backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Alamin: Korean Skincare Secrets ni Son Ye-Jin at Hyun Bin

Sinuri ang mga impormasyon ni Corazon Marpuri


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    Alamin: Korean Skincare Secrets ni Son Ye-Jin at Hyun Bin

    Ang power couple na sina Son Ye-Jin at Hyun Bin ay nagpasindak sa maraming fans nang i-announce nila sa magkahiwalay na post na sila ay magpapakasal. At ngayon opisyal na silang kasal! Gayunpaman, hindi ito ang unang pagkakataon na gumawa sila ng ganoong hakbang. Habang binibigyang buhay nila ang mga karakter nina Captain Ri at Yoon Seri, hindi naiwasang mapansin ng mga fans ang kanilang nakakainggit na pangangatawan, at syempre, ang magandang balat. Tingnan natin kung ano ang Korean skin care routine ng mga love birds na ito!

    Glowing at 40: Practical Korean Skin Care Routine ni Son Ye-Jin

    Sa kanyang flawless na kutis, hindi makapaniwala ang mga tao na si Son Ye-Jin ay 40 years old na! Ang mas nakakagulat ay ang kanyang beauty secrets ay napaka-praktikal. Lahat ay kayang gawin ito.

    Ang aktres, na tila may oily skin, ay walang mahilig sa sikat na 10-step Korean skin care routine. “Ang masyadong maraming steps ay sobra,” sabi niya sa isang panayam.

    Mas gusto niya ang simpleng routine kaysa sa multi-step kung ano ang Korean skin care routine. Ang skin care niya ay kadalasang binubuo ng:

    Maingat na paglilinis ng mukha. Sinisiguro ni Ye-Jin na hugasan ang kanyang mukha gamit ang isang cleanser bago matulog–gaano man katagal matapos ang kanyang iskedyul. Ang pagtulog nang naka-makeup ay big no-no.

    Inirerekomenda ng American Academy of Dermatology ang paggamit ng banayad, non-abrasive cleanser na walang alkohol. Pinapayuhan din nila ang mga tao na gumamit ng maligamgam na tubig.

    Masks. Para kay Ye-Jin, ang face mask sheet ay “ quick fix at boost ng skin hydration.” Gumagamit siya nito bago ang isang importanteng event.

    Cucumbers. Ano ang Korean skin care ni Ye-Jin? Alam mo ba na ang kanyang Korean skin care routine ay may kasamang DIY eye mask? Gumagamit siya ng hiniwang pipino para sa kanyang mga mata!

    Sunscreen. Hindi lumalabas ang aktres nang hindi naglalagay ng sunscreen, na karaniwan niyang hinahalo sa kanyang BB cream o foundation base.

    Ayon sa mga eksperto ang paggamit ng sunscreen araw-araw ay isa sa pinakamahusay—at pinakamadaling– paraan para protektahan ang balat mo.

    Panghuli, sabi ni Ye-Jin na mahalaga ang healthy diet. Umiinom siya ng maraming tubig at kumakain ng mga prutas araw-araw.

    Ang Kaligayahan ni Hyun Bin (At Ang Kanyang Face Mask Sheet)

    Sa kasagsagan ng kasikatan ng Crash Landing On You, tinanong si Hyun Bin ng kanyang kaligayahan. Ayon sa kanya:

    “ Pakiramdam ko ang kaligayahan ko ay nagagawa ko nang maayos ang mga gawain ko habang ako ay healthy at fit.” 

    Syempre, kasama sa kaligayahan niya ngayon ay si Ye Jin, na tulad niya, ay gumagamit din ng face mask sheets. Ang mask ni Hyun Bin (Mediheal Aquaring Ampoule Mask) ay naglalaman ng witch hazel at sodium hyaluronate, na hindi lamang nililinis ang balat, kundi nagta-trap din ng moisture. 

    Para naman sa fitness, ang 39-year old na aktor ay nagsasagawa ng aerobic exercises dalawang beses sa isang araw, 5 hanggang 6 na beses sa isang linggo!

    At Ngayon Opisyal na: Kasal na sina Son Ye-Jin at Hyun Bin

    Ilang araw bago ang Valentine’s, nagbahagi ang couple ng isang mahalagang anunsyo: ikakasal na sila.

    Nag-post si Son Ye Jin ng isang mini-bridal gown at sinabi: “Matagal kong pinag-isipan kung paano ibabahagi ang kwentong ito dahil ito ay isang mahalagang kwento. Nakahanap ako ng taong makakasama ko habang buhay. Oo… siya iyon.”

    Source: Instagram @yejinhand

    Samantala, nag–post si Hyun Bin ng larawan nilang magkahawak-kamay, na may caption na: “Gumawa ako ng isang mahalagang desisyon na magpakasal, at maingat kong tatahakin ang ikalawang yugto ng aking buhay.” 

    Source: Instagram @hyunbin_actor

    At ngayon, kasal na silang dalawa! Ibinahagi ng Vast Entertainment ang larawang ito ng power couple.

    Source: Instagram @vast.ent

    Key Takeaways

    Ang mga bagong kasal na Korean actors na sina Son Ye Jin at Hyun Bin, na bida sa hit series na Crash Landing On You, ay inihayag kamakailan ang kanilang kasal. Sa kasagsagan ng kanilang katanyagan, ibinahagi nila ang kanilang Korean skin care routine. Para kay Ye-Jin, kabilang dito ang cleansing, healthy diet, sunscreen, at face mask sheets. Inihayag ni Hyun Bin na gumagamit din siya ng face mask sheets, na naglalaman ng witch hazel at sodium hyaluronate.
    Kaisa kami sa kanilang mga tagahanga sa buong mundo sa pagnanais na maging maganda ang kanilang buhay may-asawa!

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Sinuri ang mga impormasyon ni

    Corazon Marpuri


    Isinulat ni Corazon Marpuri · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement