Lahat ng tao ay nakaranas na ng sakit sa ulo. Kadalasan, simple lang ang solusyon dito. Kailangan mo lang mahiga, o di kaya naman ay sandaling ipikit ang iyong mga mata at ang sakit sa ulo ay mawawala na. Pero ano ang gagawin mo kung hindi nawawala ang sakit sa ulo? Anu-ano ang mga uri ng sakit sa ulo na hindi nawawala? Alamin natin dito.
Anu-ano ang mga uri ng sakit sa ulo?
May dalawang pangunahing mga uri ng sakit sa ulo: primary at secondary
Primary Headaches
Ang primary headache ay uri ng sakit sa ulo dulot ng sobrang activity ng utak, o di kaya ay problema sa mga muscles, nerves, o blood vessels sa leeg. Sa ilang mga kaso ang primary headache ay maaari ding namamana. Ito ay kadalasang stand-alone o hindi parte o sintomas ng isang underlying disease.
Narito ang mga uri ng primary headaches:
- Cluster headaches
- Migraine
- Tension headache
Kung minsan, ang ilang uri ng primary headaches ay maaaring sintomas ng underlying disease, tulad ng mga sumusunod:
- Cough headaches
- Exercise headaches
- Sex headaches
- Malalang uri ng sakit sa ulo na nangyayari araw-araw
Secondary Headaches
Ang secondary headaches naman sa kabilang banda, ay sintomas ng isang partikular na sakit. Ang mga sakit na dahilan ng secondary headaches ay kadalasang nakaaaapekto sa nerves ng ulo. Ilan sa mga ganitong uri ng sakit sa ulo ay mga dapat ipag-alala. Kaya naman, importanteng bigyan ng pansin ang kahit anong sakit ng ulo na nararamdaman mo. Lalo pa’t kung ito ay paulit-ulit o di kaya ay hindi basta-basta nawawala kahit ininuman na ng gamot.
Narito ang ilang posibleng dahilan ng secondary headaches:
- Impeksyon sa sinus
- Arterial tears
- Pamumuo ng dugo
- Brain aneurysm
- Tumor sa utak
- Pagkalason sa carbon monoxide
- Sakit ng ngipin
- Dehydration
- Meningitis
- Impeksyon sa tenga
- Stroke
- Panic attacks
- Glaucoma
Pwedeng mag-iba-iba ang manipestasyon ng secondary headache, depende sa kung ano ang nagdudulot nito. Ang iba ay mas matagal, o di kaya ay mas grabe ang sakit ng ulo na dala. Iba-iba rin ang lokasyon ng sakit sa ulo. Magpunta at magtanong sa doktor kapag nararanasan ito.
Ano ang nagiging sanhi ng mga uri ng sakit sa ulo na ito?
Para sa primary headache, karaniwan na hindi alam ng mga doktor ang tiyak na dahilan nito. Gayunpaman, maaaring hindi isinasama sa dahilan ang brain tissue at skull. Dahil ang mga ito ay walang anumang nerves na maaaring magdulot ng pananakit.
Ang ibig sabihin nito ay kadalasan ang mga ugat, mga daluyan ng dugo, o mga kalamnan sa ulo o maging sa leeg ang maaaring maging sanhi ng pananakit ng ulo.
Samantala, ang mga sanhi ng secondary headache ay nag-iiba din depende sa kung anong sakit ang sanhi ng pananakit ng ulo. Ito ang dahilan kung bakit minsan ay mahirap matukoy ang eksaktong dahilan ng pananakit ng ulo, dahil maraming posibleng dahilan.
Ano ang Mga Uri ng Sakit sa Ulo na Dapat Alalahanin?
Pangkaraniwang nangyayari ang pananakit ng ulo. Ang ilang tao ay nakararanas nito nang mas madalas kaysa sa iba at karamihan sa mga ito ay hindi dapat magdulot ng pangamba.
Pero may ilang uri ng sakit sa ulo na dapat ipag-alala, at mahalagang malaman kung ano ang mga ito upang agad kang mabigyan ng lunas, o di kaya ay maiwasan ang mga posibleng kumplikasyon.
Narito ang ilang mga bagay na dapat bantayan:
- Malalang mga pananakit ng ulo kapag ikaw ay edad 50 pataas
- Ang pananakit ng ulo na lumalala kapag gumagalaw o umuubo
- Sakit ng ulo na gumigising sa iyo sa oras ng tulog
- Anumang uri ng sakit sa ulo na nakaaabala sa iyong pang-araw-araw na gawain
- Pagkakaroon ng tuloy-tuloy na pananakit ng ulo pagkatapos mauntog
- Sakit sa ulo na patuloy na lumalala
- Isang matinding sakit ng ulo na hindi mo pa nararansan noon
- Biglang pagbabago sa personalidad o mood
- Sakit ng ulo habang nilalagnat, kalakip ng iba pang sintomas gaya ng, paninigas ng leeg, panghihina, pagkapagod, pamamanhid, hirap sa pagsasalita
- Sakit sa ulo na nakasentro sa iyong sintido
- Ang pagkakaroon ng mapulang mata na may kasabay na pananakit ng ulo
Kung nakararanas ka ng na may kasabay na pananakit ng ulo nabanggit sa itaas, mabuting kumunsulta sa iyong doktor tungkol dito. Laging magandang pakiramdaman ang sinasabi sa iyo ng iyong katawan, lalo na pagdating sa sakit sa ulo.
Mga Pagbabago sa Pamumuhay at Home Remedies
Bagamat ang pananakit ng ulo ay sanhi ng iba’t ibang bagay, may ilang mga paraan na makatutulong para maiwasan, o di kaya’y maibsan man lang ang pananakit ng ulo. Katulad na lamang ng mga pagbabago sa lifestyle. Mayroon ding mga home remedies na makakatulong na mapababa ang tyansa na magkaroon ng pananakit ng ulo sa pangkalahatan. Narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin:
- Magpahinga nang madalas. Maaaring magdulot ng pananakit ng ulo ang sobrang pagtatrabaho sa loob ng mahabang oras. Kaya mahalagang magpahinga upang mapagaan ang iyong ulo.
- Siguraduhing may hindi bababa sa 8 oras ng tuloy-tuloy na pagtulog bawat gabi. Hinahayaan ng pagtulog ang iyong isip at katawan na magpahinga, at inihahanda ka para sa susunod na araw.
- Kung palagi kang stressed, subukan at humanap ng oras para mag-relax at mawala ang stress. Maaaring mahirapan iyong katawan dahil sa stress, at hindi maganda na palaging stressed.
- Kumain ng healthy diet na mayaman sa prutas at gulay. Ang healthy diet ay humahantong sa isang malusog na katawan, at maaaring makatulong na mapababa ang tyansang magkaroon ng mga kondisyon tulad ng hypertension na maaaring magdulot ng ibang uri ng sakit sa ulo.
- Mag-ehersisyo araw-araw. Ang pag-eehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto bawat araw ay maaaring makatulong na mapanatiling malakas ang katawan mo, at ma-regulate din ang mga function ng katawan.Kung ang sakit sa ulo ay na-trigger ng ehersisyo, pinakamahusay na gawin ito ng katamtaman.
- Kung nakakaramdam ka ng anumang kakaibang sintomas o nakakaranas ng biglaang, matinding pananakit ng ulo, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa iyong doktor. Ang biglaang pananakit ng ulo ay talagang dahilan ng pag-aalala. Magandang ideya na kausapin ang iyong doktor para matiyak na walang dapat ipag-alala.
- Kung nagtatrabaho ka sa isang mapanganib na kapaligiran, siguraduhing magsuot ng proteksyon sa ulo tulad ng helmet. Ganoon din kung nasa sports tulad ng rugby, o boxing.
- Ang pag-inom ng tsaa kung minsan ay maaaring makatulong pamahalaan ang sakit na dulot ng pananakit ng ulo.
Key Takeaways
Palaging magandang ideya na makipag-usap sa iyong doktor kung sa tingin mo ay may mali sa iyong. At the end of the day, mas mabuti pa rin ito kaysa balewalain ang mga sintomas para lang malaman sa bandang huli na mayroon kang malubhang problema sa kalusugan.