brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Ingredients Na Dapat Masama Sa Balat, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Popular sa modernong panahon natin ang mga skincare product na ginagamit para mapangalagaan ang sariling balat. Gayunpaman, dapat pa rin tayong maging maingat sa paggamit nito dahil may mga skincare products na kung minsan ay naglalaman ng mga nakakapinsalang sangkap. Dapat angkop ang paggamit ng produkto na nilalagay sa balat para maiwasan ang iba’t ibang sakit sa balat at iritasyon. Narito ang mga ingredients na dapat masama sa balat, pero maaari pa ring gamitin kung angkop ang paggamit at mayroong patnubay ng eksperto o doktor.

Ingredients Na Dapat Masama Sa Balat, Anu-Ano Nga Ba Ito?

Parabens

Mura ang presyo ng parabens at karaniwang uri ito ng preservatives na ginagamit sa iba’t ibang skincare products para panatilihing sariwa ang produkto. Pinipigilan din nila ang produkto na magtago ng mga nakakapinsalang bakterya.

Ang parabens ay lumalaban sa paglaki ng bacteria, fungi at iba pang micro-organism sa mga skincare product, lalo na sa mainit at mahalumigmig na mga kondisyon. Gayunpaman, isang natural organic compound ang parabens, na nauugnay sa mga isyu sa kalusugan.

Mayroong scare o takot kapag ang parabens ay natagpuan sa mga tumor sa suso, ngunit walang tiyak na katibayan na ang parabens ay dahilan ng mga bukol. Ang mga kumpanya ng skincare at cosmetics ay nahaharap sa mataas na presyon mula sa mga consumer at health practitioner dahil sa pagnanais nilang bawasan o alisin ang parabens sa kanilang mga produkto.

Ingredients na dapat masama sa balat

Formaldehyde

Ang formaldehyde ay isang “colorless gas”, at hindi ito maaaring gamitin bilang isang cosmetic ingredient. Karaniwang nangangailangan ito ng tubig at pagkatapos ay ginagamit bilang formalin. Bukod pa rito, ang iba pang mga sangkap na dahan-dahang naglalabas ng formaldehyde ay maaari ring idagdag sa mga produkto ng skincare bilang mga preservative.

Gumaganap din ang formaldehyde bilang isang anti-bacterial preservative para mabawasan ang paglaki ng bacteria sa produkto. Ang kaunting formaldehyde ay hindi nakakapinsala, at ang formaldehyde ay natural na nasa mababang antas sa maraming bagay, gaya ng mga sumusunod:

  • halaman
  • usok 
  • pagkain

At dahil sa pagkakaroon ng mababang antas, maaari itong maging ligtas at legal na magamit sa mga produkto ng skincare.

Sa ngayon, ang cosmetic industry ay alternatibong gumagamit ng mga formaldehyde releasers na isang time-release form ng formaldehyde dahil mas matipid ang mga ito. Gayunpaman, maaari silang maging sanhi ng pangangati sa balat.

Hydroquinone

Isang aromatic compound ang hydroquinone sa mga skincare product na nagsisilbing ahente ng pagpapaputi ng balat. Pinapaputi nito ang balat at pwedeng makatulong ito sa paggamot ng iba’t ibang anyo ng hyperpigmentation. Binabawasan din nito ang bilang ng mga melanocytes na naroroon. Ang melanocytes ay ang mga cell na bumubuo ng melanin, na siyang gumagawa ng kulay ng balat at nakakatulong sa hyperpigmentation na kinabibilangan ng acne scars, age spots, freckles, melasma, at post-inflammatory marks mula sa psoriasis at eczema. 

Sa pamamagitan ng pagbabawas ng melanin, maaari itong maging sanhi ng pansamantalang pagputi ng balat dahil sa kakulangan ng pigment cells. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon sinisira ng kemikal ang balat sa pamamagitan ng sapilitan at malupit na pagbabago nito na humahantong sa mga problema sa balat.

Ang hydroquinone ay isa ring posibleng sanhi ng sakit sa balat na tinatawag na “ochronosis,” kung saan nananatili ang mga permanenteng patches ng itim o asul na kulay sa ating balat. Dagdag pa rito, ang hydroquinone ay isang posibleng carcinogen na pwedeng naglalaman ng iba pang mga nakakalason na sangkap.

Key Takeaways

Sa pagbili ng skincare products, ugaliin na laging i-tsek ang ingredients nito at siguraduhin na angkop para sa’yong balat ang produktong gagamitin. Magandang kung magpapakonsulta ka rin sa isang eksperto at dermatologist para sa paghingi ng medikal na payo sa kung paano pangangalagaan ang balat, at malaman ang wastong paggamit at dami ng produkto na gagamitin para sa iyong balat.
May mga ingredients na dapat masama sa balat, pero maaari pa ring gamitin kung angkop ang paggamit at mayroong patnubay ng eksperto.

Matuto pa tungkol sa Kalusugan ng Balat dito.

medical
Hello Doctor Medical Panel
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Lornalyn Austria · Na-update noong isang linggo na ang nakalipas