backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Ano ang Cowgirl Position? Heto ang Iyong mga Dapat Malaman

Narebyung medikal ni Mary Rani Cadiz, MD · Obstetrics and Gynecology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    Ano ang Cowgirl Position? Heto ang Iyong mga Dapat Malaman

    Sa mga pinaka nakaka-enjoy na posisyon sa pakikipagtalik mula sa libro ay ang cowgirl sex position. Marami itong mainam na benepisyo lalo na kung ikaw ay babae na nais manguna sa kama. Ano ang cowgirl position? Ito ang posisyon kung saan ang babae ay nasa ibabaw. Ito ay mainam na posisyon kung nais na pagsamahin ang mga nais sa kama at bigyan ng easy access ang partner sa clitoris. Kung gagawin nang tama, maaaring magbigay ng sarap sa iyo at sa iyong partner.

    Paano Gawin ang Tradisyonal na Cowgirl Sex Position

    1. I-stretch ang hita ng partner na straight at magkatapat sa bawat isa habang nakahiga.
    2. Habang nasa itaas ng iyong partner, kaharap ng kanilang mukha, uupo ka sa ibabaw nila habang ang iyong hita ay nakasaklang sa balakang ng iyong partner.
    3. Ipasok ang ari ng iyong partner sa iyong ari habang nakaupo.
    4. Maaaring makontrol ang penetration sa taong nag-straddle. Depende sa lebel ng pagiging komportable, maaari kang mamili kung anong mas nais mo.

    Tips Bago Subukan ang Cowgirl Sex Position

    Talakayin na agad ang mga bagong sekswal na posisyon kasama ng iyong partner. Tanungin ang iyong partner kung ano ang mararamdaman tungkol sa pagdanas ng mga bagong posisyon.

    Kung itataas ang iyong ulo at dibdib, mas madaling makahinga.

    Tips Kung Isasagawa ang Cowgirl Position

    Protektahan ang Iyong mga Tuhod

    Ang pagiging “rider” sa ibabaw ay mas nakakapagpangalay sa iyong mga tuhod at binti. Maaari kang gumamit ng mga unan kung nangangalay na ang iyong mga tuhod.

    Lean Forward

    Sa pagsasagawa ng cowgirl sex position, maaari kang mag yumuko paabante nang kaunti sa iyong partner. Ito ay upang makaskas ang iyong clitoris sa kanilang pelvis. Sa halip na mag-bounce pataas at baba, ang iyong mga hita ay yuyugyog paharap at palikod sa sliding na paraan.

    Maglagay ng unan sa ilalim ng iyong mga tuhod kung ang penetration ay masyadong malalim.

    Gawing Advantage ang Iyong mga Braso para sa Suporta

    Subukan mag-lean forward upang mas malapit sa iyong partner kung nakakaramdam ng awkwardness dahil nasa taas. Makipaghawak kamay sa kanila upang matulungan kang gumalaw pataas at pababa at makontrol ang pace. Maaari din kung ang likod ng partner ay nakasandal sa pader (nakaupong posisyon), maaari ka ring gumamit ng pader para sa suporta. 

    Karagdagan sa pagbibigay ng seguridad, maaari mong gamitin ang pader upang magbigay ng suporta para sa paggalaw pataas at pababa o grinding.

    Lean Back

    Narito ang isa pang ideya. Maliban sa pag-abante, maaari ka ring iatras ang likod at ilagay ang iyong mga kamay sa ibabaw ng hita ng iyong partner para sa suporta.

    Maliban sa pagbibigay ng magandang view sa iyong katawan, may oportunidad ang iyong partner na laruin ang iyong clit, na mas magpapa-enjoy sa posisyon.

    Reverse Cowgirl Sex Position

    Kung isasagawa ang reverse cowgirl, maaari kang makita ng iyong partner mula sa likod habang ine-enjoy ang ride. Siguraduhin na hindi mababali ang ari ng iyong partner habang nasa posisyon.

    Sa pagsasagwa ng reverse cowgirl:

    1. Iunat ang hita ng iyong partner habang nakahiga sila.
    2. Humarap sa mga paa ng iyong partner sa pamamagitan ng pagtalikod.
    3. Ang iyong mga tuhod ay dapat nasa gilid ng hita ng iyong partner habang nakaupo at nag-straddle sa kanila.

    Benepisyo ng Cowgirl Sex Position

    Ang posisyon na ito ay ideyal para sa direktang pagmamanipula ng clitoris. Ito ay nagpapataas ng tsansa na ikaw ay mag-orgasm. Ang cowgirl position ay hinahayaan ang iyong partner na magkaroon ng madaling access sa iyong clitoris. Hinahayaan nito ang iyong partner upang manual na mag-stimulate habang nagbibigay sa kanila ng pleasure.

    Habang nakikipagtalilk, ang iyong partner ay nagbibigay ng maraming mga benepisyo. Ang cowgirl sex position ay hinahayaan ang iyong balakang na suportahan ng mga unan. Nagtatanggal din ng pressure ang cowgirl position para sa taong nakahiga. Para sa mga taong may sakit sa likod, ang pag-upo gamit ang kanilang likod ay hindi komportable sa kanila sa pakikipagtalik.

    Sa pamamagitan ng straddling, nawawala ang pressure mula sa mga kamay, siko, wrists, at balikat, habang pinananatili ang intimate contact sa kanilang partner. Ang taong nasa ibabaw ay maaaring kontrolin ang bilis at lalim ng penetration.

    Posible rin na pumili ng anggulo na nais at kung gaano kalalim ang ari ng lalake sa reverse cowgirl.

    Kailan hindi magandang ideya ang paggawa ng cowgirl position?

  • Kung ang babae ay buntis
  • kung ang babae ay Pelvic Organ Prolapse (POP)
  • Mga babae na may problema sa tuhod
  • Sa cowgirl sex position, maaaring hindi pabor ang gravity. Ang pag-upo at pagtayo ay nakapagpadaragdag lamang ng pressure sa iyong pelvic floor habang nakikipagtalik na hindi ideyal kung ikaw ay may POP o kung ikaw ay buntis.

    Tandaan

    Ano ang cowgirl position? Ito ay mainam na posisyon para sa mga babae na nais sumubok ng mas exposed na posisyon. Ang posisyon na ito ay hinahayaan ka na manatili sa ibabaw habang ang iyong partner ay may access sa iyong erogenous zones, lalo na ang clitoris. Kung gagawin nang tama, maaari itong maging kasiya-siya para sa inyong mag-partner.

    Gayunpaman, ang cowgirl position ay maaaring hindi ideyal para sa lahat. Dahil ang posisyon ay nagbibigay ng maraming pressure sa pelvic floor, maaaring hindi ito ideyal para sa mga babae na may pelvic organ prolapse o kung buntis.

    Matuto pa ng Sex Tips dito.

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mary Rani Cadiz, MD

    Obstetrics and Gynecology


    Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement