


Kailangan ng mas maraming pagkilala ng mga bato. Ilan sa mga tao ay inirerekomenda ang pagde-detox sa diet kung tinatanong tungkol sa paano mag-cleanse ng toxins sa katawan. Ang totoo ay, mayroong kaunting ebidensya na nagpapakita na ang diets ay epektibo. Sa halip, nagpakita ang mga ebidensya na ang detox diets ay maaaring resulta ng kakulangan ng bitamina at mineral. Ang totoo, ang atay at bato ay higit ang ginagawa sa paglilinis ng katawan kaysa sa detox diet. Kaya’t ang susi sa maayos na detox ay ang pag-alam paano mag-cleanse ng kidney.
Maraming mga tao ang hindi napagtatanto kung gaano kalaki ang tulong ng kidney sa kabuuang kalusugan. Sila ang responsable sa pag-regulate ng blood volume at pressure. Nakatutulong sila sa ating mga buto na i-activate ang bitamina D at C upang maiwasan ang osteoporosis. Ang ating mga kidneys ay nagre-regulate rin ng electrolytes sa ating katawan, at nagfi-filter palabas ng toxins at dumi.

Ang malinis na kidney ay masayang kidney.
Ang susi upang mapanatili na maalis ang toxins at dumi sa katawan ay ang pag-alam sa kung paano mag-cleanse ng kidney. Mas masaya at malusog ang mga ito, mas mainam ang trabaho upang mapanatili ang iyong katawan na walang toxins. Narito ang paraan:
Ang rason bakit mahalaga ang maayos na hydration ay may kinalaman sa relasyon sa pagitan ng ating adrenal glands at ating kidneys. Matatagpuan ang adrenal glands sa itaas ng bawat kidney. Sila ay responsable para sa pagpo-produce ng stress hormones, maging ang hormone na nagre-regulate ng blood pressure, aldosterone.
Nagiging sanhi ng aldosterone ang kidneys. Ito ay upang magpanatili ng tubig at sodium upang mapanatili na regulated ang blood pressure ng katawan. Kung ang isang tao ay dehydrated, nagti-trigger ito ng adrenal glands, na nagpo-produce ng aldosterone. Ito ay nakaapekto sa kidneys, at nakaapekto sa blood pressure.
Ang inirerekomendang dami ng konsumo ng tubig kada araw ay kalahati ng iyong timbang sa ounces. Ipinapayo rin na limitahan ang pagkonsumo ng kape sa isa o dalawang baso kada araw. Ito ay upang maiwasan ang dehydration sa katawan. Ang pagiging hydrated ay isa sa mga paraan ipang mag-cleanse ng kidneys dahil ito ay nagpapabawas ng banta ng pagkakaroon ng kidney stones sa pamamagitan ng pagpapanatili na ang ihi ay maayos na nadi-dilute.
Sinasabi ng mga eksperto na ang sobrang protina at mataas na sodium sa ating diet ay maaaring gumawa ng mainam na environment para sa kidney stones upang mag-develop. Ito ay nakaapekto sa pangkabuuang kalusugan ng kidneys. Ilang mga mainam na pagpipilian para sa protina ay ang mababang-sodium para sa canned meat, tuna, salmon, turkey, manok, dried peas at beans, shelf-stable tofu, unsalted nut butter, at unsalted nuts at seeds.
Ang pag-aaral mula kay Brigham at Women’s Hospital sa Boston ay nagpakita na ang mga taong mayroong limang oras o mas kaunting tulog ay may mas mataas na tsansa na bumaba ang kalusugan ng bato. Kumpara rito, ang mga taong mayroong pito hanggang walong oras na walang tigil na tulog ay nagpapataas ng malusog na bato.
Ipinapayo rin na magpanatili ng consistent na pagtulog sa gabi. Ito ay upang magkaroon ng sapat na oras ng tulog, maging iwasan ang caffeinated na inumin ng hapon at gabi, at ilimita ang exposure sa liwanag bago ang pagtulog. Kabilang dito ang exposure mula sa mga cellphones at computer screens.
Ang pag-ehersisyo ay napatunayan na nakatutulong upang mabawasan ang blood pressure, na nakatutulong sa pag-iwas ng sakit sa bato at ibang mga kaugnay na isyu sa kalusugan. Sa pamamagitan ng pag-ehersisyo, ang dugo sa ating katawan ay mas magpapagalaw nang maayos, na mahalaga, at kinokonsidera na 120 quarts ng dugo ang dumadaan sa mga bato kada araw.
Ang ehersisyo ay maaaring mula sa mabilis na paglalakad, jog, at pagbibisikleta, o maging ang workouts na maaari mong gawin sa bahay, tulad ng aerobic na ehersisyo, Pilates, at high-intensity interval training.
Palagi, ang mga prutas at gulay ay laging pinakamatalik na kaibigan ng katawan. Sa kasong ito, ang mga tiyak na prutas at gulay ay makatutulong na malinis ang kidneys at mapabuti ang kanilang functions. Ang mga prutas at gulay ay ubas, cranberries, blueberries, mansanas, bell peppers, beets, asparagus, at bawang.
Sa pangkalahatan, ang mga pagkain na mababa sa sugar, soy, at gluten ay nakapagpapabuti rin ng function ng kidney at nagpapabawas ng pamamaga sa katawan. Ang espesyal na mababa sa potassium na diets ay maaaring kailanganin para sa CKD o dialysis sa mga pasyente. Sa ganitong kaso, iwasan ang saging, broccoli, spinach, at dairy products.
Sa kabuuan, walang mabilis na paraan upang tanggalin ang toxins mula sa ating katawan. Ang patuloy na pagsasagawa ng mga nabanggit ay nakatutulong. Sa paggawa ng mga ito, natututo ka kung paano mag-cleanse ng kidney sa katawan at mapabuti ang function nito. Sa dulo, ang malusog na mga bato ay hahantong sa mas maayos na kabuuang kalusugan.
Matuto pa tungkol sa urological health, dito.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
Do detox diets offer any health benefits?
https://www.mayoclinic.org/detox-diets/expert-answers/faq-20058040
Accessed March 24, 2021
6 Easy Ways to Prevent Kidney Stones https://www.kidney.org/atoz/content/kidneystones_prevent Accessed March 24, 2021
5 steps for preventing kidney stones
https://www.health.harvard.edu/blog/5-steps-for-preventing-kidney-stones-201310046721 Accessed March 24, 2021
Take Care of Your Kidneys And They Will Take Care of You
https://www.cdc.gov/kidneydisease/prevention-risk/take-care.html
Accessed March 24, 2021
Keep Your Kidneys Healthy — Control Blood Pressure
https://www.cdc.gov/kidneydisease/prevention-risk/kidneys-blood-pressure.html
Accessed March 24, 2021
Kasalukuyang Version
08/19/2026
Isinulat ni Jerra Mae Dacara
Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD
In-update ni: Jan Alwyn Batara