Habang tumatagal mas umaasa na ang mga tao sa kanilang mga smartphones, at ang panganib ng digital amnesia ay tumataas. Paano mapabuti ang memorya? Alamin dito.
Digital Amnesia
Ayon sa Kaspersky Lab, isang cybersecurity at anti-virus, binuo niya ang terminong “digital amnesia”. Matapos magsagawa ng online survey na nilahukan ng 1,000 mga Amerikano mula sa edad na 16 hanggang 55. Ipinakita ng kinalabasan ng survey na:
- 2 porsyento ng mga kalahok ang itinuturing ang internet bilang “extension ng utak”
- 44 na porsyento ang naniniwala na nasa smartphone nila ang lahat ng nais nilang malaman at dapat matandaan.
- Ang kalahating bilang ng mga kalahok ang gumagamit ng internet bago subukang alalahanin ang mga bagay sa kanilang sarili.
- Maraming mga kalahok ang masaya na nakalimot ng mga impormasyon dahil sa paniniwalang mabilis nila itong maa-access sa kanilang mga gadgets.
Base sa kinalabasan ng survey, ipinaliwanag ng Kaspersky na ang tao ay may digital amnesia kung saan nakakalimutan nila ang impormasyon at nagtitiwala sa gadget na lipunin ang mga ito at tandaan. Bagaman ang digital amnesia ay nararapat pang kilalanin sa siyentipiko bilang isang medikal na kondisyon, ang mga cognitive researcher (mga siyentipiko na pinag-aralan kung paano gumagana ang utak) ay sumasang-ayon na ito ay posibleng banta sa memorya ng tao.
Mga epekto ng digital amnesia
Bago natin alamin kung paano ang digital amnesia ay banta sa memorya ng tao, atin munang tuklasin kung ano ang benepisyo nito.
Una, ang digital amnesia ay maaaring magandang paraan upang isagawa ang “directed forgetting.” Ito ay penomena kung saan inaalis sa isipan ang mga hindi importante o outdated na mga impormasyon at magkaroon ng silid para sa mga bagong kaalaman. Ipinakita ng European survey ang 64 porsyento ng mga kalahok ang nagsasabi na ang paggamit ng kanilang gadget upang mag-alala ng mga impormasyon ay nangangahulugan ng pagtuon sa iba pang bagay.
Gayunpaman, kung labis na umaasa sa gadgets upang mag-alala at mag-imbak ng impormasyon, ang neuroplasticity ng ating utak ay maaari maging stagnant o walang pagkilos. Ang neuroplasticity ay ang kakayahan ng utak na mag-ayos ng mga koneksyon sa pagtugon sa natutunan o mga bagong karanasan.
Sa pagbaba ng neuroplasticity, maaaring makaranas ng:
- Mabawasan ang kakayahan sa paggaling mula sa injury sa utak
- Hirap na matuto
- Mabawasan ang gamit sa memorya
Bilang karagdagan, ang digital amnesia ay may kaugnayan sa pagkabalisa, depression, at panic attacks, partikular sa mga taong nawalan ng gadget na naglalaman ng mahahalagang impormasyon.
Ang digital amnesia ay nauugnay din sa addiction sa smartphone, na kadalasang nagreresulta sa pagkagambala na humahantong sa makabuluhang pagkawala ng memorya at kawalang kakayahan na makabuo ng pangmatagalang memorya. At ang mga tao na may addiction sa smartphone ay maaaring magdusa sa kakulangan sa tulog na nagpapatamlay sa utak.
7 paraan upang mapabuti ang memorya
Tunay na ang digital amnesia ay maaaring negatibong makaapekto sa pagtanggap at pagsasaayos ng mga impormasyon. Ano ang ilang mga paraan upang natural na mapabuti ang gamit ng memorya?
Matuto ng mga bagong bagay
Mas bumubuti ang neuroplasticity sa pagkatuto at mga bagong karanasan. Huwag mag-atubiling iensayo ang utak gamit ang mga puzzle tulad ng crosswords at Sudoku. Maging pumasok sa mga short course (tulad ng art class at book clubs) na nagpapanatili sa isipan na maging aktibo.
Ang ibang aktibidad, tulad ng bagong libangan o ensayo sa palakasan, ay nagsasaayos ng koneksyon ng utak dahil pinananatili nito ang pagiging aktibo ng isipan. Maganda ring paraan upang mahasa ang kakayahan ng isipan sa pagkatuto ng mga wikang banyaga. Ang computer o mga application sa cellphone ay maaaring gamitin para dito.
Makipag-ugnayan sa mga kaibigan at pamilya
Ipinakita ng ilang pag-aaral na ang taong may patuloy na ugnayan sa iba maging sa birtwal lamang na pamamaraan. Ito ay partikular sa kasalukuyang pandemya na mas mainam ang nagiging resulta sa pagsusulit gamit ang isipan. Binigyan-diin ng mga doktor na ang pakikisalamuha sa iba ay nakababawas sa panganib ng stress at depresyon na parehong negatibong nakakaapekto sa function ng isipan.
Gamitin ang mga Pandama
Isa sa mga paraan upang natural na mapabuti ang memorya ay ang paggamit sa mga pandama sa pag-aaral ng mga bagong bagay.
Sa isang pag-aaral, ipinakita ng mananaliksik ang mga imahe na emotionally neutral. Ang bawat larawan ay may partikular na amoy para sa mga kalahok. Ang ating pang-amoy ay napo-proseso sa isang bahagi ng utak na nagpoproseso rin sa emosyon at memorya. Ito ay nagkakaugnay sa pagpapabuti ng pag-alala sa mga pangyayari na may kaugnayan sa partikular na amoy (pabango ng ina, o amoy ng paboritong pagkain noong kabataan).
Nagpakita pa ang mga mananaliksik ng iba pang imahe at ipinatukoy sa mga kalahok kung anong mga imahe ang nakita na nila noon. Ipinakita ng kinalabasan na mabilis na natandaan ang amoy na ipinareha sa mga larawan. Lalo na ang mga ipinakitang may kaaya-ayang amoy.
Sa kalagitnaan ng pananaliksik, ipinakita ng scan ng utak na ang paggamit ng pandama ay nagpapataas sa bilang ng mga bahagi ng utak sa pag-alala. Kung kaya bakit hindi hamunin ang pandama upang matuto ng mga bagong kaalaman? Ilang mga bagay na maaaring gawin ay ang paghula sa mga sangkap ng bagong putahe. Maging ang paglililok ng ceramics, at pag-alala ng mga impormasyon habang naglalakad.
Bawasan ang mga distraction
Ang mga nakakagambala ay nagpapahirap sa pag-alala, kung kaya limitahan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-aayos. Iwasan ang paggamit ng smartphones at iba pang mga gadgets. Sa halip, samantalahin ang pisikal na papel, kalendaryo, file folder, mapa, at libro ng mga address.
Ito ay makakatulong upang maihanay ang lugar para sa mahahalagang bagay tulad ng salamin, susi ng sasakyan, at wallet. Sa ganitong paraan, naeengganyo ang utak na tandaan kung saan nilagay ang mga ito.
Isaulo ang mga bagay sa Isipan
Isa sa mga kadahilanan kung bakit nangyayari ang digital amnesia ay ang pagbalewala sa mga impormasyon na maaaring mabalik sa pamamagitan ng ilang pindot lamang. Sa ibang salita hindi man lang sinusubukan na alalahanin ang mga ito.
Tulungan ang sarili sa pagtanda sa pamamagitan ng paglalagay sa mga importanteng impormasyon sa isipan. Kung kailangan alalahanin ang partikular na detalye, subukang ulitin ang impormasyon sa sarili. Gumamit ng mga palatandaan at mnemonics upang makatulong.
Labanan ang sarili na hanapin ang kasagutan sa online
Isa sa pinaka mabisang paraan upang natural na mapabuti ang isipan ay ang pagpigil sa sarili na hanapin ang mga bagay upang maalala ang mga ito.
Bago tuluyang gamitin ang smartphone, subukan munang alalahanin ang mga impormasyon. Bigyan ang sarili ng limitadong oras. Halimbawa, subukan lamang tuluyang hanapin ang isang bagay matapos ang 5 minuto na pagsubok na alalahanin ang detalye.
Panatilihin ang Malusog na Pangangatawan
Bilang katapusan, upang mapabuti ang memorya, kailangang panatilihin ang malusog na pangangatawan. Magkaroon ng sapat na pahinga at tulog, kumain ng masustansyang diet, at regular na mag-ehersisyo. Iwasan ang alak at i-manage ang anumang kondisyon sa kalusugan.
Ang pagpapanatili na maging pisikal na malusog ay pumipigil sa problema sa kalusugan ng mental na nakakaapekto sa isipan, tulad ng depression, stress, pagkabalisa, at panic attacks.
Kung ikaw ay may alalahanin sa memorya o kung ang pagkalimot ay pawang lumalala na nakakaantala na sa pang-araw-araw na gawain, komunsulta sa iyong doktor.
Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-iisip dito.