Nangangailangan ng tiyaga sa gamot, diet, ehersisyo, regular na check-up, at pati na rin pangangalaga sa iba pang medikal na kondisyon ang pagkakaroon ng mataas na blood pressure o hypertension. Kinakailangan din minsan ang mga vitamin at mineral supplement sa tuwing masyadong mahigpit o hindi balanse ang iyong diet. Alamin pa ang kaalaman sa calcium supplement.
Ngunit, alam mo bang hindi palaging mabuting pinagsasabay ang mga calcium supplement at mataas na blood pressure? Nangangahulugan ba na hindi ligtas ang mga calcium supplement para sa mga pasyente na hypertensive? Magbasa pa tungkol sa kaalaman sa calcium supplement.
Karaniwan, nangangailangan ng 1,000mg ng calcium ang katawan ng tao sa bawat araw. Maaaring mahirap itong makompleto, lalo na kung isa hanggang dalawang baso lang ng gatas ang iniinom mo araw-araw. Napakahalaga ng calcium para sa mga buto at hindi ito gumagana nang maayos kung wala ito. Samakatuwid, maaaring magreseta ng mga calcium supplement ang doktor upang maibigay ang pangangailangan ng katawan.
Ngunit maaaring hindi magandang pagsabayin ang mga calcium supplement at mataas na blood pressure dahil sa mga kasabay na gamot para sa mataas na blood pressure.
Sa artikulong ito, pag-uusapan natin ang mga kaalaman sa calcium supplement, kung anong mga gamot ang maaaring mag-interact nang hindi maganda sa mga calcium supplement, ano ang mga mabisa, at ano ang mga pag-iingat habang umiinom ng gamot para sa mataas na blood pressure at mga calcium supplement.
Paano gumagana ang mga gamot para sa mataas na blood pressure?
Hindi ka binibigyan ng kakaibang pakiramdam bukod sa normal ng mga gamot para sa hypertension o mataas na blood pressure, lalo na kung napapanatili mong balanse ang iyong blood pressure araw-araw. Maibabalik lamang nila ang iyong blood pressure sa normal na level.
May ilang paraan kung paano gumagana ang mga gamot para sa blood pressure, gaya ng:
- Inaalis nito ang sobrang salt at fluid sa katawan upang mapababa ang iyong blood pressure.
- Isa pa, pinaluluwag nito ang iyong blood vessel upang maayos na makadaloy ang iyong dugo. Nangangahulugan ding hindi kailangang magtrabaho nang mas matindi ang iyong puso upang magbigay ng dugo.
Gumagana lamang ang mga gamot para sa blood pressure kapag regular na iniinom at ayon sa inirereseta na dosage. Kung hindi ito maisasagawa, maaari itong magresulta sa hypertensive crisis, isang mapanganib na sitwasyon na maaaring mauwi sa pagkapinsala ng organ, tulad ng stroke o atake sa puso.
Dagdag pa sa mga gamot para sa mataas na blood pressure, lubos na inirerekomendang bantayan din ang iyong diet, ehersisyo, at iba pang mga medikal na kondisyon.
Mahalagang tandaang mas mababa pa sa 120/80mm Hg ang tamang blood pressure range. Makatutulong sa iyo ang regular na check-up upang mas mabantayan ang iyong hypertension dahil maaaring magkaroon ng ganitong kondisyon ang mga tao nang walang sintomas.
Mga calcium supplement at mataas na blood pressure – Mga gamot na maaaring makaapekto
Mayroon lamang dalawang uri ng gamot para sa mataas na blood pressure na nakitang hindi gumagana sa mga calcium supplement.
Ngunit hindi nangangahulugang hindi nagpapababa ng blood pressure o humahantong sa mataas na blood pressure ang mga gamot na ito kapag sinasabay sa mga calcium supplement. Nawawalan lamang ng epekto para maging mabisa ang mga ito.
Posible ding mag-interact nang hindi maganda ang mga gamot para sa mataas na blood pressure at calcium supplement, ngunit hindi rin dapat lubos na ipag-alala ang maaaring maging resulta nito. Maaaring baguhin ng iyong doktor kung paano mo iniinom ang iyong mga gamot, at pati na rin ang pagkuha mo ng calcium na kinakailangan ng iyong katawan.
Sumusunod ang dalawang gamot na hindi mabuting isabay sa calcium supplement:
Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pag-alis ng labis na tubig at sodium sa iyong mga bato. Dahil dito, bumubuti ang pressure sa daluyan ng dugo at kalaunan nagpapababa ng iyong blood pressure. Nangangahulugan na walang dagdag na lakas ang iyong puso para magbigay ng dugo.
Kung mas marami ang nakokonsumo na calcium sa mga supplement at pagkain, maaari ito maging hadlang sa paggana ng thiazide diuretics sa iyong bato.
Maaari ito maging dahilan ng paghina ng bisa ng diuretics sa pagpapababa ng blood pressure dahil maaaring magambala ng calcium ang proseso ng pag-aalis ng mga sobrang fluid.
Kung patuloy na umiinom ng diuretics kasabay ng mataas na konsentrasyon ng calcium supplement, maaari ito humantong sa milk-alkali syndrome. Isa itong kondisyon kung saan tumataas ang lebel ng calcium sa dugo at nagiging acidic ang iyong katawan sa halip na alkaline. Dahil dito kaya mas madaling magkasakit sa bato, atakihin sa puso, o mag-seizure.
Kahit hindi ito nangyayari sa lahat, hindi pa rin mabuti ang kombinasyon ng diuretics at calcium supplement. Samakatuwid, maaaring hindi angkop ang mga calcium supplement para sa mga pasyenteng hypertensive.
Kung niresetahan ng thiazide diuretics, kumonsulta sa iyong doktor tungkol sa kung paano ipagpapatuloy ang iyong calcium supplement.
Gumagana ang mga ito sa pamamagitan ng pagharang sa calcium na pumasok sa daluyan ng dugo, na humahantong sa pagluwag nito na nagiging dahilan para dumaloy nang mas maayos ang dugo. Sa tuwing relaks ang matinding pressure ng masikip na daluyan ng dugo, nagiging mababa rin ang iyong blood pressure.
Madalas na nakasasagabal ang mga calcium channel blocker sa mataas na pagkonsumo ng calcium supplement na binibigay sa pamamagitan ng intravenous route (IV). Nangangahulugan na kapag tumaas ang lebel ng blood calcium dahil sa IV calcium supplementation, maaari ito makaapekto sa mga calcium channel blocker.
Dahil mas marami ang mga calcium supplement kaysa sa mga calcium channel blocker, mahirap para sa daluyan ng dugo na lumuwag at maglabas ng ilang pressure. Kaya naman hindi rin bumababa ang blood pressure.
Samakatuwid, maaaring hindi angkop ang mga calcium supplement para sa mga pasyenteng hypertensive.
Sa kasong ito, dapat itigil ang IV supplementation. Ngunit hindi pa rin ito napapatunayan sa oral calcium supplementation gaya ng mga tablet o sa pamamagitan ng mga pagkain na mayaman sa calcium.
Sa anumang kaso, kung niresetahan ka ng mga calcium channel blocker, tignan ang pressure ng iyong dugo palagi. Makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa pinakamahusay na calcium supplement at ang pinakamabuting paraan upang inumin ito.
Mga calcium supplement at mataas na blood pressure – Mga gamot na hindi nakakaapekto
Hindi nakakaapekto ang mga calcium supplement sa mga gamot para sa mataas na blood pressure. Kaya naman karaniwang maaari itong inumin nang ligtas kasabay ng mga calcium supplement. Kabilang sa mga gamot para sa hypertension ang:
- Mga beta-blocker tulad ng propranolol, bisoprolol
- Renin-inhibitors, tulad ng aliskiren (Tekturna)
- Angiotensin II receptor blockers, tulad ng losartan (Cozaar), valsartan (Diovan), at iba pa
- Angiotensin-converting enzyme (ACE) inhibitors, tulad ng captopril, lisinopril, at iba pa
Ngunit pinakamahusay pa rin na kumonsulta sa doktor tungkol dito.
- Dapat isaalang-alang ang kalidad at dami ng calcium na kinokonsumo. Maaari itong nasa anyo ng mga artipisyal na supplement, mga herbal na produkto, o natural na pagkain. Maaari ding hindi epektibo ang mga fortified nutrient gaya ng kanilang sinasabi. Kumonsulta sa doktor tungkol sa kung paano makukuha ang calcium na kinakailangan ng katawan kasabay ng gamot para sa hypertension.
- Hindi rin nangangahulugan na tuluyan mo na aalisin ang calcium sa iyong diet. Mauuwi lamang ito sa fatigue, pagkapagod, mababang lebel ng enerhiya, osteoporosis, at mga problema sa ngipin. Kailangan mo pa rin ng hindi bababa sa 1,000 mg na calcium intake sa isang araw.
- Hindi lamang thiazide diuretics at calcium channel blockers ang mga gamot na kailangan mong pag-ingatan na inumin. Hindi nila biglang itataas ang level ng iyong blood pressure o mabibigong pababain ito. Sa halip, mawawalan ito ng bisa ayon sa normal nilang epekto. Kinakailangan ng anumang gamot para sa mataas na blood pressure ang balanseng diet, ehersisyo, at gabay sa pag-inom ng iba pang gamot. Magtanong sa doktor tungkol sa kung paano maipagpapatuloy ang pareho, at mga kaalaman sa calcium supplement.
Ito ang ilan sa mga rason kung bakit posibleng hindi mabuting pagsabayin ang mga calcium supplement at mga gamot para sa mataas na blood pressure. Kung may mga katanungan at paglilinaw, palaging kumonsulta sa iyong doktor.
Matuto pa dito tungkol sa paglaban sa hypertension.