backup og meta
Matuklasan
Mga Health Tool
Magtanong sa Doktor
I-save

Pagpurga Sa Bata, Paano Ba Isinasagawa?

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD · General Practitioner


Isinulat ni Fiel Tugade · a

    Pagpurga Sa Bata, Paano Ba Isinasagawa?

    Napag-alaman mo na magkakaroon ng deworming sa paaralan ng iyong anak. Ngunit, maaaring hindi mo alam kung ano ito at para saan ito. Ibabahagi ng artikulong ito kung ano at paano isinasagawa ang pagpurga sa bata.

    Patuloy ang pagsasagawa ng Department of Health (DOH) ng kanilang nationwide drive para sa pagpurga sa bata. Sa tulong ng mga paaralan at mga local government units, nagbibigay sila ng anti-helminthic drugs tuwing National Deworming Month (NDM). Ito ay isang kampanya na nagaganap dalawang beses sa isang taon, tuwing Enero at Hulyo.

    Pag-Unawa Kung Bakit Isinasagawa Ang Pagpurga sa Bata

    Naaapektuhan ang higit sa isang katlo ng populasyon sa mundo ng mga bulate, partikular na sa mga bata at mahihirap. Ang mga intestinal worms ay mga parasiktikong naninirahan sa loob ng bituka ng tao. Maraming iba’t ibang uri na may iba’t ibang laki, ngunit lahat ay nagdudulot ng sakit. Ang pinakaraniwang uri ay ang roundworm infection sa mga bata. 

    Maaaring magkaroon ng mga bulate ang mga bata kapag hindi nila sinasadyang makakuha ng mga itlog ng uod sa kanilang mga kamay at nalunok nila. Kadalasan itong nangyayari kapag nilalagay ang mga daliri sa kanilang mga bibig o kakagatin ang kanilang mga kuko pagkatapos makipag-ugnayan sa mga taong may bulate o may worm-infected na alikabok, mga laruan o bed linen.

    Walang sintomas ang mas matatandang bata, subalit malaki ang posibilidad na magkaroon ng mga sintomas ang mga mas bata. Ito ay dahil ang kanilang mga bituka ay mas makitid at ang mga uod ay may mas kaunting puwang. Kabilang sa mga posibleng sintomas ang mga sumusunod:

    Kung hinaharangan na ng mga bulate ang bituka, maaari itong magdulot sa pagsusuka at sumasakit, kumakalam at matigas na tiyan. 

    Kapag tumagal, maaaring maging chronic ang impeksyon at humantong sa pagkaapekto ng iba’t ibang aspeto ng paglaki at pag-unlad ng isang bata:

    • Kalusugan (tulad ng pagkakaroon ng anemia)
    • Nutrisyon (tulad ng mga kaso ng malnutrsiyon)
    • Pag-unlad ng pag-iisip (cognitive development)
    • Pag-aaral at pagkakaroon ng educational access at achievement

    Kung kaya, isinasagawa ang pagpurga sa bata tuwing NDM dahil ang soil trasnmitted helminths ay isang pampublikong problema sa kalusugan. 

    Paano Isinasagawa Ang Pagpurga Sa Bata?

    Anuman ang karaniwang impeksyon sa bulate sa mga school-age na bata ay mabisang magagamot sa pamamagitan ng pagpupurga o deworming. Ang naturang paggamot ay ligtas. Sa katunayan, ligtas din itong inumin ng mga batang walang bulate kanilang katawan.

    Isinasagawa ang pagpurga sa bata sa isang simpleng paraan pagpapainom ng mga deworming tablets. Ang pinakakaraniwang ginagamit na gamot para sa paggamot ay tinatawag na Albendazole o Mebendazole. Ang parehong gamot ay kumikilos sa pamamagitan ng pagtigil sa bulate mula sa paggalaw, na kalaunan ay humahantong sa kamatayan nito.

    Walang katotohanan na ang mga naturang medisina ay magdudulot ng paglabas ng mga bulate sa bibig o ilong ng bata. Ang mga ito ay nasa anyo ng flavored chewable tablets na ligtas para sa mga batang higit isang taon. Mabisa ito at isang dose lamang ang kailangan, anuman ang timbang ng bata. Gayunpaman, hangga’t patuloy na pagdumi sa mga tinatawag na open area, ang mga bata ay madaling mahawa muli. Dahil dito, inirerekomenda ng DOH ang pagpurga sa bata dalawang beses sa isang taon. 

    Ang regular na pagpurga sa bata ay nakatutulong sa mabuting kalusugan at nutrisyon lalo na sa mga patuloy na nag-aaral. Ito ay humahantong sa pagtaas ng enrolment, attendance, at eduactional attainment. Naiiwasan din ang pag-ulit ng mga klase sa bata.

    Key Takeaways

    Maraming mga uri ng worm infection na maaaring makuha ng iyong anak mula sa iba’t ibang lugar at pamamaraan. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng ilang mga sintomas at masamang epekto sa paglaki at pag-unlad ng bata. Kung kaya, patuloy ang pagmumungkahi ng DOH kasama ng mga paaralan at lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng pagpurga sa bata dalawang beses sa isang taon. 
    Bukod sa regular deworming, makatutulong din kung mapapanatili ang proper hygiene sa pamamagitan ng simple at wastong paghuhugas ng kamay.

    Alamin ng iba pa tungkol sa Kalusugan ng Bata dito.

    Disclaimer

    Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

    Narebyung medikal ni

    Mae Charisse Antalan, MD

    General Practitioner


    Isinulat ni Fiel Tugade · a

    advertisement iconadvertisement

    Nakatulong ba ang artikulong ito?

    advertisement iconadvertisement
    advertisement iconadvertisement