brand logo
Matuklasan
Mga tool sa kalusugan
Komunidad
Pangangalaga

Patalastas

Share

Ano-Ano Ang Iba’t Ibang Uri Ng Anxiety? Alamin Dito

Ang bawat tao’y nakaranas na ng sintomas ng anxiety. Ngunit, ito ay mas malala sa mga taong may anxiety disorder dahil kadalasan silang makaranas ng maraming sintomas sa isang pagkakataon. Ang mga sintomas na ito ay maaaring para sa isang uri ng karamdaman. Subalit, sa ilang mga kaso, maaari talaga silang para sa iba’t ibang uri ng anxiety disorders.

Ano-Ano Ang Iba’t Ibang Uri Ng Anxiety? Alamin Dito

Sa Pilipinas, ang mental health ay tila taboo pa rin na paksa at mayroon pa ring ilang stigma sa paligid ng mga mental illnesses. Sa katunayan, halos parang ang mental health ng isang tao ay ganap na hindi binibigyang halaga at isinasantabi lamang.

Maaaring balewalain ang mga sintomas ng anxiety disorder, lalo na sa umiiral na mentality na nagsasabing “Nerbyos lang ‘yan.” Ang nerbyos ay tila isang umbrella term na kung minsan ay ginagamit ng mga Pilipino upang ilarawan ang ilang uri ng mental o emotional distress.

Ang totoo, may iba’t ibang uri ng anxiety disorder. At posible ngang magdusa ng higit sa isang uri sa isang pagkakataon.

Iba’t Ibang Uri Ng Anxiety Disorders

Generalized Anxiety Disorder (GAD)

Ang unang uri ay GAD, na nangangahulugang Generalized Anxiety Disorder. Kung mayroon kang isang malaking presentasyon o isang mahalagang job interview na paparating, normal naman para sa iyo na makaramdam ng nerbiyos at pagkabalisa.

Ang ganitong uri ng pagkakaba kung minsan ay maaaring makatulong sa iyo na upang mas mahusay na gumanap. Ito ay sa pamamagitan ng pag-uudyok sa sarili na higit na paghandaan ang naturang pagtatanghal. Pagkatapos, kapag na ito, bumabalik na sa normal ay iyong buhay at nawawala na ang nerbiyos. 

Subalit, para sa mga nagdurusa sa GAD, ang mga nerbiyos na iyon ay hindi nawawala. Araw-araw na binabagabag ang mga taong mayroon nito ng kaba at pagkabalisa.

Halos lahat ng bagay ay humahantong sa pag-aaalala para sa kanila, at matindi at patuloy ang mga sintomas na nararamdaman. Ito ay hindi lamang isang bagay na nagpapabahala sa kanila, ito ay karaniwang sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Maaaring maapektuhan ang pamilya, kaibigan, relasyon, maging ang career at finances. 

Kung nakararamdam ka ng pagkabalisa sa ganoong paraan sa karamihan ng mga araw sa loob ng anim na buwan o higit pa, maaaring mayroon kang GAD. Maaari ka ring magkaroon ng ilang mga katulad na kondisyon tulad ng social phobia o depression.

Social Anxiety Disorder

Para sa kaalaman ng mga tao, totoo ang ang social anxiety. Sa katunayan, maaari nitong pahirapan ang buhay ng mga taong kailangang gumawa ng mga bagay sa publiko o sa harap ng madla.

Maaaring lumala ito nang husto sa puntong kahit ang pagkain sa paligid ng iba sa isang restawran ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagkatakot. Mayroon talagang ilang mga tao na dumaranas ng matinding kaba at pagkabalisa sa pag-iisip na kailangang nilang makasama ang iba.

Kadalasan, ang naturang uri ng anxiety disorder ay nati-trigger ng takot na makaramdam ng kahihiyan. Maaari rin itong ma-trigger sa pamamagitan ng pag-iisip na sila ay mapuna, mahusgahan, o kahit na pagtawanan lamang.

Ang mga taong nakararanas ng karamdaman na ito ay maaaring makaramdam ng mga sumusunod:

Sa ibang malalang mga kaso, maaari ring makaranas ng pagduduwal at pagtatae ang isang tao.

Ang tindi ng social anxiety ay maaaring iba-iba sa bawat tao. Katulad ng nabanggit, maaaring magkaroon ng mas malalang karanas ang ibang mga tao, hanggang sa hindi na nila gugustuhing lumabas at makihalubilo sa mga tao. Sa kabilang banda, ang mga mild cases ay maaaring may kinalaman sa simpleng pagharap sa matinding takot sa malalaki o mahahalagang okasyong panlipunan.

Mga Partikular Na Phobia

Oo, kabilang ang phobia sa umbrella ng iba’t ibang uri ang anxiety disorders. Karaniwan para sa mga tao na magkaroon ng takot buhat ng ilang mga bagay. Mga hayop, sitwasyon, heights, tubig, apoy — pangalanan ito, at may mga taong makararanas ng matinding discomfort dahil dito. Gayunpaman, ang mga phobia ay madalas na over-exaggerated reactions buhat ng takot hanggang sa punto ng hindi na ito makatwiran.

Posibleng magkaroon ng higit sa isang phobia. Mayroon ding hindi bababa sa limang kategorya ng mga phobia, katulad ng mga phobia sa mga sumusunod:

  • Hayop 
  • Likas na kapaligiran 
  • Dugo, pinsala, at mga injections
  • Mga partikular na sitwasyon

Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang phobia, narito ang ilang mga senyales at sintomas na dapat bantayan:

  • Hindi makatwiran na takot sa isang bagay.
  • Pagsasagawa ang lahat ng iyong makakaya upang maiwasan ang paksa ng iyong takot.
  • Pagkasagabal ng iyong takot sa pang-araw-araw na buhay.
  • Ang mga senyales at sintomas na ito ay nangyayari na ng mahigit anim na buwan.

Nararapat na mapansin kung nakararamdam ka ng anxiety o takot para sa mga bagay tulad ng pagsasalita sa publiko o katulad nito, ang mga ito ay mas ikinokonsiderang social anxiety kaysa sa phobia.

Mga Panic Disorders

Ang mga panic disorder ay kadalasang nagpapakita sa anyo ng isang panic attack. Ngunit, ito ay hindi lamang isang panic attack — ito ay higit pa. Regular at madalas ang mga panic attack na ito at nakasasagabal sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay nagiging sanhi ng hindi lamang mga sikolohikal na sintomas kundi pati na rin ang mga pisikal na epekto. Maaari kang magkaroon ng mga sumusunod:

Kung regular kang nagkakaroon ng panic attack sa loob ng isang buwan, maaaring mayroon ka ng naturang uri ng anxiety disorder. Humingi ng tulong mula sa isang mapagkakatiwalaang support group o mula sa isang mental health professional.

Key Takeaways

Bagaman ang kaalaman patungkol sa mental health ay kailangang pang mas ipaigting sa Pilipinas, ito ay para sa iyong pinakamahusay na interes na humingi ng tulong kung pinaghihinalaan mo na ikaw ay dumaranas ng anumang uri ng anxiety disorder. Ito ay mas lalong mahalaga kung ang iyong pagkabalisa ay humahadlang sa iyong pang-araw-araw na buhay.
Walang mali sa pag-aaral ng higit pa tungkol sa kung ano ang maaaring makaapekto sa iyong psyche. Sa katunayan, kailangan mo ng lakas upang maunawaan at gawin ang kailangan mong gawin para sa iyong sariling kapakanan. Kung hindi ka makabisita sa isang psychiatrist dahil sa kakulangan ng pera, mayroong mga libreng klinika na maaari mong bisitahin. Ang unang hakbang ay ang pag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng anxiety disorder at paghingi ng tulong.

Alamin ang iba pa tungkol sa Mabuting Pag-iisip dito.

medical
Jezreel Esguerra, MD
Narebyung medikal ni
General Practitioner
Isinulat ni Fiel Tugade · Na-update noong 3 araw na ang nakalipas