backup og meta

Ilang Oras Bago Mapanis Ang Stool?

Ilang Oras Bago Mapanis Ang Stool?

Ilang oras bago mapanis ang stool? Tuwing physical exam o pag-punta sa doktor dahil sa kakaibang karamdaman, isa sa mga pagsusuri na maaring ipagawa ay ang fecal analysis o fecalysis. Para sa karamihan, ang proseso nito ay hindi kanais-nais dahil sila ay nandidiri sa kahit anong bagay na may kinalaman sa dumi. Ngunit, hindi nila alam ang kahalagahan ng fecalysis upang malaman ng doktor kung may problema sa katawan o sakit na kailangan bigyan pansin at gamutin.

Sa ganitong paraan, mananatiling mabuti ang kalusugan ng isang tao, o maaring maging mabuti muli ang karamdaman kung may natatagong sakit.

Upang malaman kung paano dapat kumuha ng stool sample, ilang oras bago mapanis ang stool, at kung paano intindihin ang resulta ng fecalysis, narito ang mga iilang mahalagang impormasyon tungkol sa fecalysis.

Ano ang Fecalysis?

Ang pagdumi ng tao ay isang paraan ng ating katawan upang panatiliing malinis ang ating systema.

Nilalabas ng ating katawan ang mga bacteria, waste galing sa pagkain, at iba pang mga bagay na dapat matanggal para sa ating kalusugan, sa dumi.

Kapag isasailalim sa fecalysis ang stool sample ng isang tao, it ay maaring tingnan sa mga kasunod na pamamaraan:

  • Macroscopic analysis
  • Microscopic analysis
  • Chemical analysis
  • Immunological analysis
  • Microbiological analysis

Sa macroscopic analysis ng stool sample, tinitingnan ang mga pisikal na katangian katulad ng kulay, dami, anyo, amoy, at kung may kasamang uhog.

Ginagamit naman ng microscope sa microscopic analysis upang makita ang mga bagay na hindi kaya ng ating mga mata, sa stool sample. Mahalaga ito dahil makikita ang mga bacteria at cells kung mayroon, sa sample.

Sinusuri naman ng chemical analysis ang istraktura ng stool sample.

Hinahanap naman sa immunological analysis ang mga sinyales ng iilang mga sakit katulad ng colon cancer.

Habang ang microbiological analysis ay naka-hahanap ng mga organisms na hindi kita sa normal na microscope lamang, katulad ng microorganisms na nag-dudulot ng pagtatae.     

Kailan Dapat Magpa-Fecalysis?

Kung ikaw ay naka-pansin ng pagkakaiba sa iyong pag-dumi na hindi nawawala pagkalipas ng iilang oras or isang araw, o kung may nararamdaman sakit sa pag-dumi, kayo ay dapat pumunta sa pinaka-malapit na doktor.

Ipapagawa ang fecalysis upang malaman kung ano ang mga posibleng sanhi ng iyong nararamdaman tuwing nag-dudumi.

Depende sa problemang napansin sa iyong dumi, may iilang oras bago mapanis ang stool sample kaya ito ay dapat ipagawa agad.

Tamang Pagkuha ng Stool Sample

Para maging tama at walang halong karumihan ang iyong stool sample, sundin ang mga sumusunod na gawain:

  • Iwasan uminom ng mga gamot na maaring makaapekto ang iyong stool sample, katulad ng stool softeners.
  • Siguradihn na may mga gamit ka para sa stool collection, kabilang ang lalagyan ng sample, at pang-salo sa stool katulad ng plastic wrap na ilalagay sa toilet kapag nag-dumi ka
  • Walang halo dapat sa iyong stool sample katulad ng tubig o sabon
  • Planuhin ang pag-kuha batay sa oras ng pagpunta sa doktor, at tanungin siya kung iilang oras bago mapanis o hindi na puwede gamitin, ang stool sample
  • Mag-hugas ng kamay bago at pagkatapos ng pagkuha ng stool sample
  • Ilagay sa refrigerator agad ang nakolekta dahil ito ay maka-dadagdag sa kung ilang oras bago mapanis ang stool sample
  • Isulat ang mga detalye sa lalagyan ng sample katulad ng pangalan mo at oras ng pagkuha
  • Bumalik sa doktor agad para ibigay ang sample sa mag-susuri

Ilang oras bago mapanis ang stool?

Hindi dapat aabot ng 24 oras ang stool sample bago ibigay sa doktor dahil hindi na ito magagamit upang makakuha ng tamang resulta sa mga pagsusuri.

Paano Intindihin ang Resulta ng Fecalysis?

Pagkatapos ng fecalysis, ang iyong doktor ang magpapliwanag ng resulta ngunit ito ay iilang mga batayan na puwedeng sundin upang maintindihan kung ano ang normal at hindi normal sa iyong dumi:

  • Ang normal na stool ay kulay brown, malambot, at may hugis
  • Walang dugo, uhog, nana, bacteria, o viruses

Kabilang sa mga hindi normal na makita sa stool sample ay: 

  • Maliit at matigas ang dumi, ito ay maaring dulot ng constipation lamang o problema sa large intestines
  • Kulay itim o may halong dugo sa dumi ay maaring dahil sa mga problema sa digestive system, o colon cancer
  • Kung mukhang may halong mantika ang dumi, ito ay maaring dahil hindi kaya i-digest ng iyong katawan ang taba, impeksyon, o pancreatic cancer
  • Maaring may harang ang iyong colon kung manipis ang dumi
  • Kung may nahanap na Leukocytes o Erythrocytes ay maaring may impeksyon

Ang pagdumi ay isang napakahalagang aspeto ng ating sistema dahil nananatiling malinis ang katawan upang maiwasan magkasakit. Kahit ito ay itinutiring madumi at hindi magandang pag-usapan ng iilan, ay dapat bantayan ang kalagayan ng ating stool para maagapan ang mga sinyales ng sakit.

Learn more about Medical Procedures here

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Hello Health Group does not provide medical advice, diagnosis or treatment.

The importance of stool tests in diagnosis and follow-up of gastrointestinal disorders
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6776453/
Accessed August 1, 2021

How to Store a Stool Sample
https://www.wikihow.com/Store-a-Stool-Sample
Accessed August 1, 2021

How to Take a Stool Sample
https://www.wikihow.com/Take-a-Stool-Sample
Accessed August 1, 2021

5 Things Your Poop Can Tell You About Your Health
https://www.hopkinsmedicine.org/health/wellness-and-prevention/5-things-your-poop-can-tell-you-about-your-health
Accessed August 1, 2021

Screening Tests for Common Diseases
https://www.hopkinsmedicine.org/health/treatment-tests-and-therapies/screening-tests-for-common-diseases
Accessed August 1, 2021

Current Version

06/14/2023

Written by Honey Buenaventura

Medically reviewed by Martha Juco, MD

Updated by: Jan Alwyn Batara


People Are Also Reading This

Living With Colorectal Cancer: 6 Things Every Patient Must Do

Is Food Poisoning Contagious to Others? Find Out Here


Medically reviewed by

Martha Juco, MD

Aesthetics


Written by Honey Buenaventura · Updated Jun 14, 2023

ad iconadvertisement

Was this article helpful?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement