backup og meta

5 Tips Paano Hindi Magsawa Sa Relasyon, Ayon Sa Doktor!

5 Tips Paano Hindi Magsawa Sa Relasyon, Ayon Sa Doktor!

Ang pag-iingat at pag-aalaga sa isang relasyon ay hindi biro. Kailangan magtulungan ang magkapareha sa pagpapatibay ng kanilang samahan. Pero paano kung dumating ang panahon na magkasawaan kayo, ano ang gagawin mo?

Sa totoo lang mahirap sagutin ang tanong na ito, lalo na kung wala sa iyong intensyon na makipaghiwalay sa iyong kapareha. Kaya mas mabuti na gumawa na lamang ang bawat isa ng mga paraan upang mapanatili ang apoy at excitement sa inyong relasyon.

Para magkaroon kayo ng ideya kung paano mas pangangalagaan ang inyong samahan, narito ang 5 tips paano hindi magsawa sa relasyon, ayon kay Dr. Jaeim Maranan. Ngunit bago natin alamin ang mga tip paano hindi magsawa sa relasyon, alamin muna natin ang dahilan bakit nagkakasawaan.

Anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakasawaan sa isa’t isa ang magkarelasyon?

Dr. Jaeim: Pwedeng ma-outgrow niyo ang isa’t-isa kapag nagtagal ang relasyon, na factor din kung bakit nagkakasawaan. May mga instances rin na habang nasa relasyon ay nagkakaroon sila ng hidwaan o hindi pagkakasundo, at kapag nagsusunod-sunod o mas madalas ang away maaaring magdulot ito ng pagkakasawaan. Meron ding instances na nagkakasawaan sa relasyon dahil hindi nagkaka-match ng ideya o perspective, mapamalaki o maliit man na bagay. ‘Yung pagkakaiba rin ng perspective regarding sa desisyon para sa sarili o sa isa’t isa bilang partners, eh factors din ‘yon ng sawaan. And lastly kapag hindi nasa-satisfy ang needs or wants ng isa’t isa leading din ‘yon kung minsan sa pananawa sa relasyon.

Anu-ano ang mga tip para hindi magsawa sa relasyon?

what happens when you fall in love with someone

Dr. Jaeim: Una, magbigay ng space para mag-grow as an individual, ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay kailangan maghiwalay o itigil ang relasyon–pwede pa rin mag-grow individually sa pamamagitan ng pag-allow ng oras sa isa’t isa na i-pursue ang sariling gusto, na syempre ay may kasama ring compromise. Kailangan rin ng ‘alone time’ ng couples para sa growth. Ipupursue niyo ang gusto niyo individually, pero at the end of the day, babalik kayo sa isa’t-isa by sharing yung experiences niyo as an individual, na makakatulong sa growth niyo rin as a couple. 

Pangalawa, i-try ipakita kung gaano kamahal ang iyong partner sa abot ng makakaya, ng walang hinihinging kapalit, kung ano ang gustong ipakita na care at pagmamahal sa partner, ay wag magdalawang-isip. Maaari ring mag-reminisce o tandaan ang mga happy memories niyo, every now and then.

Pangatlo, mag-explore ng mga bagong experiences at opportunities ng magkasama. Hindi lamang sa makakatulong ito makilala niyo ang sarili niyo as a couple, pero maeexpose rin kayo sa mga sitwasyon na makakatulong alamin kung papaano ninyo iha-handle ang mga sitwasyon as a couple. 

Pang-apat, ‘wag magbilangan ng mali. Maging fair sa isa’t isa. Maging honest at makinig sa isa’t-isa. Mas maigi na pag-usapan ng masinsinan at maayos ang naging problema. Sa imbis na magfocus sa bilang ng mali o sa naging mistake lang, dapat ay mapag-usapan kung bakit naging mistake o problema ang isang bagay as a couple, ng hindi nagsisisihan. Susunod na dito ang pag-uusap kung papaano rin ito sosolusyonan.

Panghuli, lumabas kasama ang mga kaibigan as a couple. Sa ganitong paraan, hindi lamang kayo nakikipag-bonding sa isa’t isa, pero kayo rin ay nagkakaroon ng oportunidad na maka-bonding ang ibang tao na magkasama kayo. Dagdag na rin dito na nakakapag-bonding rin kayo as a couple, syempre.

Bilang doktor ano ang maipapayo mo sa magkarelasyon na gustong magtagal?

Dr. Jaeim: Sa tingin ko, this applies for everyone and ang mga sasabihin ko ay hindi necessarily nangangailangan na propesyonal na perspective, dahil iba’t iba ang perspective ng mga tao at what I think could work for me, could not work for another person. 

chances of getting pregnant with woman on top

Case-to-case basis ang mga relasyon, kung kaya’t walang defined na professional tip para magtagal ang relationships, pero sa tingin ko, at the very least, ay isama sa long-term plans ang isa’t isa. Dapat rin ay aligned ang goals niyo as a couple, na hindi rin naman inisinasantabi ang sarili ninyong goals for your individual growth. Dapat pag-usapan niyo kung ano ang pwede ninyo gawin as a couple to make it work. With emphasis on dapat gagawin niyo as a couple ito, at hindi as one individual in a couple lang. Hindi madali i-sustain ang long term relationships, malamang dahil sa pressure o kawalan ng nararamdaman, kung kaya dapat may effort na ginigugol sa relationships, at araw-araw rin itong sinusubukan gampanan, pero hindi ito mararamdaman as effort or mabigat, kung ikaw ay nasa tamang tao at willing kayong pareho to make things work. 

safe ba ang withdrawal

Personally, I think rin na magandang goal rin ang mapakita at mapadama mo ang pagmamahal mo sa partner mo. At ang bottomline rin dito, importante na may magandang komunikasyon at magkasama kayong nage-effort sa kung ano man ang maaaring pagdaanan o ma-experience niyo as a couple, pati na rin as an individual. Palagi rin ipakita at ipadama sa partner ang pagmamahal–hindi naman kailangan en grande, sabi nga nila, ‘it’s the small things that matter,’ as long as sincere ka. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Divorce and separation in the Philippines: Trends and correlates, https://www.demographic-research.org/volumes/vol36/50/36-50.pdf Accessed January 13, 2023

How to Make Love Last, https://www.psychologytoday.com/intl/blog/when-kids-call-the-shots/201901/how-make-love-last Accessed January 13, 2023

Tips for Building a Healthy Relationship, https://www.helpguide.org/articles/relationships-communication/relationship-help.htm Accessed January 13, 2023

The 10 Truths of Happy Relationships, https://psychcentral.com/health/the-secrets-of-happy-couples Accessed January 13, 2023

10 Tips for Healthy Relationships, https://www.amherst.edu/campuslife/health-safety-wellness/counseling/self_care/healthy_relationships/10_tips_for_health_relationships Accessed January 13, 2023

 

Kasalukuyang Version

06/11/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

4 Tips Paano Ka Makakaalis sa Toxic Relationship!

Posible Bang Mabago Ang Masamang Ugali? Alamin Ang Kasagutan Dito!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement