Ano Ang Myomectomy? Mga Uri Nito
Ang uri ng operasyon sa fibroid na maaaring isagawa sa pasyente ay nakabatay sa bilang ng fibroids, lokasyon nito, at kalubhaan ng kondisyon.
Abdominal myomectomy: Ito ay iminumungkahing gawin kung ang pasyente ay may fibroids na malaki o marami. Sa uri ng operasyong ito, hihiwain ng surgeon ang iyong tiyan at tatanggalin ang fibroids.
Laparoscopic myomectomy: Ang ganitong uri ng operasyon ay iminumungkahi kung ang pasyente ay may maliit o mas kakaunting fibroids. Sa operasyong ito, ipapasok ng doktor ang laparoscope, isang tila tubong instrument, sa pamamagitan ng maliit na hiwa sa tiyan. Ito ay isang paraang minimally invasive ma maaaring maging opsyon para sa mga nagnanais ng mas maliit hiwa at mas mabilis na paggaling.
Hysteroscopic myomectomy: Iminumungkahi naman ang paraang ito kung ang pasyente ay may mas maliliit na fibroids sa loob ng cavity ng uterus (submucous myoma). Sa operasyong ito, ang surgeon ay magpapasok ng maliit na scope sa puki na idadaan sa cervix upang marating nito ang uterus. Malalaman sa pamamagitan ng videoscope kung saang bahagi nakakabit ang myoma. Hindi kinakailangan sa uri ng operasyong ito ang anomang paghiwa sa tiyan.
Ano Ang Myomectomy? Paggaling Mula Rito
Ang iyong pananatili sa ospital ay maaaring nakadepende sa uri ng operasyon. Maaaring ito ay tumagal sa loob ng ilang mga araw, depende sa nararamdamang pananakit at kondisyon. Sa oras na makauwi na, kung ikaw ay sumailalim sa abdominal myomectomy, maaaring tumagal ng isa o dalawang buwan upang gumaling. Hindi naman nagtatagal ng isang buwan ang paggaling sa laparoscopic myomectomy. At hindi aabutin ng isang linggo ang paggaling kung sumailalim ka sa hysterectomy. Ang paggaling ay nangangahulugan na makakabalik ka sa karaniwang kalagayan bago ang operasyon. Iba-iba ang paggaling sa bawat pasyente depende sa kanilang iba pang kondisyong medikal.
Maaaring tulungan ka ng iyong doktor sa mga alituntunin kailangan mong sundin na maaaring kabilangan ng limitasyon sa diet at mga tiyak na gawain. Ang operasyon sa pagtanggal ng fibroids ay makatutulong upang maibsan ang mga nararanasang sintomas at mapabuti ang fertility.
Maaaring makaranas ng pananakit at hindi komportableng pakiramdam sa loob ng ilang mga araw matapos ang operasyon. Upang mawala ito, maaaring magreseta ang doktor ng gamot para sa pananakit.
Mga komento
Ibahagi ang iyong mga iniisip
Maging una sa pagpapaalam sa Hello Doctor ng iyong iniisip!
Sumali sa amin o Mag-log in para makasali sa pag-uusap