Updates Mula Kay Oscar At MJ Tungkol Sa Kanyang Recovery
Ibinahagi ni MJ sa kanyang instagram post na ang nagdaang dalawang linggo ay “traumatizing” at “difficult.” Ngunit dahil sa mga panalangin, suporta, at encouragement mula sa lahat kaya’t nalagpasan nila ang problema sa kalusugan.
“God is SO good & now we are home and Oscar is recuperating while on bed rest for the next weeks. Please continue praying with me for @oscaroida’s COMPLETE recovery,” sabi niya sa kanyang post.
Kinuha rin ni Oscar ang oportunidad upang pasalamatan ang kanyang asawa sa pamamagitan ng Instagram post na nagsasabing,
“Grabe ang naging sacrifices ng asawa ko mabuhay lang ako never niya ako iniwan and sobrang tiyaga niya akong inalagaan lalo na noong mga panahong nagdedeliryo na ako. Bagamat pakiramdam ko noon sobrang said na ang lakas ko di naman ako kinulang sa pagmamahal ng asawa ko. Lalo pa ako nabuhayan sa mga pagmamalasakit at dasal ng mga mahal sa buhay at mga kaibigan.”
Tinapos niya ang kanyang caption sa pagpapasalamat sa Panginoon sa “pagbibigay sa kanya ng pangalawang buhay.”
Matuto pa tungkol sa Balitang Pangkalusugan dito.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap