backup og meta

Mga Dapat Dalhin sa Hospital 'Pag Nanganak: Huwag Kalimutan Ang Essentials!

Mga Dapat Dalhin sa Hospital 'Pag Nanganak: Huwag Kalimutan Ang Essentials!

“Kapag nanganganak ang isang babae, dalawa ang isinisilang: isang sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang ina, at isang ina.” Para sa mga mamas-to-be, isang understatement ang sabihin na isang rollercoaster ang pagbubuntis. Kapag malapit ka na sa finish line, napakatindi ng rush ng nerves at excitement. Pero ayos lang, mama! Palaging nakatutulong ang pagiging handa. Ano ba ang mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak?

Malaking bahagi ng pagpaplano bago ang iyong due date ang paghahanda ng iyong hospital bag. Madali kang makakatingin sa iyong hospital bag para sa iyong baby checklist!

Ayon sa ilang mga nanay at OB-Gyne, maaari mong ihanda ang iyong hospital bag para sa iyong anak sa iyong unang ika-28 na linggo, ngunit hindi lalampas sa iyong ika-37! Dahil pagdating sa oras ng panganganak, kailangan mo na lang kunin ang iyong bag at umalis.

Ngayong alam na nating kailangan natin maghanda ng bag para hindi mag-alala sa araw ng panganganak, kailangan ba nating mag-impake? Gumawa kami ng simpleng checklist para sa kung ano ang mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak. Makababawas ito ng pag-aalala. Hindi lang namin isinama ang lahat ng iyong bagong mama must-haves. Kasama na rin dito ang mga item para sa iyong bagong panganak at kapareha!

Magpatuloy sa pagbabasa para malaman kung ano ang mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak para sa iyo at sa iyong anak. Katulong mo kami, mama!

mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak

Mama’s bag

Pinakamasayang pakiramdam ang umalis ng bahay nang alam mong babalik ka nang kasama ang iyong bagong panganak. Ngunit maraming dapat pagdaanan bago umuwi!

Huwag kalimutang mag-impake muna para sa iyong sarili, dahil hindi tulad ng paglalakad sa parke ang panganganak. Kailangan mong tiyakin na handa na ang lahat para sa pag-check-in. Mga gamit para komportable habang naka-confine, at siyempre lahat ng kinakailangang pangkaligtasan sa gitna ng pandemya.

Mga valid ID at birth plan

Kung isang flight ang panganganak, ang mga ID ang iyong passport habang ang birth plan naman ang iyong itinerary. Magiging maayos ang proseso ng pag-check-in sa ospital kahit na nagmamadali o nalulula.

Mga nursing bra

Tulad ng pagbabago ng katawan sa bawat trimester, magdadala pa ng panibagong yugto sa iyong buhay ang panganganak. Masusuportahan ka ng mga seamless nursing bra nang may restriction lalo na kapag namamaga at sumasakit ang iyong suso habang na-re-regulate ang kanilang suplay ng gatas. Maaari din itong isuot sa pagtulog, kapwa para maging komportable at para sa pagpapanatiling nakakabit ang iyong mga nursing pad.

Mga breast o nursing pad

Habang nasasanay ang iyong katawan sa breastmilk, maaari itong tumulo habang ginagawa ang iyong unang gatas na kilala sa tawag na colostrum. Madaling gamitin ang mga nursing pad upang masalo ang tagas at masipsip ang moisture para hindi mairita sa paligid ng nipple area.

Maternity panty

Tiyak na nakaipon ka na ng maraming pares ng madaling gamitin na maternity panty na bagay sa iyong baby bump, ngunit hindi titigil dito ang pangangailangan mo dito! Magbibigay pa rin ng kinakailangan mong suporta ang mga komportableng undies na ito pagtapos manganak.

Maternity pad o adult diaper

Bukod sa pagkakaroon ng maternity underwear, maaari mong asahan ang postpartum bleeding. Masasalo ng mga maternity pad, disposable panty, o kahit na mga adult diaper ang anumang discharge.

Post-pregnancy belt o wrap

Magiging nasa pinakamahina ang iyong abdominal muscle pagtapos ng manganak. Kaya susuportahan ng postpartum belt o wrap ang iyong mga muscle at magbibigay ito sa iyo ng light compression na makatutulong sa mabilis na pagliit ng iyong matris (na natural na mangyayari kahit walang wrap).

Karaniwang magbibigay ng isa ang mga ospital, ngunit maaari kang magdala ng sarili mong Mamaway Nano Bamboo Postnatal Recovery at Support Belly Band, ang mga paborito ng mga nanay!

Mga damit

Habang madalas na naka-hospital gown, mahalaga ang pagdadala ng mga komportableng damit para sa iyong pananatili! Kinakailangan ang mga komportableng damit na pantulog at pang-uwi.

Mga face mask, Alcohol, at Disinfectant wipes

Sinasabi nga na kakaibang oras ito para manganak dala ng pandemya. Dahil pangunahing prayoridad ang kaligtasan, habang naghahanda sa pagdadala ng bagong buhay sa mundo. Maingat ding sundin ang mga protocol para sa kaligtasan sa pandemyang ito!

Mga toiletry

Pinakamainam na magdala ng sariling mga toiletry para sa iyong pananatili! Mas magiging komportable ka dahil sa pamilyar na mga pabango.

Mga tsinelas

Para sa anumang kaso ng confinement, mas mabuting magdala ng sariling tsinelas.

Bukod sa pagiging pamilyar sa sariling tsinelas (at mas komportable), hygienic ito at binabawasan din nito ang pagdikit mo sa mga foreign object.

Libangan (mga aklat, kagamitan sa pagsusulat, atbp.)

Siguradong matatagalan mo ang mahabang paghihintay habang naka-confine! Magdala ng mga bagay na magpapasaya sa iyo tulad ng mga laro o aklat, o mga kagamitan sa pagsusulat para madokumento ang mga iniisip sa panahong ito!

Bag ni Baby

Ngayong naasikaso na natin ang iyong mga pangangailangan, mag-impake na tayo ng hospital bag para sa sanggol! Sakop nito ang lahat ng mahahalagang bagay para sa sanggol na kakailanganin mo para sa exciting na biyahe pauwi. Maraming mga first ang mangyayari kaya mas mabuting hindi lang nasa bahay ang mga nakahandang gamit sa bagong panganak, dala rin dapat sila sa ospital!

Swaddles at kumot

Unang sigaw sa kanyang buhay! Pagkatapos linisan ang bagong panganak na sanggol, ligtas silang ibibigkis sa isang swaddle upang maprotektahan sila laban sa natural na startle reflex at maiwasan ang anumang paghawak o pagkamot. Nakakaalis din ng anxiety ang snugness dahil kapareha nito ang pakiramdam ng pagkahawak sa kanila, na makatutulong sa iyong sanggol na mapakalma ang sarili.

Mga guwantes at booties

Mga bonnet

Onesie o romper

Palaging unang iniisip ng mga sanggol ang pagiging komportable. Kabilang sa mga mahahalagang gamit para sa iyong bagong panganak ang onesies o rompers, mittens at booties, at bonnet o sombrero. Maghanap ng mga onesies na madaling labhan at tama ang sukat. Ang mga bagong panganak – sa kabila ng kanilang maselan na balat – may matalas silang mga kuko, kaya pinoportektahan sila ng mga guwantes at booties mula sa pagkalmot sa kanilang sarili nang hindi naaantala ang circulation tulad ng ginagawa ng mga medyas at guwantes.

Panghuli, inirerekomenda ang mga bonnet o sombrero dahil may mababang body heat retention ang mga bagong panganak. Lalo na at galing sila sa natural na init ng sinapupunan ng ina.

Sa lahat ng mga nabanggit na gamit, prayoridad para sa baby fashion na angkop sa ating tropikal na panahon ang lahat ng malamig, breathable, at gawa sa de-kalidad na materyal.

Mga washcloth (marami nito)

Magtanong sa sinumang ina— hindi sapat ang pagkakaroon ng maraming washcloth. Lalo na pagkatapos manganak, ginagamit ang washcloth sa soft wipes sa oras ng pagkain o anumang sitwasyon na nangangailangan ng mabilis na paglilinis. Dahil hindi pa nangyayari ang unang nilang pagligo, dapat nakahanda ang mga washcloth sa iyong pag-uwi.

Mga lampin

Para sa sinumang unang beses maging ina, nangangahulugan din ng pagpasok sa isang bagong kabanata ng buhay na puno ng mga diaper ang pagdadala ng bagong buhay sa mundong ito! Pumili man ng mga disposable diaper (madaling gamitin, single-use) o cloth diaper (eco-friendly, maaaring labhan), siguraduhing piliin ang sukat sa iyong bagong panganak!

Bag ng kapareha

Ang paglalagay ng lahat ng hindi kasya sa iyo sa bag ng iyong kapareha ang pinakapatakaran para sa pag-iimpake dito! Mahalagang tandaan muna kung ano ang mga protocol ng ospital: kung kailangan ng mga pag-iingat tulad ng mga resulta ng swab test, atbp.

Diaper bag

Siyempre, hindi maaaring magdala ng sarili nilang mga lampin ang mga bagong panganak. Maraming mga unang bagong nanay ang nagtataka kung bakit mahalaga ang diaper bag kumpara sa paggamit ng isang malaking bag na kayang paglagyan ng lahat ng mga pangangailangan ng kanilang anak. Maaari namang gumamit ng sariling bag. Ngunit may ilang dahilan kung bakit mas madaling gamitin ang mga diaper bag.

Una sa lahat, ginawa ito para sa lahat ng mahahalagang bagay na dadalhin para sa iyong sanggol. May nakalaan na lalagyan upang panatilihing ligtas at mainit ang mga bote, compact na espasyo para sa mga diaper, bulsa, at lalagyan para sa mga washcloth, wipes. Sa madaling salita, kung anong kailangan mo, makukuha mo. At para sa mga hindi sinasadyang kalat, ang mabilis na pag-iisip ng, “saan ko nga uli inilagay ang ___ na iyon?” ang maaaring magdala sa iyo ng magandang resulta o isang sakuna.

Mga canvas bag at wet bag

Palaging ligtas na magkaroon ng sobrang bag para sa iba pang pangangailangan na hindi kasya sa iyong bag. Maaaring itago ang natitiklop na extra canvas bag sa kahit saang bulsa para sa karagdagang mapaglalagyan. Habang ang wet bag naman ang magsisilbing lagayan ng mga bagay na dapat iligtas mula sa anumang laway, pagtagas, o sorpresa mula sa sanggol.

Mga unan

Bagaman napakagandang milestone na pinapangarap ng maraming kababaihan ang panganganak. Isa rin itong nakaka-stress at nakakatakot na gawain kapag hinihintay na ito nang ilang sandali na lang. Tulad ng pambahay na damit at tsinelas, ang pagdadala ng sariling unan sa ospital ay makapagbibigay sa iyo ng familiarity at comfort sa life-changing experience na ito.

Mga meryenda

Hindi katulad ng nakikita sa mga pelikula ang panganganak. Aabutin ito ng ilang oras, at maraming paghihintay (bago o sa oras ng contraction) ang kaakibat nito. Maghanda ng ilang masustansyang pagkain para sa sarili, o ilang matatamis!

Extra na charger at mga power bank

Pinakamabuting magkaroon ng mga charger cord, power bank, at mga extra para sa pananatili sa ospital. Para may paglibangan o dokumentasyon at pakikipag-usap sa mga mahal sa buhay para sa magandang balita!

Handa ka na, mama! Para mapadali ang iyong karanasan (at para mabawasan din ang mga alalahanin). Naghanda kami ng maaari mong ma-download na checklist ng mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak para ma-print o ma-save ito sa iyong cellphone!

mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak

Lubos na pinapayo ang paghahanda ng mga dapat dalhin sa hospital pag nanganak kahit kailan sa pagitan ng iyong ika-28 hanggang ika-34 na linggo. Mangyayari ang sunod na paghahanda para sa kakailanganin ng iyong bagong panganak kapag naiuwi mo na sila!

Orihinal na lumabas ang kuwentong ito sa Edamama at ginamit muli nang may pahintulot: https://www.edamama.ph/discover/nurture/hospital-bag-checklist-for-baby-and-mom

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kasalukuyang Version

06/01/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Ano ang Retained Placenta Fragment Matapos Manganak?

7 Potensyal na Komplikasyon ng Cesarean Delivery, Tuklasin Dito


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement