backup og meta

Ano Ang Childhood Anxiety Disorder? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ano Ang Childhood Anxiety Disorder? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Hindi natin madalas iniuugnay ang anxiety disorder sa mga bata, pero ayon sa mga eksperto ito ay laganap. Sa katunayan, 1 sa 10 bata at kabataan ay nagkakaroon ng anxiety disorder. Ano ang childhood anxiety disorder? Ano ang mga uri nito? Alamin dito.

Anxiety Disorders, Kahulugan

Bilang mga magulang, alam natin na ang mga bata ay kadalasang nakakaramdam ng pag-aalala o takot paminsan-minsan. Halimbawa, nagagalit ang mga paslit kapag nahiwalay sila sa kanilang mga magulang, kahit na inaalagaan naman silang mabuti ng isang adult.

Gayunpaman, ang isang anxiety disorder ay hindi lamang nagdudulot ng paminsan-minsang pagkabalisa.  Ang mga takot at alalahanin ay patuloy at kung minsan ay extreme. Kung hindi pinamamahalaan, ang anxiety ay maaaring negatibong makaimpluwensya sa pag-uugali, pakikipag-ugnayan sa lipunan at mood ng isang bata pati na rin sa kanilang eating at sleeping habits.

8 Uri ng Childhood Anxiety Disorder

Maikli nating ilalarawan sa ibaba ang iba’t ibang uri kung ano ang childhood anxiety disorder. Kung naobserbahan mo ang mga indicator na binanggit sa bawat kondisyon, mangyaring huwag mag-atubiling dalhin ang iyong anak sa kanilang pediatrician.

Generalized Anxiety Disorder (GAD)

Madaling makaligtaan ang GAD sa simula. Dahil ang kondisyong ito ay nag-lalagay sa mga bata sa pag-aalala sa mga bagay na ikinababahala ng karamihan sa mga bata. Halimbawa na ang pagtatanghal sa paaralan o takdang-aralin. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, maaari mong mapansin na ang iyong anak ay labis na nag-aalala.

Nag-aalala sila tungkol sa mga maliliit na bagay – mula sa mga field trip hanggang sa lagay ng panahon, mga digmaan, at mga sakit. Dahil patuloy ang pag-aalala sa isip ng iyong anak, nahihirapan siyang mag-relax, magsaya, matulog, at mag-perform nang maayos sa paaralan. Sa ilang mga kaso, ang GAD ay nagiging sanhi ng kanilang pagkakasakit at pag-absent sa klase.

Tandaan na ang mga batang may GAD ay maaaring makipag-usap o hindi sa kanilang mga magulang tungkol sa kanilang mga alalahanin. At gaano mo man sila bigyan ng assurance, nahihirapan pa rin ang bata na maging okay ang pakiramdam.

Obsessive-Compulsive Disorder (OCD)

Ang mga bata ay maaaring magkaroon din ng OCD. Ang mga batang may OCD ay may obsessive at mapanghimasok na mga pag-iisip (obsession) at nararamdaman ang pangangailangang gawin ang mga ritwal upang mabawasan ang kanilang pagkabalisa (compulsions). 

Halimbawa, ang mga batang may pag-aalala tungkol sa mga mikrobyo ay maaaring madalas na maghugas ng kanilang mga kamay. Katulad nito, kung mayroon silang obsessive na pag-iisip tungkol sa kalat, madalas mong makikita silang muling nag-aayos at nag-aayos ng mga bagay.

Ang patuloy na pag-aalala na mawala ang isang tao o bagay ay paulit-ulit nilang hahanapan ng katiyakan (nagtatanong kung nasaan ang kanilang mga magulang o tinitingnan kung sarado ang pinto).

Panic Disorder

Ang isang batang may panic disorder ay nakaranas ng hindi bababa sa 2 anxiety o panic attack na biglang nangyari nang walang maliwanag na dahilan. Pagkatapos, magkakaroon sila ng hindi bababa sa isang buwan na pag-aalala tungkol sa isa pang pag-atake o pagkawala ng kontrol. Maraming sintomas kung ano ang childhood anxiety disorder na ito.

Sa panic disorder, kabilang ang:

  • Mabilis na tibok ng puso
  • Pagpapawis
  • Ang pangangailangang makatakas 
  • Panginginig
  • Hirap sa paghinga
  • Takot na mamatay 
  • Pananakit ng dibdib o discomfort
  • Hot flashes 
  • Pagkahilo 
  • Pakiramdam ng nabulunan
  • Pakiramdam ng kapahamakan o napipintong panganib

Ang panic disorder ay isang uri ng childhood anxiety disorder na maaaring mag-trigger ng isa pang anxiety disorder na tinatawag na agoraphobia. 

Sa kanilang takot na magkaroon ng panibagong panic o anxiety attack, ang bata ay maaaring magkaroon ng kakaibang takot sa mga lugar kung saan imposibleng makatakas o mga sitwasyon kung saan walang available na tulong. 

Halimbawa, maaaring natatakot silang pumunta sa lugar kung saan nangyari ang kanilang nakaraang pag-atake. Ito ay dahil nag-aalala sila na magkakaroon ng  isa pang pag-atake.

Separation Anxiety Disorder (SAD)

Ang isa pang karaniwang uri ng childhood anxiety disorder ay separation anxiety disorder.

Tandaan na iba ito sa karaniwang “separation anxiety” na nararanasan ng mga bata. Ang mga bata ay maaaring sa una ay may takot na mahiwalay sa kanilang mga magulang, ngunit kapag sila ay nasasanay sa sitwasyon, sila ay magiging mas kampante.

Ang mga batang may SAD ay hindi nalalampasan ang kanilang separation anxiety. Sila ay nakadikit sa kanilang mga magulang. Kung minsan ay tumatanggi pa na pumasok sa paaralan dahil hindi nila gustong mawalay sa kanila.

Selective Mutism

Ang selective mutism ay isang anxiety disorder na nakakasagabal sa performance ng isang bata sa paaralan at kakayahang makipagkaibigan. Ito ay dahil pinapahirapan sila ng SM na magsalita (maging mute) sa mga piling sitwasyon. Ano ang childhood anxiety disorder na ito?

Upang mas malinaw, kapag sinubukan ng isang guro na kausapin ang isang bata na may SM, maaaring lumingon siya, maging walang ekspresyon, paikutin ang kanilang buhok, o kagatin ang kanilang daliri upang maiwasang magsalita.

Ang mga batang may SM ay nakakapagsalita. Sa katunayan, maaari silang maging napakadaldal sa bahay o sa mga taong komportable sila. Kaya naman nagugulat ang mga magulang na malaman na hindi nagsasalita ang kanilang mga anak sa paaralan.

Specific Phobias

Kung paanong ang mga adult ay maaaring magkaroon ng phobia, ang mga bata ay maaaring magkaroon din nito. 

Ang specific phobia ay isang extreme, pangmatagalan, at matinding takot sa isang partikular na bagay. Iba ito sa mga karaniwang takot ng mga bata sa madilim, halimaw, at malalakas na ingay. 

Maaaring natatakot ang mga bata sa mga bagyo, aso, karayom, dugo, o pagsusuka. Kapag ang mga bata ay lumalapit sa kanilang kinatatakutan, nagiging mahirap silang aliwin at takot na takot.

Social Anxiety Disorder

Ang mga batang may social anxiety disorder o social phobia ay hindi gustong maging sentro ng atensyon. Ito ay dahil labis silang nag-iisip tungkol sa kung ano ang iisipin o sasabihin ng iba tungkol sa kanila. 

Tandaan na ang social anxiety disorder ay nakakasagabal sa academic performance at social interactions. Sa recitations, hindi nila itataas ang kanilang mga kamay. Sa mga presentasyon sa klase, maaari silang makaramdam ng sakit o magkaroon ng matinding takot na magsalita o makagawa ng mali.

Post-Traumatic Stress Disorder

At ang pinakahuli sa mga uri ng kung ano ang childhood anxiety disorder ay PTSD. 

Ang mga batang may PTSD ay kadalasang nagpapakita ng matinding takot at pag-aalala sa ilang bagay. Nagpapaalala sa kanila ang mga ito ng isang traumatikong karanasan, na maaaring marahas na pisikal na pag-atake, aksidente, o natural disaster. 

Kadalasan, ang mga bata ay “muling mararanasan” ang trauma sa pamamagitan ng mga bangungot o flashback. Maaaring nahihirapan silang matulog, magmukhang magulo, o masyadong kinakabahan sa kanilang paligid.

Key Takeaways

Paano mo malalaman kung ang iyong anak ay may anxiety disorder? At kung ano ang childhood anxiety disorder nya?  Mayroong dalawang hakbang: una, kailangan mong bantayan ang mga palatandaan at sintomas na maikling tinalakay natin sa bawat kondisyon. Ang susunod ay dalhin ang iyong anak sa doktor para sa tumpak na diagnosis. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Anxiety disorders Symptoms & Causes
https://www.childrenshospital.org/conditions-and-treatments/conditions/a/anxiety-disorders/symptoms-and-causes
Accessed February 11, 2021

Anxiety Disorders in Children
https://adaa.org/sites/default/files/Anxiety%20Disorders%20in%20Children.pdf
Accessed February 11, 2021

Childhood Anxiety Disorders
https://adaa.org/living-with-anxiety/children/childhood-anxiety-disorders
Accessed February 11, 2021

Anxiety Disorders
https://kidshealth.org/en/parents/anxiety-disorders.html
Accessed February 11, 2021

Anxiety and Depression in Children
https://www.cdc.gov/childrensmentalhealth/depression.html
Accessed February 11, 2021

Anxiety disorders in children
https://www.nhs.uk/conditions/anxiety-disorders-in-children/
Accessed February 11, 2021

Kasalukuyang Version

04/13/2023

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Eating Disorder Ng Bata

Pagpupuri ng Bata: Mayroon Bang Tama o Maling Paraan Ba Nito?


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement