherosclerotic blockage:
- Nakakatulong ang stenting na mapawi ang mga sintomas ngunit hindi pinipigilan ang mga atake sa puso. Sa angiography at stenting, ang iyong doktor ay naglalagay ng isang maliit na tubo sa isang arterya sa iyong binti o braso upang ma-access ang mga nasirang artery. Ang mga blockage ay makikita sa isang live na x-ray screen.
- Sa isang bypass procedure, ang healthy blood artery, madalas mula sa iyong binti o dibdib, ay ginagamit upang iwasan ang isang naka-block na segment.
- Endarterectomy: Upang alisin ng doktor ang plaque at mapabuti ang daloy ng dugo, papasukin ang arteries ng leeg. Para sa mga indibidwal na mas mataas ang panganib, maaari silang maglagay ng stent.
- Maaaring ireseta ang mediation para mabuwag ang namuong dugo na humaharang sa iyong artery.
Tatalakayin ng doktor mo ang mga panganib na nauugnay sa procedures na ito.
Maaaring kasama sa risk factors ang mataas na cholesterol at triglyceride levels. Kasama rin ang high blood pressure, smoking, diabetes, labis na katabaan, pisikal na aktibidad, at hindi malusog na diet.
Maaaring mabuwag ang mga piraso ng plaque at magdulot ng blood clots na maaaring humantong sa atake sa puso o stroke. Sa kasalukuyan ay walang lunas para sa atherosclerosis. Ngunit ang kondisyon ay maaaring mapabagal ng ilang mga gamot at pagbabago sa diet. Kumunsulta sa iyong doktor para sa pinakamahusay na treatment plan.
[embed-health-tool-bmr]