Body odor and excessive sweating
May problema po ako simula nung nag 13 yrs old po ako. Sobra sobra po akong nagpapawis. Kahit na wala po akong ginagwa pinagpapawisan na ako. Dahil po dun nagka body odor ako. Ngayon po na 21 na ako, wala pa rin po akong magawa sa sitwasyon ko. Lumalala po pagpapawis at bo ko pag lumalabas ako at nahihiya na baka maamoy ako ng ibang tao. Nakakaapekto po yung sitwasyon ko sa araw araw kasi po bawat kilos ko po pakiramdam ko may nakakaamoy sa akin. May good hygiene naman po ako, nag aaply po ako ng antiperspirant at araw-araw namang naliligo.