
Ang atake sa puso o myocardial infarction (MI) ay isang medical emergency na nangangailangan ng agarang lunas. Ito ay nangyayari kung ang section ng puso ay hindi nakatatanggap ng sapat na oxygen (cardiac ischemia) dahil sa harang ng daloy ng dugo. Kung ang supply ng oxygen ay hindi agad na-restore, ang apektadong cardiac muscle ay nagsisimulang mamatay. Ito ay nagreresulta sa atake sa puso. Alamin pa ano ang atake sa puso.

Ano ang atake sa puso, at paano ito nangyayari? Sa puntong ito, alam na natin na ang atake sa puso ay nangyayari kung ang cardiac muscle ay nauubusan ng oxygen dahil sa harang ng sirkulasyon; ngunit paano nangyayari ang harang?
Karaniwang nangyayari ang harang dahil sa atherosclerosis, isang proseso kung saan ang coronary arteries (blood vessels na nagsu-supply ng oxygen sa puso) ay nagkaroon ng bara na may plaque, isang substance na pangunahing mula sa fat at cholesterol. Nagiging sanhi ng atherosclerosis ang coronary artery disease o ischemic heart disease, kung saan ang arteries ay pinakikitid.

Ngunit ang atake sa puso ay hindi karaniwang nangyayari agad matapos magkaroon ng atherosclerosis o CAD. Karamihan sa mga kaso ng myocardial infarction ay nangyayari matapos ang plaque buildup ruptures o pagputok, na sanhi ng pinsala sa lining ng blood vessel.
Upang ayusin ang pinsala, nagkakaroon ng blood clot sa bahagi. Kung ang blood clot ay naging sobrang laki, maaari itong harangan ang artery at maiwasan ang pagdaloy ng oxygen sa bahagi ng puso.
Maaaring madalang ang mga kaso ng coronary artery spasm, ngunit sinasagot pa rin nito ang tanong, paano nangyayari ang atake sa puso. Minsan, ang mga taong walang CAD o atherosclerosis ay nakararanas mula sa MI. Ito ay sa kadahilanan na ang kanilang artery spasms o constricts ay on at off, na nakawawala ng oxygen sa puso.
Ang atake sa puso ay mas maaaring mangyari kung ang pasyente ay may banta ng mga sumusunod na salik. Pansinin na ilan sa mga salik sa ilalim ay modifiable, ibig sabihin na kayang ikontrol o tanggalin ang mga ito.
Ang mga taong mayroong hypertension, high blood cholesterol, at obesity sa parehong pagkakataon ay mayroong kondisyon na tinatawag na metabolic syndrome. Ang mga pasyenteng mayroong metabolic syndrome ay doble na maaaring makaranas ng atake sa puso.
Ngayong nasagot na natin ang tanong, kung paano nangyayari ang atake sa puso, pag-usapan naman natin ang tungkol sa mga senyales at sintomas. Ang pinaka karaniwang sintomas ng myocardial infarction ay kabilang ang:
Pakiusap na tandaan na ang mga senyales ng atake sa puso ay iba-iba sa bawat tao. Nakararanas ang ilang pasyente mula sa napakasakit na paninikip ng dibdib. Habang ang iba ay mayroong mild discomfort o hindi nakakaramdam ng kahit na ano.
Ang mga babae, matanda at ang mga taong mayroong diabetes ay hindi gaanong makakaranas ng paninikip ng dibdib, ngunit maaaring makakita ng ibang mga sintomas tulad ng sakit sa tiyan, kakapusan sa paghinga, pagkahilo, o pagsusuka. Ang mga taong mayroong MI noon ay hindi nakararanas ng parehong mga sintomas kung nakaranas na ng isa pang atake.
Kung naghihinala ka ng atake sa puso, humingi ng agarang medikal na tulong. Huwag piliin ang pagtulog o pagpapahinga upang mawala ang mga sintomas. Mas mabilis ang aksyon, mas maagang makapagsisimula ng lunas.
Ang lunas ng MI sa loob ng isang oras matapos na makita ang sintomas ay nakababawas ng banta ng pagkakaroon ng pangmatagalan at posibleng hindi na mababalik na komplikasyon, tulad ng cardiac arrest, arrhythmias, at heart failure.
Maliban sa pagbibigay ng sagot sa tanong na, ano ang atake sa puso, at paano ito nangyayari, mahalaga rin na matutuhan ang lunas sa MI.
Matapos na isagawa ng doktor ang tests tulad ng ECG at blood tests upang i-diagnose ang atake sa puso, ang agarang lunas ay ibalik ang oxygen supply at bawasan ang pinsala sa pamamagitan ng gamutan, medikal na pamamaraan tulad ng coronary angioplasty, o operasyon.
Ang mga pasyenteng nakararanas ng MI ay maaaring kailanganin ng:
Kung hindi sapat ang mga gamot upang lunasan o maiwasan na mangyari ang atake sa puso, maaaring magrekomenda ang doktor ng operasyon tulad ng coronary angioplasty na may stenting at coronary artery bypass na operasyon.
Sa operasyon na ito, magpapasok ang doktor ng manipis na tube na may lobo sa bahagi ng singit papunta sa apektadong artery ng puso.
Kung ito ay nasa apektadong bahagi na, papalakihin ng doktor ang lobo, na nagbubukas sa makitid na vessel. Upang manatiling bukas ang artery sa mahabang panahon, ang surgeon ay maaaring magpasok ng metal mesh na may slow-releasing na gamot.
Kung ang atake sa puso ay nangyari at dalawa o higit pang major arteries ay naharangan sa kabuuan, ang doktor ay magsasagawa ng coronary artery bypass surgery. Ang operasyon na ito ay dadalhin ang artery sa ibang bahagi ng katawan at ikakabit ito sa puso upang ma-“bypass” ang may harang na artery. Ang operasyon na ito ay may layunin na i-reroute ang dugo at siguraduhin na makararating ito sa apektadong bahagi.
Kung hindi ka pa nakararanas ng myocardial infarction noon at nais na maiwasan ito, kinakailangan ng regular na check-ups at screening (blood tests, ECG) dahil hinahayaan nito na matukoy ng doktor ang mga banta.
Ang mga sumusunod na measures ay makatutulong din na mapababa ang banta ng MI:
Kung ikaw ay nakaranas ng MI noon at nagre-recover, ang praktis na nasa itaas ay nakababawas ng banta ng muling atake. Gayunpaman, maaaring magbigay ng tiyak na panuto ang doktor sa diet, ehersisyo, gamot, at ibang mga gawain tulad ng pakikipagtalik.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Coronary Artery Disease
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16898-coronary-artery-disease
Accessed November 17, 2020
The problem with plaque: Even lesser amounts are still risky
https://www.health.harvard.edu/heart-health/the-problem-with-plaque-even-lesser-amounts-are-still-risky
Accessed November 17, 2020
How a Heart Attack Happens
https://myhealth.alberta.ca/Health/Pages/conditions.aspx?hwid=zm2431&lang=en-ca
Accessed November 17, 2020
Heart attack
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/heart-attack/symptoms-causes/syc-20373106
Accessed November 17, 2020
Heart attack
https://www.nhs.uk/conditions/heart-attack/
Accessed November 17, 2020
Heart Attack
https://www.nhlbi.nih.gov/health-topics/heart-attack
Accessed November 17, 2020
What is a Heart Attack?
https://www.heart.org/en/health-topics/heart-attack/about-heart-attacks#:~:text=This%20blood%20clot%20can%20block,or%20myocardial%20infarction%20(MI).
Accessed November 17, 2020
Heart Attack (Myocardial Infarction)
https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/16818-heart-attack-myocardial-infarction
Accessed November 17, 2020
Kasalukuyang Version
05/19/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara