Ang bedtime resistance ay kapag ang iyong toddler ay ayaw matulog sa oras, na gumagawa ng hindi makatwirang mga dahilan. Ito ay isang karaniwang problema sa halos bawat bata ngayon. Minsan, sila ay nagrerequest na manood pa ng telebisyon nang kaunti. Kung minsan naman, sila ay masyadong naka-charge at walang mood para magpahinga at matulog. Ang sitwasyong ito ay kailangang harapin nang maingat at matiyaga. Kung pipilitin, ang batang ayaw matulog ay maaaring umiyak, magprotesta o magsimulang mag-tantrums.
Ang pag ayaw sa oras ng pagtulog ay may mga negatibong epekto sa buhay ng mga magulang at bata. Sa artikulong ito, alamin natin ang mga posibleng dahilan at paraan para ayusin ang mga problema sa oras ng pagtulog ng mga batang ayaw matulog.
Mga Posibleng Dahilan ng Pagtangging matulog sa oras
- Bedtime Resistance Dahil sa Takot – Maaaring natatakot ang iyong anak sa dilim o matulog na mag-isa. Huwag pilitin matulog kung ito ang kaso. Tulungan silang malampasan ang kanilang takot.
- Screen Time Bago Matulog – Hindi lang ito para sa mga bata, kundi pati na rin sa mga nasa hustong gulang. Ang sobrang tagal sa screen bago matulog ay maaaring sagabal sa iyong pagtulog at pag-uugali.
- Kapag ang Bata ay Labis na Pagod o Hindi Talaga Pagod– Ang pagpigil sa oras ng pagtulog ay maaaring resulta ng parehong kabaliktarang sitwasyon. Kung ang iyong anak ay nasiyahan sa isang mahabang nap sa hapon, maaari mong asahan na siya ay gising at masigla hanggang sa hatinggabi. At sa kabaligtaran, kung ang iyong anak ay pagod na pagod, malamang ang batang ayaw matulog ay puno ng adrenaline rush kapag oras na matulog.
Mga Paraan Para Solusyunan ang Hindi Pagtulog sa Oras
Ang solusyon sa mga problema sa oras ng pagtulog ng mga bata ay hindi napakahirap. Ang ilang partikular na pagbabago sa pamumuhay ay maaaring makatulong sa inyo na malampasan ang problema ng batang ayaw matulog.
Magtakda ng Schedule ng Pagtulog
Kung gusto mong makatulog ang iyong anak sa oras at iwasan ang hindi pagtulog sa oras, makakatulong na magtakda ng isang permanenteng oras ng pagtulog. Makakatulong din itong bumuo ng internal body clock para sa iyong anak. Bukod diyan, dapat mong ipaliwanag kung bakit mahalaga ang magandang pagtulog para sa kanilang malusog na paglaki. Gumawa ng schedule ng oras ng pagtulog at sundin ito.
Routine sa Oras ng Pagtulog para Iwasan ang Hindi Pagtulog sa Oras
Sa bedtime routine, maaaring gumawa ng ilang mga nakakatanggal ng pagod at nakakarelaks na activities tulad ng pagpapaligo sa iyong anak ng mainit na tubig, pagkukuwento o pagdarasal. Ang pagpapanatili ng isang routine ay tulong sa iyong anak na masanay sa isang disiplinado at mahimbing na pagtulog. Iwasan ang mga masiglang aktibidad tulad ng paglalaro sa labas o panonood ng telebisyon.
Bedroom Rules
Kung may batang ayaw matulog, dapat kang magkaroon bedroom rules. Maaari kang gumawa ng ilang mga bedroom rules na dapat sundin ng iyong mga anak nang mahigpit. Halimbawa, walang screen time sa kwarto pagkatapos ng isang nakatakdang oras ng pagtulog, hindi dapat ang pagtakbo o paglabas ng kuwarto at maaari kang magdagdag ng higit pa ayon sa nature at lifestyle ng iyong anak.
Huwag pansinin ang mga Request After Bedtime
Ang bawat kahilingan ay dapat bago ang oras ng pagtulog. Pagkatapos yakapin at halikan ang iyong mga anak, subukang umalis sa kanilang silid at hayaan silang makatulog nang mag-isa.
Bigyan ng Reward ang Positibong Pag-uugali
Kapag ang iyong mga anak ay natutulog at gumigising sa umaga sa oras, maaari mo silang bigyan ng reward. Makakaramdam sila ng motibasyon at inspirasyon na panatilihin ang good habit na ito.
Halimbawa, sa tuwing matutulog at gigising sa oras, bigyan sila ng points at itala ito sa scoreboard. Ang scoreboard ay pwedeng maging isang tsart sa kanilang dingding. Pagkatapos nilang makakuha ng takdang score, bigyan mo ng reward ng ilang mga regalo tulad ng pagpunta sa zoo o isang adventure theme park. Ito ang sagot para sa pag aalala mo sa batang ayaw matulog.
Ginagaya ng mga Bata ang Nakikita Nila sa Paligid
Bilang mga magulang o nakatatanda, kung hindi natin gagawin ang ating sinasabi sa ating mga anak, mali na umasa ng ganoon sa kanila.
Ang hindi pagtulog sa oras ay isang hindi pangkaraniwang bagay na naobserbahan hindi lamang sa mga bata, kundi pati na rin sa mga matatanda. Dahil sa addiction sa mga gadget at screen, ang ating sleep cycle at kalidad ng pagtulog ay lubhang apektado.
Siguraduhing orasan ang iyong personal screen time pati na rin ang iba pang aktibidad na nakakasira sa pagtulog para ma-solve at malampasan ang hindi pagtulog sa oras ng iyong anak.
Isang healthy at disciplined lifestyle lang ang kailangan mo para maalis ang lahat ng hindi gustong isyu, tulad ng batang ayaw matulog.