backup og meta

Kaso ng Mpox, Kinumpirma ng LGU sa Mandaluyong!

Kamakailan lang ay kinumpirma ng LGU ng Mandaluyong ang kaso ng mpox sa siyudad na nagbunsod ng malawakang contact tracing at surveillance para makontrol ang pagkalat ng sakit na ito.

Kaso ng Mpox, Kinumpirma ng LGU sa Mandaluyong!

Mpox sa Mandaluyong: Ano ang dapat mong malaman?

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (Cesu), kasalukuyan nilang binabantayan ang kaso ng mpox kasama ang City Health Office, Department of Health Regional Epidemiology and Health Statistics Section, at iba pang mga ahensya.

Matapos makumpirma ang kaso ng mpox sa mandaluyong, agarang nagsagawa ng case investigation, contact tracing, risk assessment, at pagbabantay ng mga kumpirmadong close contact sa pasyente. Dagdag pa nila na sana ay respetuhin ang privacy ng pasyente at huwag basta-basta magpakalat ng unverified information na maaari lang maging sanhi ng pagkalito.

Ano ang mpox at paano makakaiwas dito?

Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang monkeypox ay isang viral infection na dulot ng monkeypox virus. Ang naturang virus ay nagmula sa parehas na pamilya ng mga virus gaya ng virus na nagdudulot ng smallpox. Kung kaya, mapapansin mong halos magkatulad ang mga sintomas ng dalawang sakit. Bagaman itinuturing ang monkeypox bilang isang bihirang kondisyon, mas banayad ito at hindi nakamamatay kumpara sa smallpox. Bukod sa smallpox, marami ring nag-aakala na may kaugnayan ito sa chickenpox o bulutong. Ito ay marahil magkatunog sa pangalan at parehas din nagkakaroon ng mga butlig, subalit hindi ito tumutukoy sa iisang bagay lamang.

Mga Sintomas Ng Monkeypox

Sinuman ay maaring mahawaan ng monkeypox, mapa bata o matanda. Ilan sa mga maagang sintomas ng monkeypox ay kinabibilangan ng mga sintomas para sa trangkaso tulad ng mga sumusunod:

Matapos ng ilang araw, nagsisimula na umusbong ang mga rashes bilang flat at mapupulang mga bukol na maaaring maging masakit. Kalaunan, ang mga ito ay nagiging paltos at puno ng nana na namumuo at naglalagas. Bukod sa mga bukol, maaari ka ring magkaroon ng mga sugat sa iyong bibig. Kung minsan, mayroon din sa vagina o anus kapag nakuha ang sakit mula sa sexual contact. Dahil dito, marami ang naghahanap na ng posibleng gamot sa monkeypox.

Ano Ang Gamot Sa Monkeypox?

Dahil ito ay itinuturing na self-limiting disease, karamihan sa mga nahahawaan nito ay gumagaling at hindi na nangangailangan ng iba pang gamot. Ngunit, ang ilang mga taong malubha ang karamdaman ay maaaring mangailan ng paggamot.

Sa kasalukuyan, wala pang partikular na gamot sa monkeypox. Kadalasan, ito ay ginagamot sa pamamagitan ng antiviral agents dahil ito ay kinokonsidera naman bilang hindi nalalayong kamag-anak ng smallpox. Gumagamit ng mga antiviral treatment tulad ng tecovirimat upang maiwasan at magamot ang naturang kondisyon. Ang ibinibigay na bakuna rin para sa smallpox ay nakatutulong bilang karagdagang proteksyon mula sa monkeypox.

Key Takeaways

Sa kasalukuyan, iisa pa lamang ang kompirmadong kaso ng mpox sa Mandaluyong. Bagama’t mabilis kumalat ang sakit na ito, hindi nito ibig sabihin na dapat ay mag-alala o kaya mag-panic ang mga mamamayan tungkol dito.
Ang mahalaga ay panatilihin ang kalinisan tulad ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig, dahil malaki ang maitutulong nito upang makaiwas sa sakit.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mpox case confirmed in Mandaluyong; contact tracing launched, https://newsinfo.inquirer.net/2254730/contact-tracing-launched-as-mpox-case-confirmed-in-mandaluyong-city, Accessed July 1, 2026

Kasalukuyang Version

07/01/2026

Isinulat ni Jan Alwyn Batara

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

PCOS ay PMOS na: Bakit Binago ang Pangalan ng Kondisyong Ito?

PhilHealth YAKAP: Ano Ito At Paano Mag-Apply Sa Programang Ito?


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Jan Alwyn Batara · a

ad iconPatalastas

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconPatalastas
ad iconPatalastas