Para sa mga bagong magulang, ang pagpapalit ng diaper ni baby ay isa sa mga unang kailangan matutunan gawin. Mukhang komplikado sa una, pero dumadali ito habang tumatagal, lalo pa na maya’t maya ang pagpapalit. Pero ilang oras dapat palitan ang diaper ni baby? Basahin at alamin sa article na ito ang sagot, at kung ano step-by-step guide na dapat sundin.
Ilang oras dapat palitan ang diaper ni baby?
Kadalasan, si baby ay gumagamit ng 10 o mahigit pa na diaper sa isang araw. Sa kada 2 o 3 oras, dapat ay palitan ang kanyang diaper. Kapag napansin mong hindi mapakali ang bata, o kaya naman ay mabaho na ang amoy, palitan na ito kaagad. Hindi dapat napapabayaan ang bata sa kanyang sariling dumi or ihi dahil napaka sensitibo ng kanyang balat, at para na din sa tamang hygiene.
Ano ang mga kinakailangang gamit sa pagpapalit ng diaper?
Ngayon na alam mo na kung ilang oras dapat palitan ang diaper ni baby, ang mga sumusunod naman ay ang mga diaper essentials na kakailanganin mo:
- Diapers. Siguraduhin ito ay malinis at hindi pa nabubuksan. Wag din bumili ng diapers na may fragrance dahil baka ma-irritate ang balat ni baby.
- Washcloth o wipes. Para sa mga bagong panganak o 1 month old, gumamit ng maligamgam na tubig at hypoallergenic wipes para linisin si baby. Katulad ng diaper, mamili ng wipes na walang alcohol o kahit anong pabango.
- Bagong damit pampalit. Kailangan ito lalo na kapag may leak ang diaper. Kung nabasa din ang kanyang tinutulugan, palitan din ito.
- Ointment kung may diaper rash si baby
- Laruan. Gamitin ito para ma-distract si baby, dahil may ilan na hindi komportable kapag pinapalitan ang kanilang diaper.
Steps kung paano magpalit ng diaper ni baby
Ihiga si baby sa changing table
Kung wala naman kayong changing table, maglatag ng towel o waterproof pad sa kanyang crib o kama, at doon siya palitan.
Kung si baby ay hindi pa nakaka gulong ng mag-isa, panatilihin na siya ay within arm’s reach lamang. Maari mong hawakan ang kanyang kamay o kahit na anong parte ng katawan upang hindi ito maka-alis. Tandaan na hindi dapat iwanan si baby ng mag-isa sa changing table.
Tanggalin ang straps at dahan-dahan na buksan ang diaper
I-fold and maduming diaper sa kanyang baba, at saka simulan ang paglilinis.
Hawakan ang dalawang legs ni baby at itaas ng kaunti
Gamit ang maligamgam na tubig pati ng wipes o washcloth, at punasan ang kanyang bandang ari mula sa harap papuntang likod.
Pag malinis na ito, patuyuin muna ang ibaba ni baby gamit ang tuyong pamunas. Wag hahayaan na magsuot ito ng bagong diaper hangga’t basa pa ang kanyang ibaba. Importante din ito bago maglagay ng kung ano man na ointment o cream.
Ngayon, isuot ang bagong diaper
I-angat ang paa ni baby, at hilahin ang diaper sa pagitan ng kanyang hita. Ibaba ang kanyang legs, at i-seal ang mga straps. Siguraduhin na hindi ito masyadong masikip o maluwag.
Itapon ng maayos ang maruming diaper
Iikot ito na parang bola at ilagay sa isang plastic bago itapon para siguraduhin na ito’y hindi bubukas. Hugasan ang kamay pagkatapos.
Palitan ang damit ni baby, pati na din ang kanyang bedsheet kung nagkaroon man ng leak.
Safe ba na gumamit ng baby power o creams?
Ayon sa mga eksperto, hindi nirerekomendahan ang paggamit masyado ng baby powder dahil mayroon itong ingredients, katulad ng talc at cornstarch, na pwede makapag pa-irritate ng balat.
Gagamit lamang ng cream o ointment kapag may diaper rash ang bata. Piliin ang may zinc oxide o petroleum, para makatulong sa pagbalik ng moisture sa balat ni baby.
Huwag kalimutan na patuyuin muna ng maayos ang ibaba ni baby bago mag-apply ng mga ointment.
Walang naka-set na orang kung ilang oras dapat palitan ang diaper ni baby. Pero gawin ito kaagad kapag napansin mong ito ay basa o mabaho na. Gawing reference and 2 o 3 oras sa pagpapalit.
Tandaan ang mga steps na naka-enumerate sa taas para sa tamang pagpapalit ng diaper.
Learn more about Baby Care here.