HEAD TRAUMA OR FLU?
Hi po. Yung anak ko po (5yrs old) naitulak sa hagdan. We rushed him to ER right away. Doc only advised us for xray and nothing more. This is on feb 12 2025 11: 50am.
Ok naman sya . Actually minutes lang ok na sya balik kulit na. I ask him kung may nararamdaman sya wala naman daw. Then feb 13 10am pumasok sya until 1pm. Masigla naman daw sabi ni teacher sa klase. Kaso nung uwian (1pm) naambon at naaraw nung sinundo ko. Wala kaming payong kaya naambunan sya habang naiinitan ng araw. Kinagabihan (feb 13 ) sinipon na. Parang water yung sipon nya. He complained na masakit ulo nya (tinuturo nya yung taas ng ilong)
Then feb 14 nilalagnat na. Maybe 37+ to 38 degree.
Nag start na din sya umubo. Nawawala naman po lagnat nya after paracetamol. We also gave him OTC meds pang sipon which maked him feel alot better. Feb 16-17 nawala lagnat nya. Nag kulit nanaman . Then 18 hanggang ngayon nilalagnat ulit. Hindi nawawala yung sipon. Wala naman din syang kino complained na sakit kahit saan lalo sa ulo. Maliban sa sipon at lagnat na may ubo. Help naman po.