backup og meta

Sakit Sa Pag-iisip Ng Serial Killer, Alamin Kung Ano Ang Mga Ito

Sakit Sa Pag-iisip Ng Serial Killer, Alamin Kung Ano Ang Mga Ito

Totoong nakatatakot ang mga mamamatay tao— kaya nga marami sa’tin ang curious kung ano ang sakit sa pag-iisip ng serial killer. Kamakailan nga lang ay may ini-report na kaso ng isang 15-anyos na pinatay ang kaniyang 4-anyos na pamangkin. Di umano, iniidolo raw ng bata ang serial killer na si Jeffrey Dahmer.

Madalas napapaisip ka rin tungkol sa kung anong estado ng pag-iisip bago, habang, at pagkatapos nila gawin ang mga krimen?  Mayroon ba silang mga sakit sa pag-iisip na “pinilit” para gawin ang mga karumal-dumal na krimen? Kung meron, ano bang mga sakit sa pag-iisip ng serial killer? Alamin dito.

Paano masasabi na ang isang tao ay serial killer?

Kung titingnan mo sa online ang kahulugan ng serial killer. Maaaring magulat ka, dahil medyo mahirap maghanap ng kahulugan tungkol dito.

Initially, sinabi ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) na ang serial killing ay dapat na involved sa at least 4 events sa magkakaibang lugar, kung saan separated ito sa pamamagitan ng “cooling off” period.

Pero sa huli, binawasan nila ang bilang ng mga kaganapan ng pagpatay sa tatlo para masabi na ang isang tao ay serial killer. Gayunpaman, nangatwiran ang ilang mga tao na i-e-exclude nito ang mga serial killer na nakapatay ng 2 beses, dahil nahuli o naaresto bago ang kanilang ikatlong krimen at paggawa pa ng serye ng mga pagpatay sa parehong lokasyon.

Bilang tugon dito tinanggap ng maraming iskolar ang depinisyon na ibinigay ng US Department of Justice. Kung saan masasabi na serial killer ang isang tao kapag sunud-sunod na ang pagpatay na kinasasangkutan nito na hindi bababa sa 2 pagpatay na naganap sa loob ng isang panahon, mula sa oras hanggang taon.

Sakit sa pag-iisip ng serial killer

Bagama’t tinanggap ng maraming tao ang depinisyon na ibinigay ng Kagawaran ng Hustisya ng US, sumasang-ayon pa rin sila na ito ay medyo malabo. Sapagkat hindi kasama sa depenisyon ang motibasyon sa likod ng mga pagpatay at kung nakakaranas ng mental disorder ang salarin o hindi.

Kaugnay nito, kapansin-pansin na marami sa mga natukoy na serial killer ay na-diagnose na may hindi bababa sa isang sakit sa pag-iisip. Nasa ibaba ang ilan sa mga sakit sa isip na mayroon ang mga kilalang serial killer:

Borderline personality disorder

Ang borderline personality disorder ay nagsasangkot sa paulit-ulit o patuloy na pattern of mood, pag-uugali, at self-image. Ito ay kadalasang nagreresulta sa impulsivity at mga problema sa relasyon.

Kasama sa mga sintomas ang extreme views at nagbabagong damdamin. Halimbawa, maaari silang mag-isip sa mga tuntunin ng “all good” o “all bad.” Gayundin, maaari nilang isipin ang isang tao bilang isang kaibigan o isang kaaway sa susunod na araw o sandali.

Ang isang serial killer na na-diagnose na may borderline personality disorder ay si Jeffrey Dahmer. Kung saan pinatay niya ang 17 lalaki sa loob ng mahigit isang dekada.

Sakit sa pag-iisip ng serial killer: Schizophrenia

Hindi natin maaaring pag-usapan ang tungkol sa mga sakit sa pag-iisip ng serial killer nang hindi binabanggit ang schizophrenia. Isa itong kondisyon kung saan naiiba ang pagpapakahulugan ng tao sa katotohanan.

Sa schizophrenia nagsasangkot dito ang distorted thinking, pang-unawa, sense of self, pag-uugali, at emosyon. Maaaring magkaroon ng mga delusyon at guni-guni ang mga pasyenteng may schizophrenia. Kung saan nakikita o naririnig nila ang mga bagay na wala doon. Ang mga guni-guni at maling akala na ito ay maaaring magdulot sa kanila para makapanakit o kumitil ng buhay.

Si David Berkowitz, na kilala rin bilang “Son of Sam,” ay pumatay ng anim na tao, at kline-claim niya na ang aso ng kanyang kapitbahay na si Sam ang nagpagawa nito sa kanya. Kung saan kinalaunan ay na-diagnose siya ng mga eksperto na may paranoid schizophrenia

Antisocial Personality Disorder

Marami sa’tin ang binabalewala ang salitang “antisocial”, at kadalasang ginagamit ito para tukuyin ang mga taong gustong magtago sa kanilang sarili. Gayunpaman sa psychiatry, ang isang antisosyal na tao ay karaniwang walang pagsasaalang-alang sa tama at mali. At sa karamihan ng mga kaso, wala rin silang pakialam sa damdamin at karapatan ng ibang tao.

Ang mga taong may APD ay maaaring gumamit ng alindog o charm para linlangin at manipulahin ang iba. Maaaring wala rin silang empathy at nagpapakita ng sense of superiority. Pwede rin silang magsinungaling, magkaroon ng mga problema sa paggamit ng alak at droga, o kaya hindi magpakita ng pagkakasala o pagsisisi para sa mga krimen na kanilang ginawa.

Pakitandaan na medically improper ang magsabi na ang isang tao ay isang psychopath o sociopath dahil sa kanilang kundisyon. Lumalabas ang mga sintomas dahil mayroon silang mental health concern at tinatawag itong antisocial personality disorder.

Sinasabi ng mga ulat na si Ted Bundy, na umamin sa 30 na pagpatay ay may antisocial personality disorder. Si John Wayne Gacy kasama ang 33 biktima at si Charles Manson, ang pinuno ng Manson Family Cult ay nagkaroon din ng APD.

Key Takeaways

Anong mga sakit sa pag-iisip ng serial killer? Sinasabi ng mga ulat na ang ilang serial killer ay may schizophrenia, borderline personality disorder, at antisocial personality disorder.
Pakitandaan na ang pagiging diagnosed sa ganitong mga sakit sa pag-iisip ay hindi nangangahulugang nagpapataas ng tendecy ng tao na kumitil ng buhay. Sa paggagamot at suporta, malalampasan ng isang tao ang kanyang mental health concern.
Kung ikaw o may taong kilala na nahihirapan sa pagsasagawa ng kanilang mga pang-araw-araw na gawain dahil sa mga isyu sa pag-iisip, huwag mag-atubiling humingi ng medikal na tulong.

Matuto pa tungkol sa Healthy Mind dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Serial murder
https://www.britannica.com/topic/serial-murder
Accessed June 9, 2021

Borderline Personality Disorder
https://www.nimh.nih.gov/health/topics/borderline-personality-disorder/#:~:text=Borderline%20personality%20disorder%20is%20an,actions%20and%20problems%20in%20relationships.
Accessed June 9, 2021

Schizophrenia
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/schizophrenia
Accessed June 9, 2021

Antisocial personality disorder
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/antisocial-personality-disorder/symptoms-causes/syc-20353928
Accessed June 9, 2021

SERIAL KILLERS AND THEIR DISORDERS
https://www.bremertonschools.org/cms/lib/WA01001541/Centricity/Domain/222/Daijah%20Serial%20Killers%20and%20Their%20Disorders.pdf
Accessed June 9, 2021

DANGEROUS MINDS: THE MENTAL ILLNESSES OF INFAMOUS CRIMINALS
https://www.forensicscolleges.com/blog/resources/dangerous-minds-criminal-mental-illness
Accessed June 9, 2021

Kasalukuyang Version

05/31/2023

Isinulat ni Lornalyn Austria

Narebyung medikal ni Jaiem Maranan, RN MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Sintomas ng Personality Disorder: Mga Pangunahing Kaalaman

Paano Nakakaapekto ang Galit sa Utak at Katawan? Alamin


Narebyung medikal ni

Jaiem Maranan, RN MD

General Practitioner


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement